"ANG SARAP! Sabi ko na nga ba, eh. Magaling ka palang mag-bake. Paborito ko pa naman ang chocolate cake. It's delicious!" puri ni Chris Drew kay Kate. Magkatabi silang nakaupo sa sofa niya. Pinanood niya itong um-slice uli ng isa pa nang maubos nito ang kinakain. "Hihirit pa 'ko, ah?"
Natawa siya. "Sige lang. Treat ko 'yan sa 'yo. And thanks." Uminom siya ng iced tea.
"Saan ka natutong mag-bake?" tanong nito.
"Sa mga cooking recipes. Mahilig din kasi ako sa pastries katulad ng cupcakes." pagbibigay-alam niya. "Tuwing uuwi ako sa bahay namin, ipinagbe-bake ko sila mama at papa. Nainis nga si Mama noon. Nagke-crave siya sa cupcakes ko pero dahil sa side effects ng gamot para sa sakit niya, hindi niya malasahan 'yon."
"You know, I admire you, Kate. You are strong. Naging matatag ka para sa mama mo. Hindi ka niya nakitaan na pinanghinaan ka ng loob. Basta kapag may problema ka, sabihin mo lang sa akin, ha? I may be a handsome nuisance to you but you can surely count on me like one, two, three, I'll be there..." pagkanta nito.
Tumawa siya. Kung anong ikinadali niyang maasar dito, siya namang ikinadali rin na mapatawa siya nito. "Bruno Mars?"
Natawa ito. "But seriously, that's what I like about you. Noon pa man kasi, nakikitaan na kita ng ganyang personality. May kakayahan kang gawing positibo ang mga bagay-bagay kahit gaano pa 'yon kanegatibo." Tumingin ito sa plato nito at bahagyang kumunot ang noo na tila may naalala.
Napangiti siya. Iyon din ang sinasabi ng mga kaibigan niya sa kanya. And yes, Chris Drew may be a handsome nuisance but he had this caring side of him. His good side. Ilang beses na niyang napatunayan iyon. Kahit saksakan ito ng kulit at mapang-asar ito, napapatawa at napapangiti naman siya nito. Unti-unti na niyang nakikilala ang mabuting ugali nito at kung sino talaga ito. Nagbago na ang tingin niya rito. "Hindi pa pala kita napapasalamatan. Thank you, ha? Nag-enjoy talaga ako nang sobra, Chris Drew. Matagal na naming pinagplanuhan ng parents ko ang pagpunta sa Manila Ocean Park para sana sa 21st birthday ko. Ang kaso, hindi na iyon natuloy dahil nagkasakit si Mama. Kaya masayang-masaya akong tinupad mo 'yon para sa akin."
Kumislap ang mga mata nito at nginitian siya. "You're welcome. Basta ba araw-araw kong nakikita 'yang ngiti mo at may chocolate cake ako." Naubos na nito ang pang-round two na cake nito.
Magsasalita na sana siya nang tumunog ang cell phone niya. Nag-text sa kanya si Morisette. Hello, girl! Ugh! May na-encounter akong nakakainis at antipatikong lalaki sa daan kanina! Sobrang nakakagigil talaga. Napaka-arogante niya. 'Need to share this with you 'cause I'm really pissed off. Anyway, how's your date? Ahyee! Excited much for your kuwento. May tatlong hearts pa iyon sa dulo.
Mamaya na lang niya ito re-reply-an. Ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman nitong si Chris Drew ang kasama niya buong araw at hindi si Keith? Siguradong tutuksuhin siya nito nang tutuksuhin. Lalong titibay ang pananalig nitong sila ngang dalawa ni Chris Drew ang itinadhana para sa isa't isa.
"'Something wrong?" tanong ni Chris Drew.
Umiling siya. "Nothing. Nag-text lang si Morisette." Ibinaba niya ang aparato sa mesa.
"Hey, si Bugs Bunny ba 'yong nakita kong wall paper ng phone mo?" tanong nito na ang tingin ay nasa cell phone niya.
"Yes. He's my favorite Looney Tune character."
"Talaga? Favorite ko rin kasi siya. Gaya-gaya ka!" Tumawa ito at ginulo ang buhok niya.
Hinampas niya ito sa braso. "Gaya-gaya ka diyan. Bata pa lang ako, paborito ko na si Bugs, 'no. Gustong-gusto ko ang catch phrase niya na..."
"Eh... what's up, doc?" pagpapatuloy ni Chris Drew. Umakto pa itong may nginunguyang carrot sa kamay nito. Kuhang-kuha nito iyon.
Nagtawanan sila. Ah, it felt good to laugh with him. His laughter was like music into her ears. Iyon ang isang klase ng musika na hinding-hindi niya pagsasawaang pakinggan.
![](https://img.wattpad.com/cover/126705223-288-k25814.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVING CHRIS DREW ✔
RomansaKate's ultimate dream is to become a VJ in My Music Channel or MMC, ang pinakasikat at pinakamalaking music channel sa Pilipinas. At nang mabigyan ng pagkakataon ay sinunggaban na niya. Pero may isang malaking catch. Kailangan niya munang interview...