Chapter Four

4.3K 185 2
                                    

HINDI ma-express ni Kate ang nararamdaman. She was speechless. Ganap na siyang VJ ng My Music Channel!

Para siyang nakalutang sa ulap sa labis na kaligayahan. Parang sasabog ang puso niya. Naiyak pa nga siya. Natupad na sa wakas ang pangarap niya.

Sir Douglas congratulated her for a job well done and the start of her new career. In-introduce siya nito sa buong staff ng MMC. Nahihiya at kinakabahan siya subalit nawala iyon sa mainit na pag-welcome ng mga ito sa kanya. Napaka-friendly ng mga ito. Damang-dama niyang belonged siya. Alam na niya ang rason kung bakit hindi siya nakapasok sa mga in-apply-an niya. Because she belonged to MMC. Nakatutuwang isipin na ang mga VJ na hinahangaan at pinapanood niya sa TV noon, ngayon ay makakatrabaho na niya. Magsisimula na siya sa Monday.

Nang malaman ni Morisette ang balita, halos mabasag ang eardrums niya sa lakas ng tili nito pero okay lang. Sinabayan pa niya. Magkasama silang umuwi sa bahay nila sa Batangas upang doon mag-celebrate. Nasorpresa at natuwa para sa kanya ang mga magulang niya. Naghanda ang mga ito ng munting salo-salo.

Sinalubong si Kate ng mahigpit na yakap ng mama niya pagdating nila. "Congratulations, anak. I'm so proud of you." tuwang-tuwang sabi ng kanyang ina. "Nasorpresa mo kami ng papa mo."

"Thank you, 'Ma." nakangiting sabi niya. "Sinadya ko talagang hindi sabihin sa inyo para sorpresahin kayo."

Ang papa naman niya ang yumakap sa kanya. "Congrats. Artista na ang unica hija ko."

Tumawa siya. "'Pa, VJ ako. Hindi artista."

"Ganoon na rin 'yon, anak. Mapapanood ka na namin sa TV, eh."

"True ka diyan, Tito." pagsang-ayon ni Morisette. "Sayang nga lang at hindi makakadalo ang The Jacks. Gusto ko pa naman silang makita."

Tinawagan niya ang The Jacks at si Flynn para imbitahan sa maliit na party niya ngunit hindi makakapunta ang mga ito. Loaded ang schedule ng banda at may practice ang mga ito sa bagong k-in-ompose na kanta. Siya rin naman ay nanghihinayang dahil parte ang mga ito ng tagumpay niya. Pero naiintindihan niya iyon sapagkat in demand talaga ang banda.

Masayang pinagsaluhan nila ang mga handa. Pagkalipas ng isang oras ay nagpaalam si Morisette na uuwi na. May pasok pa kasi ito bukas. Hindi na ito puwedeng um-absent uli dahil um-absent na ito ngayon para sa kanya. Isa pa, sobra-sobra na ang ipinakita nitong suporta sa kanya.

Wala pang kalahating oras ang lumipas nang umalis si Morisette nang may kumatok sa pintuan. "Ako na po." Tumayo si Kate at pinagbuksan iyon para lang mapatda. Her heart skipped a beat.

Tinanggal nito ang suot na shades. "Hello, Kate. Congratulations," nakangiting bati ni Chris Drew.

"C-Chris Drew? Ang akala ko, hindi kayo makakapunta." gulat na sambit niya.

"Ako lang mag-isa. Tumakas ako."

"Tumakas ka? Teka, pasok ka muna." Tumalima ito. Isinara niya ang pinto. "Ano ba itong ginawa mo? Baka magalit sa 'yo si Flynn." aniya.

"Okay lang na magalit sa akin si Flynn, huwag ko lang ma-miss ang espesyal na okasyong 'to. I want to be a part of your celebration, Kate." sinserong saad nito. "Pasensiya ka na. Wala akong dalang kahit ano para sa 'yo. Nagmamadali na kasi ako na makapunta rito, eh. Mabuti na lang at nabanggit mo kay Flynn ang address ng bahay n'yo rito. At saka, puwede naman naming ituloy bukas ang pagpa-practice sa bagong kantang k-in-ompose namin, eh."

Para siyang kiniliti sa sinabi nito. Hindi niya naiwasang humanga at ma-touch dito. Ang kumag, nag-effort talaga para makapunta sa party niya kahit alam nitong puwede itong mapagalitan ni Flynn. Isn't it sweet? Pakiramdam niya, napaka-espesyal niya. At higit sa lahat, ang lalaking pinakaiinisan pa niya ang nagpapadama niyon sa kanya. "Kahit na, 'no. Manager mo pa rin siya, eh. Pero natutuwa akong nandito ka. Salamat, ha?"

LOVING CHRIS DREW ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon