Lumapit siya sa pwesto naming apat. Una niyang kinausap si Jairus dahil siya pala ang Student Body President. Akalain mong presidente tong bwisit na lalaking to. Pinaayos lang kay Jairus yong permit para sa gaganapin na try-out next saturday sa gym ng school. Sunod naman niyang kinausap si Gale. Pinag-usapan nila yong tungkol sa try-out para Cheering tsaka sa Volleyball.
Did I already mention na si Gale ang captainball sa Volleyball at sa Cheering naman nominated siyang maging leader din kaso mukhang wala siyang balak maging leader kaya for sure si Gianne ang magiging leader for this year.
Gianne's our close friend since 1st year high school ako. One of these days you'll get to know more about her. And did I already mention na part din ako ng cheering squad nong 1st year - 2nd year highschool if hindi pa, ngayon palang pinapaalam ko na. Siguro kung hindi ako lumipat ng school ako na ang leader. But sad to say hindi mangyayari yon dahil returnee lang ako.
Sunod na kinausap ay yong pinakamasungit at mataray na seatmate ko. Sino pa ba? Edi si Mr. grumpy face. Siya si Lawrence Harry Dela Rosa. How'd I knew his name? Kami lagi nagpapalitan ng papel kapag magche-check na ng seatwork e. Seatmate nga kami di ba?
And guess what, ang ganda ng sulat niya para sa isang lalaki tapos ang taas din ng scores niya. Parati kaming dalawa yong highest sa klase. Napag-alaman ko din na siya yong Top 1 sa class nong 3rd year kaya naman napapaisip tuloy ako baka matalo ako ng lalaking to. Hindi pwedeng mangyari yon.
Sabihan niyo na kong grade conscious ako pero I need to be the Top 1 and valedictorian of the class. Bakit? Cause I need to get the attention of my mommy. Yon lang yong paraan ko para naman maging proud siya sa akin kahit papaano.
Nasa ganong pag-iisip ako ng may biglang pumitik ng noo ko. Kaagad akong napabalik sa realidad at hinimas yong noo ko.
"What the hell is your problem?! It hurts----
"You deserved it. You aren't listening to mr.Auraulo! Kanina pa siya salita ng salita tapos ikaw nakatunganga ka na naman!"
"Excuse me mr. Dela Rosa! You don't have the right to hurt me or even shout at me!" sigaw ko sa kanya at nakita ko naman na nagulat sila sa pagsigaw ko. Kaagad akong napapikit at napaiwas ng tingin sa kanila.
Maya-maya naramdaman ko nalang na tumayo na yong katabi ko at dali-daling lumabas ng room na hindi man lang nagpapaalam sa prof namin. Kita mo yong lalaking yon napakabastos. Tinignan ko si Mr. Araulo na sa ngayon nakikiramdam kung itutuloy niya pa ba yong sasabihinn niya o hindi na
"I'm sorry if I wasn't paying attention a while ago. I'm sorry kung napasigaw ako, ayoko lang na ganon yong trato sa akin."
"Don't worry. It's okay Dhale. Well, I'm glad that you're finally back. Gusto lang kitang i-inform tungkol sa cheering squad. Gusto mo pa bang bumalik?" tanong niya at kaagad akong napangiti.
"Of coooouse! I would love to. I already told Gale na magta-try out po ulit ako. Pero cheering lang po yong sasalihan ko ngayon ha hindi na volleyball." sabi ko at napatango-tango naman siya.
"Bakit hindi ka na magvo-volleyball." tanong nilang tatlo. NApatawa nalang ako at napailing sa kanila
"Magfo-focus ako sa studies ko."
"Oh damn excuses. Alam naman namin na kahit hindi ka mag-aral ikaw a din ang magiging top 1. Utak mo kaya sobrang advance." sabi n Gale at sumang-ayon naman si Sir. Araulo.
"Ay pakialam niyo ba kung ayokong magvolleyball? Wag nalang din kaya akong magcheering?" tanong ko sa kanila pero nakatanggap lang ako ng mahinang pagbatok mula sa dalawa kong bestfriend kaya napanguso ako
"Ayan ang wag mong gagawin. Basta magpunta ka lang next saturday sure naman na pasok ka na sa cheering."
"Oo naman. Kahit nga hindi na ko magtry out pasok pa din ako e. Sabihan ko lang si Gianne o kaya si Gale automatic----ARAY!" pag-angal ko ng piningot ni Gale yong tengga ko.

BINABASA MO ANG
Reason to Believe [ON-HOLD]
Teen FictionDarating yong araw na may: Isang tao na magiging dahilan kung bakit babaguhin mo yong sarili mo... Isang tao na magpapaintindi sayo kung anong saya meron ang mundo... Isang tao na dadamayan ka kahit na anong pagdaanan mo, saya man o lungkot... Isang...