Reason 10

235 9 0
                                    

"I really had fun, ate Dhale. Thank you so much!"

"Oo nga po. Thank you po sa matyagang pagtuturo niyo. Siguro po kung hindi niyo kami tinuruan baka wala kaming mapresent sa thursday." sabi ni Tricia at halos matawa ko sa tsura niya dahil para siyang takot na takot na walang maipresent na sayaw para sa PE class nila.

"Oh I bet not. Nandyan naman si Bea. Magaling din yang sumayaw at syempre pati din kayo basta magtulong-tulungan lang kayo sa pagbuo ng steps. Basta magpractice kayo sa bahay ha. Kung nahihirapan pa kayo sabihan niyo lang ako o kaya si Bea." paliwanag ko sa kanila at nagsingtian naman sila sa akin.

"Thank you po talaga! Ang galing niyo pong gumawa ng ng sayaw. Ang ganda-ganda po ng sayaw namin tsaka madali lang pong kabisaduhin kasi hindi komplikado." masayang sabi ni Cindy kaya naman hinila ko siya para yakapin sandali.

Ang sweet-sweet kasi ng batang to kanina pa. Kanina pa din ako binobola.

"Ang ganda-ganda niyo po, talented tapos ang bait niyo pa po----

"Oh tama na pambobola. Sige na magsiuwian na kayo at may gagawin pa ko." sabi ko sa kanila at nagsitawanan lang sila sa akin kaya naman napasabay din ako sa pagtawa nila.

"Manonood pa kami ng audition ng cheering, ate. Di ba kasama ka don mamaya?" tanong ni Bea at napatango-tango lang ako

"Oh sige na. I need to prepare for the audition. I'll see you on wednesday para sa final practice niyo since sa thursday niyo na to ipe-present, am I right?"

"Opo." sabay-sabay na sabi nila na may kasama ang pagtango ng mga ulo nila.

"Magpractice kayo ha para makakuha kayo ng mataas na grade---"

"And don' forget to enjoy, kids. Di bali ng makalimutan niyo yongibang steps basta ang importante nag-e-enjoy kayo." napalingon kaagad ako sa gilid ko ng may biglang umakbay sa akin.

Nagsingitian naman yong mga bata at pigil na pigil yong pagngiti

"Syempre naman kuya Rence mag-e-enjoy kami. Ang ganda ng sayaw namin e. ANg ganda pa ng nagturo" sabi ni Bea habang palipat lipat ng tingin sa akin at sa lalaking walang hiyang nakaakbay sa akin.

Tinaggal ko kaagad yong kamay niya sa balikat ko at sinamaan siya ng tingin pero ang lko nginitian lang ako labas pa dimples.

"Alis na po muna kami. Bye Ate Dhale!" paalam nila at nagtatakbo na sila papunta sa labas ng gym at ako naman dumiretso sa bench para kuhain yong bag ko. I

Kinuha ko kaagad yong phone ko. 20 minutes nalang yong natitirang oras sa akin at hindi pa ko nakakapagbihis ng pang-audition ko tapos hindi pa ko nakakapagstretching. Napapikit nalang ako at napabuntong ng malalim.

"Let's eat? Treat ko." sabi niya at napasimangot lang ako sa kanya.

"No thanks." sabi ko at madali akong lumabas ng gym para dumiretso ng locker room at makapagpalit ng damit.

"Sungit." bulong niya. Napahinto ako sa paglalakad at tumama yong katawan niya sa akin dahil hindi siya nakatingin sa dinaraanan niya

"Sinong masungit?" seryosong tanong ko sa  kanya.

Tinitigan niya ako sandali pero maya-maya lang para na siyang baliw na nakangiti na naman sa akin.

"Alam mo---"

"Hindi ko pa alam." napairap nalang siya sa akin. Pinigilan kong mapangiti. Ewan ko ba. Natutuwa talaga ko sa lalaking to kapag nabubwisit ko siya e. Halatang hindi na siya makapagtimpi sa akin.

"Ang ganda mo sana kaso napakasusungit mo." sabi niya habang nakanguso at napapakamot pa sa batok niya.

Napatitig lang ako sa kanya pagkasabi niya non. Pustahan tayo yong bibig ko nakasayad na sa lupa. Yong mga mata ko kulang nalang lumuwa na dahil sa sinabi niya. Ilang sandali din kaming ganon yong itsura.

Reason to Believe [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon