Ilang minuto na din akong nakamasid sa entrance ng gym pero ni anino ng magaling kong bestfriend hindi ko pa din nakikita. Nasaan na ba siya? She was supposed to be here before the audition starts pero hanggang ngayon wala pa din siya.
She is one of the judges sa audition na to pero hanggang nagayon wala pa siya. Nagsimula na yong audition at may limang nag-audition na. Pangwalo ako sa sasayaw. Napatingin ako sa pwesto nila Jairus at tinanong ko sa kanya kung nasaan na si Gale pero nagkibit balik lang siya.
Napapikit nalang ako sa sobrang inis ko. Kaya nga ako nag-audition dahil gusto niyang mapasali ulit ako sa squad tapos siyanaman tong wala dito. Kaya nga ako nag-audition dahil gusto ko silang makabonding ni Gianne.
"Galingan mo ha." laking gulat ko ng may umakbay sa akin.
"Why are you late?! You are one of the judges." napangiti lang siya sa akin pero hindi naman umabot sa kanyang mga mata.
"What's wrong? Did something happen?" nag-aalalang tanong ko sa kanya pero umiling lang siya at nginitian ako
"Don't lie to me! What's wrong?!"
"Wala nga sabi. Ang paranoid mo." sabi niya sabay gulo sa buhok ko kaya tinulak ko siya palayo sa akin.
"Fuck you, Abbie Gale" mahina pero mariing sabi ko sa kanya at napatawa siya ng malakas dahilan para mapatingin sa amin yong mga tao sa loob ng gym. Napayuk lang ako sa pwesto ko dahil sa kahihiyan na inabot namin. Sinamaan pa kami ng tingin ni Mikaela at Gianne.
"Chill ka lang. Alam kong napakahot mo pero maghunos dili ka naman. Napaka-init ng ulo akala mo mawawala ako e." sabi niya at napanguso nalang ako sa kanya.
"It's because you are late. Hindi mo naman ugaling malate. Akala ko tuloy hindi ka na pupunta dito. Surprise ko nga to sa inyo na mag-au-audition ako." Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. Napatitig lang kaming dalawa sa mga nag-au-audition. So far out of 6 na sumayaw kanina, 2 palang yong pasok sa squad. Puro palpak yong mga nag-au-audition e.
"Hindi ba sinabi ni Gianne sayo na hindi ako magju-judge? I texted her while ago." Napailing nalang ako sa kanya
"You know what Bria, I'm so proud of you. I'm so glad na bumalik ka na sa squad. Kailangang-kailangan ka kasi ng squad. Napakabaduy kasi ng mga routine na binubuo nila malayong-malayo sa mga moves mo."
Kaagad akong napalingon sa knaya at laking gulat ko ng makita kong namumula na yong mga mata niya. ano na naman bang drama yong baon na dala-dala ni Gale?
"For sure naman kahit hindi ka na mag-audition pasok ka na sa squad, eh. For formality lang yang audition mo. Ang galing-galing mo kaya. Kahit saang bagay naman nag-e-excell ka. You always make sure that when you do something, you give your hundred one percent. I'm so happy for you. Welcome back sa squad----
Pinutol ko kaagad yong sasabihin niya dahil may iilang butil ng luha niya na yong pumapatak galing sa mga mata niya. Kaagad kong pinunasan yon gamit yong kamay ko at bahagya siyang pinayuko dahil pangurado pagtitinginan na kami ng mga tao dito.
Mabuti na lamang dumating si Jairus at inalalayan niya si Gale.
"What's wrong, Abbie?" tanong ko sa kanya pero patuloy pa din siya sa pag-iyak pero nakangiti naman siya sa akin.
Napatingin ako kay Jairus pero nakatitig lang siya kay Abbie at alalang alala siya dito. Miski ako nag-aalala para sa bestfriend ko. Anong bang nakain nito at biglang nagda-drama. Oh yeah speaking of food
"Kumain ka na ba? O nagpalipas ka ng gutom?"Tanong ko sa kanya at ang loka-loka kunutusan lang ako
"Gago. Pumunta ka na nga don kila Gianne. It's your turn to shine baby!" sabi niya sa akin at natatawa nalang sa kalokohan. Nagkatinginan nalang kami ni Jairus dahil sa inaastas ni Gale
BINABASA MO ANG
Reason to Believe [ON-HOLD]
Novela JuvenilDarating yong araw na may: Isang tao na magiging dahilan kung bakit babaguhin mo yong sarili mo... Isang tao na magpapaintindi sayo kung anong saya meron ang mundo... Isang tao na dadamayan ka kahit na anong pagdaanan mo, saya man o lungkot... Isang...