Dumaan ang ilang oras. Ilang subject. Recess at sa wakas lunch na. Ilang subject nalang malapit na mag-uwian.
Pinauna ko munang makalabas yong iba kong classmate. Nagpaunat-unat pa ko sa pwesto ko ng sa wakas nilapitan na ko nila Gale.
“Kamusta tulog ng mahal na prinsesa?” matatawa niyang tanong
Napangisi nalang ako habang inaayos ko yong sarili ko. Tanggal ng muta. Suklay sa buhok. Lagay ng pulbos sa mukha. Maganda na ulit ako.
“For sure masarap. Humihilik pa nga siya kanina.”
Kaagad akong napatingin sa nagsalita. Aba loko tong halimaw na to!
“Excuse me! Hindi ako humihilik no!” sabi ko sa kanya habang abala siya sa pagsusulat ng kung ano sa note book niya at nong natapos na siya binigyan niya ko ng isang nakakainis na ngiti.
“Ang lakas kaya. Rinig na rining ng katabi ko. Why don’t you ask Gale and Jairus para malaman mo na humihilik ka talaga kanina?”
“Is that true?” tanong ko kila Gale pero nanlaki lang yong mga mata nila
“At hindi lang yon dahil tuloy laway ka pa kanina.” dagdag pa ng kutong lupa kaya naman napahawak kaagad ako sa gilid ng labi ko.
Kaagad na napakunot yong noo ko ng wala naman akong nakapa.
“Ako ba pinagloloko mo?! Tantanan mo ko ha.”
“Sure. Sure.” sabi niya habang inaayos niya yong mga libro niya pabalik sa bag niya.
Pangiti-ngiti pa ang loko. Bwisit talaga to kahit kailan. Naku ang sarap sabunutan! Kapag ako nabwisit sa kanya yong mahaba at gulo-gulo niyang kulot na buhok gagawin kong straight. Napatitig nalang ako sa kanya. Kailan pa pinayagan ng school na magapahaba ng buhok yong mga estudyante dito?
Yong buhok niya konti nalang aabot na sa balikat niya. At ang nakakainis pa don kahit kulot yong buhok niya bagay na bagay pa din sa kaniya. Para siyang perprktong manika. Legal ba yong ganitong mukha sa mundo? Sino bang magulang nito at parang napakaperpekto ng isang to.
“Ok guys. That’s enough. Harry tigilan mo si Bria ha.” sabi ni Jairus kaagad na nagpantig yong tenga ko sa narinig ko. Kaagad akong napalingon sa likuran ko at tsaka ko siya sinigawan!
“Stop calling me Bria!”
“Stop calling me Harry!”
We both said in unison. Napatingin ako sa bigla sa katabi ko. Eto bang lalaking to nangiinis talaga.
“Ikaw ba ginagaya mo ko?”
“Hoy hindi kita idol para gayahin kita.” sabi niya sabay irap ng mata.
“Kayong dalawa tama na yang bangayan niyo. Baka magkatuluyan pa kayong dalawa niyan.”
“HA! NEVER IN YOUR WILDEST DREAM!” we said again in unison. What the hell. Napatitig ako ng masama sa lalaking katabi ko ngayon Etong bwisit na to namumuro na talaga sa akin e.
“Alright. Calm down guys. Tara na nga punta na tayo sa canteen.” sabi ni Gale
Tumayo ako sa upuan ko at tsaka nauna ng maglakad sa kanila. Kinabit ko sa tenga ko yong earphone pero maya-maya lang nagulat ako ng may humawak sa braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad.
Kaagad ko siyang hinarap at tinanggal ulit sa isang tenga ko yong earphone.
“What?”
“Dhale. Sa kabila yong way papunta sa canteen.”
“I know.” I said while rolling my eyes.
“E bakit dyan ka dadaan? Don’t tell me nakalimutan mo na kung paano pumunta don? Tara na sa cafeteria gutom na ko.” sabi ni Jairus

BINABASA MO ANG
Reason to Believe [ON-HOLD]
Teen FictionDarating yong araw na may: Isang tao na magiging dahilan kung bakit babaguhin mo yong sarili mo... Isang tao na magpapaintindi sayo kung anong saya meron ang mundo... Isang tao na dadamayan ka kahit na anong pagdaanan mo, saya man o lungkot... Isang...