Reason 6

267 10 0
                                    

"They are asking you if free ka ba tomorrow----

"No." Mabilis kong sagot sa kanya. Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil alam ko naman yong sasabihin niya. Aayain nila akong makipagbonding sa  babaeng yan. That would be the last thing that I will do.

Mas gugustuhin ko pang magmukmok sa kwarto ko kasya makipagbonding sa babaeng yan. Yes, she really change. I can actually see it from the way she talks, moves and answer the questions of Gale. She really did change a lot. mas pasensyosa at ope na siya sa mga bagay-bagay. 

Dati kapag kakausapin mo yang babaeng yan kung hindi puro mura yong lumalabas sa bibig niya o kaya naman puro siya sigaw. Hindi mo makakausap ng matino yan lalo na kapag hindi ka niya close. Napakabugutin niyan. Kapag ayaw niya sayo, ayaw niya sayo. Ipaparamdam niya talaga sayo yon. 

Inubos ko nalang yong pagkain ko pero ramdam na ramdam ko na nakatitig pa din sila sa akin. Tinuloy nila yong kwentuhan nila tungkol sa try-out na mangyayari next saturday. Napapailing nalang ako ng marinig kong sasali si Samantha sa Volleyball. May talent pala tong babaeng to?

"Ikaw Dhale. Magta-tryout ka din ba sa volleyball?" tanong niya pero imbis na sagutin siya ininom ko yong tubig na nasa harapan ko para malaman niyang ayoko siyang kausapin. 

Nasamid ako bigla akong sikuhin ako ni Gale kaya tinitigan ko siya ng masama pero ang lokaret tinaasan pa ako ng isang kilay.

Tinitigan ko lang si Samantha. Halos wala naman pinagbago yong physical apperance siya. Kulot pa din yong mahabang buhok niya tapos malaki pa din yong mga mata niya. Napatingin ako sa katabi niya. Tangina magbestfriend nga sila. Parehas silang kulot tapos malaki yong mga mata. Bagay nga talaga silang magbestfriend. Mga kulot talaga salot e.

Napatitig ulit ako kay Samantha na nakangiti pa din sa akin. Napairap nalang ako tsaka ako sumagot.

"Hindi." tipid kong sagot sa kanya at nakita kong napakagat siya sa labi niya. Alam ko nagpipigil nalang siyang sumabog at sobrang matatawa ako kapag sumabog na siya. Tignan lang natin kung talagang nagbago na tong babaeng to o pakitang tao lang.

"Bakit naman hindi ka magtatry-out?" tanong na naman niya kaya napataas yong isang kilay ko. Really bakit sobrang matanong tong babaeng to? Nakakabwisit. Imbis na sagutin siya kinain ko nalang yong mushroom soup na inorder ko. 

"Anong activity yong sinalihan mo kung hindi ka magvo-volleyball?" napapikit nalang ako at tsaka napabuntong hininga. Ang kulit talaga ng babaeng to e. Gusto atang masampulan ng isang to e.

Bago pa ako mapikon at masigawan yong bruhang nasa harapan ko, si Gale na yong sumagot para sa akin. Napairap nalang ako ng makita ko yong pagkagulat sa mata niya sa sandaling nalaman niyang sa cheering ako sasali. 

"Bakit cheering lang sinalihan mo ngayon? Di ba gusto mong maging captainball noon?" tanong na naman ni Samantha kaya napakunot yong noo ko.

Ano bang problema ng babaeng to at ang daming tanong sa akin.

"Alam mo Samantha. Tigilan mo na kakatanong sa akin pwede ba? Wala kang pakialam sa kung anong gusto kong gawin."

"I'm just curious. Di ba ayaw ni Andrew na nasa cheering ka so bakit ka pa magtatry-out?" sa sandaling sinabi niya yon kaagad akong napatingin sa kanya.

Nakita ko ding nagulat si Gale sa sinabi niya kaya napatitig din at napatigil siya sa pagkain. Ilang minuto din yong bumalot na katahimikan sa amin hanggang sa unti-unti niyang pinagsisihan yong nasabi niya.

Kaagad na kumulo yong dugo ko sa sinabi. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin at kaagad naman siyang napaiwas ng tingin sa akin. Sa lahat ng pwede niyang sabihin yong pangalan pa ng lalaking yon. Talagang nanadya tong kulot na babaeng to e. Sarap kalbuhin.

Reason to Believe [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon