"Time is up!" pagkasabi ko non nagpupumiglas na ko sa kanila at ang mga walang hiya tinawanan lang ako.
Nong tinangka ulit nilang yakapain ako, binigyan ko kaagad sila ng nakakamatay na titig kaya naman nagsiatrasan na sila. Tangging si Gianne nalang yong naglakas ng loob na lumapit sa akin at inakbayan ako.
"Ano ka ba naman Dhale?! Namiss ka lang namin! Kung makareact to parang gago e." reklamo niya pero napairap lang ako
"Hindi ba kayo nahihiyang makita ng iba niyong kateammates na ganyan kayo kabaliw? Para kayong mga nakawala sa zoo---" kaagad na naputol yong sasabihin ko dahil binatukan niya kaagad ako.
"Gaga! Anong pinagsasabi mo dyan? Namiss ka namin tsaka hello isang taon ka namin hindi nakita o nakausap man lang. Girls, This is Dhale Bria Chandler. Just call her Dhale or ate Dhale. Returnee student from, where?" tanong niya sa akin kaagad pero inirapan ko lang siya
"Bitch" Bulong niya sa akin kaya napangiti nalang ako ng palihim. "Oh wellI. Forget it. t's not important kung saan siya galing. Ang mahalang bumalik na siya dito. Dati din siyang member ng cheering squad and mananatili pa ding memeber hanggang makagraduate kami ng high school. Tomorrow, you'll see her sa audition. right?" tanong na naman niya sa akin kaya napabuntong hininga lang ako. Iirapan ko ulit sana siya kaya lang hinatak niya kaagad yong buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"What was that for? Pwede ba Gia tigilan mo na pagpapakilala sa akin? Hindi na nila kailangan malaman kung sino ako o kung saan ako galing o kung member man ako ng squad dati. At bakit ba pinag-aaksayahan mo pa ko ng oras? Just go inside at magpractice na kayo----
"What do you expect from me? Na hindi ka namin papansinin o babatiin man lang. We're your family here. Parang kapatid na turing namin sayo. At wag ka ngang bitter dyan." pagsesermon niya sa akin may kasama pang batok kaya napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko.
Pambihira talaga tong babaeng to kahit kailan e. Walang pagbabago, napakabigat pa din ng kamay. Well at least may hindi pa din nagbabago dito sa school na to.
"Hindi ako bitter. Well thank you for introducing me but I gotta go Gianne. I'll just see you around Gia." paalam ko sa kanya at kaagad naman niya kong sinimangutan. Maglalakad na sa na ako ng bigla siyang kumapit sa kamay ko na akala mo para siyang tuod.
Pinagtatawanan na nga siya ng mga kateam niya. Napakaisip bata talaga nito kahit kailan.
"Bitawan mo nga ako. I have to goooo!" pagrereklamo ko sa kanya habang hinahatak ko yong kamay ko sa kanya pero ang walang hiya mas kumapit pa sa akin. Kung hindi lang siya matangkad tapos maliit siya mapagkakamalan siyang tarsier.
"What? Hindi pa naman uwian ha." sabi niya sabay tingin sa phone niya.
"We still have five minutes bago mag-uwian kaya pwede pa tayo mag-usap. Kwentuhan muna tayo Bria." sabi niya at bago pa ko makaapila nagsalita na naman siya ulit. Naakadaldal talaga kahit kailan
"Girls punta na kayo sa loob then magstretching na muna kayo. Give me five minutes, I will just talk to her. Pagpasok ko we'll start practicing." utos niya sa mga kateam niya nakaagad namang nagsisunuran sa kanya.
Naunang pumasok yong mga hindi nakakakilala sa akin tapos yong mga close ko na noon at kilala na ko mga nagpaiwan at isa-isa ulit akong niyakap bago sila pumasok at walang katapusan kong narinig yong salitang I miss you, Dhale.
Hinila kaagad ako ni Gale papunta sa mag isang bench sa labas lang ng gym. Hindi kasi siya pwedeng lumayo at kailangan pa niyang magpractice. Wala siya kaagad sinayang na oras at kaagad akong kinompronta.
"What happen to you? Where did you go? How's ate Brielle? Where do you live? Did you talk to him already----
"GIANNE! Calm down! One at a time lang. sasagutin ko naman lahat ng tanong mo okay?" sabi ko sa kanya at napatango-tango naman siya.
BINABASA MO ANG
Reason to Believe [ON-HOLD]
Teen FictionDarating yong araw na may: Isang tao na magiging dahilan kung bakit babaguhin mo yong sarili mo... Isang tao na magpapaintindi sayo kung anong saya meron ang mundo... Isang tao na dadamayan ka kahit na anong pagdaanan mo, saya man o lungkot... Isang...