Reason 1

994 12 6
                                    

Chapter 1

Old School

Nakamasid lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan ng kapatid ko ng naramdaman kong nagvibrate yong phone ko sa bulsa kaya dali-dali ko tong kinuha.

Napangiti nalang ako ng makita ko yong pangalan ng bestfriend ko sa screen. Kaagad kong binuksan yong message niya.

*Di ba papasok ka na ngayon? Gusto mo hintayin kita sa gate?*

*Sure. I’ll see you in a few* reply ko sa kanya.

Halos hindi na ko mapakali sa kinauupuan ko. Maski si kuya napapatingin na sa akin at nasasabihan pa ako na para daw akong kiti-kiti. Pakialam niya ba? Masaya lang ako na magkikita na kami ng bestfriend ko.

Ilang sandali lang ay nasilayan ko na ulit yong school na papasukan ko. It’s been a year simula ng nakita ko tong school na to. Ano kayang pinagbago? O baka naman ganon pa din tong school na to? Walang pagbabago lalong lalo na sa mga estudyante.

“Gusto mo ihatid pa kita sa loob?” napatingin ako kay kuya at sinamaan siya ng tingin

“Anong tingin mo sa akin kinder? I’ll be fine kuya. You don’t have to worry.” sabi ko habang natatawa.

“Are you sure? Pwede ko pa naman paki-usapan si mommy na ilipat ka sa ibang school kung ayaw mo talaga -------“ kaagad ko siyang pinigilan sa sasabihin niya. Tinaaas ko yong kanang kamay ko sa harapan niya para matigil na siya sa kakadaldal niya.

"H'wag na, kuya. Salamat nalang."

Halos isang linggo na kong naririndi sa mga pinagsasabi niya. Isang linggo na kong nagmakaawa sa nanay namin na ilipat ako ng school pero walang nangyari.

Kung si kuya pa kaya ang magmakaawa sa kanya panigurado wala din mangyayari. Buti sana  kung si ate ang magmakaawa sa kanya bibigay kaagad yong matigas na puso ng nanay ko.

"Malay mo pumayag na si mommy. Try ulit natin makiusap?" pamimilit ni Kuya. Alam ko naman na nag-aalala lang siya sa akin kaya ganyan siya.

“Tama na please? Wala na kong magagawa kundi tanggapin nalang to. Alam mo namang pinakiusapan ko na din siya noong nakaraang linggo di ba? Anong nangyari? Wala. Walang nangyari kuya. Hayaan mo na lang. Ilang buwan lang naman yong titiisin ko e. I’ll be fine so don't worry.” sabi ko sa kanya at nginitian ko nalang siya.

Nanatili lang siyang nakatingin sa harapan kaya napabuntong hininga nalang ako. Alam ko naman na wala kaming magagawang dalawa kahit kasi pilitin namin yong mommy namin hindi bibigay yong matigas na puso non sa amin. Ilang sandali lang naramdaman ko na namang nagvibrate yong phone ko kaya naman nabalik ako sa katinuan.

“Ay shit. Naghihintay na si Gale sa akin.” sabi ko at nakita kong napatingin si kuya sa akin. Madali kong inayos yong sarili ko at kinuha ko na yong bag ko sa likod na upuan.

“Alis na ko ha. Gusto mong sumama?”pang-aasar ko sa kanya pero umiwas lang siya ng tingin sa akin. Kitang kita ko kung paano kumislap yong mga mata niya at kung paano namula yong pisngi niya. Napailing nalang ako habang natatawa pa.

“Sayang kasama ko pa naman si Gale."

"Tigilan mo ko, Dhale ha." pagsusungit niya pero matawa-tawa ako sa itsura niya. Ang pula na kasi ng mukha niya halatang kinikilig.

"Ok, see you on saturday.” sabi ko sa kanya palabas na ko ng sasakyan pero pingilan naman niya ko

“I forgot to tell you. Hindi pala ako uuwi this weekend. I’ll text you nalang if kailan ako uuwi. Ingat ka nalang.” sabi niya at tinanguan ko nalang siya.

Reason to Believe [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon