Chapter Six

4.1K 168 5
                                    

"SSHH!" agad na sita ni Chris Drew kay Kate. Inilapat nito ang hintuturo sa bibig. "Lower your voice. 'Wag mong masyadong ipahalata na excited kang makita ako." Ngumisi ito.

Hindi niya pinatulan ang pang-aasar nito. "Nice camouflage. I almost didn't recognize you," mahinang sambit niya. Kunsabagay, kaya nga ito nag-effort na mag-disguise nang ganoon ay para walang makakilala dito. Siguradong hindi lang ito pagkakaguluhan ng mga fans nito, kukuyugin pa. Madadamay pa siya kapag nagka-stampede. Kawawa naman siya.

"But still you did. Kilalang-kilala mo talaga ako, 'no?" amused na sabi nito.

Well, thanks to my heart. "Ano'ng ginagawa mo rito? Paano mo nalamang narito ako? Sinusundan mo ba ako?"

"Yes," walang-gatol na pag-amin nito. "Kanina ko pa kayo sinusundan. Palihim akong nagpunta sa bahay n'yo. Binabantayan lang naman kita. Mahirap na. Baka mamaya ay may kung anong gawin sa 'yo ang asungot 'yon. Nagpapasiguro lang ako."

She was mystified. Chris Drew did the stalking just to guard her? She never thought he really cared this much about her. Hindi ito mag-aabalang gawin iyon kung hindi. Ang totoo ay natutuwa siyang naroon ito at kasama niya. Kakatwang napanatag din ang loob niya. "His name is Keith, okay? And how many times do I have to tell you that he's harmless? Wala siyang balak na masama sa akin. May nangyari ba sa akin? Wala naman, 'di ba?" katwiran niya pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay touched na touched siya rito.

"Whatever. Wala pa rin akong tiwala sa lalaking 'yon."

She rolled her eyes. Hindi ba talaga nito kayang tawagin si Keith sa pangalan?

"Wala ba kayong practice ngayon? Appointments? Guesting? Wala?" tanong niya.

"Wala. At kung meron man, mag-a-absent ako para lang sa 'yo."

Naman, Kate! 'Kita mo? Handa siyang mag-sacrifice para sa 'yo. Grabe na talaga ang pagmamalasakit niya sa 'yo! Sinupil niya ang pagngiti. Kinikilig kasi siya!

Pumalatak ito. "Dito ka niya dinala para sa date n'yo? Ang ordinary naman. But as I've witnessed, mukhang hindi natuloy nang husto ang date n'yo. Ano'ng nangyari at bigla ka niyang iniwan dito nang mag-isa?" Sa tono ng pananalita nito ay parang gusto nitong komprontahin at pagalitan si Keith. Na parang isang mabigat na kasalanan ang ginawa ng huli sa kanya.

"Don't get him wrong. Nagka-emergency kasi sa kompanya niya at kailangan siya roon upang personal na ayusin. Okay lang naman 'yon. Naiintindihan ko siya. Dedicated lang siya sa trabaho. He's the boss."

He scoffed. "Screw him." Pinasadahan siya nito ng tingin. "Mukhang pinaghandaan mo ang araw na 'to. Bagay sa 'yo 'yang dress mo. Ang ganda mo." masuyong saad nito.

Nag-init ang pisngi niya. Yumuko siya at humigop ng pearl milk tea niya. Nadismaya siya nang maubos iyon. She was wearing light pink chiffon dress and light makeup. Ang sabi kasi ni Morisette, dapat magbihis siya nang maganda para sa first date niya. Mas excited pa ito kaysa sa kanya. Sa wakas daw ay makikipag-date na siya.

Iyon ang pangalawang beses na pinuri siya ni Chris Drew nang maganda. Pero matindi pa rin ang epekto niyon sa kanya. Pinuri din naman siya ni Keith, subalit mas masaya siya nang si Chris Drew ang nagsabi niyon sa kanya.

"So, bakit pumayag kang magpaiwan dito?" tanong nito.

"Ayoko pang umuwi. Nandito na rin lang ako sa mall, sasamantalahin ko na ang pamamasyal."

"You did the right thing not to come home just yet. Mabuti na lang at iniwan ka niya. Iniwan ka niya para sa akin."

"H-huh?"

Tumayo ito at kinuha ang shoulder bag niya saka hinila ang kamay niya. Nanginig siya sa koryenteng dumaloy sa ugat niya.

"Hey, where are we going?" nagtatakang tanong niya rito.

LOVING CHRIS DREW ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon