Reason 9

240 5 0
                                    

"Ate Dhale, pwede po bang water break muna?" napangiti naman kaagad ako sa tanong niya

"Sure. I will give ten minutes break  tapos balik kayo agad dito ha para matapos na natin yong sayaw niyo. Okay ba sa inyo yon?" napatango-tango naman sila kaagad tapos nginitian ako.

"Thank you po!" sabay-sabay na sabi nila at nagtatakbo sila palabas ng gym.

Napailing nalang ako habang natatawa sa pinaggagawa ko. Dumiretso ako sa bench para kuhain yong towel ko sa bag tsaka para na din magpahinga.

Kung nagtataka kayo kung nasaan ako, nandito ako sa school. Mag-o-audition ako para sa cheering squad. Tinawagan kasi ako ni kuya na hapon pa siya makakabalik ng manila at susunduin niya nalang ako dito sa school para sabay kaming umuwi sa bahay.

Alas dose palang nandito na ako sa school para sana magwarm up at magpractice ng ilang routines na gagawin ko sa audition mamaya kaya lang habang papunta ako dito sa gym nakasalubong ko si Bea, isa din sa member ng cheering squad pero sa midget division siya since grade 5 palang siya.

Tatlo kasi yong division ng bawat team sa school: midget, junior at senior. Nasa juniro ako since highschool palang ako. Nong nakasalubong ko siya nakiusap siya sa akin kung pwede ko daw ba sila ng turuan ng sayaw para daw sa PE class nila. Kaya yong dapat na oras para sa pagpapractice at pagwa-warm up ko naging dance lesson para kila Bea.

Kaagad kong chineck yong cellphone ko kung may text ba sa akin pero ni isang text wala akong nakita. Napainom nalang ako sa tubig ko habang nakatitig sa orasan ng cellphone ko. Ala una palang at may isang oras pa ako bago magsimula yong audition pero eto ako nakatambay sa gym. Hinihintay yong mga batang nagpapaturo ng sayaw.

Kung nagtataka kayo bakit nandito kami sa gym. Wala kasing tao dito tapos dito din magaganap yong audition mamayang 2 pm. Tsaka mas gusto ko dito kaysa sa open court, nandon yong basketball team. 

Hindi ako pwedeng tumambay doon kahit na nandoon sila Gale kasi Iniiwasan ko pa si Andrew. Tsaka nandon din si Samantha Demonyita. Doon kasi ginanap yong try-out para sa volleyball tsaka basketball.

"Ang galing mo palang sumayaw."

Naibuga ko yong tubig na iniinom ko. Napalingon agad ako sa likuran ko at nakita yong isang lalaking  tawa ng tawa sa pwesto niya. Kahit kailan talaga tong lalaking to napakabwisit e. Sa sobrang inis ko hinatak ko yong kulot niyang buhok kaya napatigil siya sa pagtawa niya at sinimagutan ako

"Puri ba yan o insulto?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko yong sarili ko na naliligo na sa pawis at sa tubig na din na naibuga ko sa hita ko.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumayo sa pwesto ko at naglakad papunta sa pwesto ko. Tumabi siya sa akin at inagaw yong towel sa kamay ko at siya yong nagpunas ng pawis sa noo ko.

"Puri yon, tanga." sabi niya habang pinupunasan yong noo ko.

"Tanga ka din!" natawa na naman siya sa sinabi ko at tinuloy na naman pagpupunas ng pawis sa mukha ko.

Hinatak ko kaagad yong towel ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Ano kayang problema ng lalaking to? Bigla-bigla nalang akong nilalapitan samantalang noong mga nakaraang araw kundi puro pambubwisit at pamimikon ginagawa sa akin sinusungitan naman ako. Walang ginawang mabuti tong lalaking to sa akin e.

"Bakit ka nandito? Di ba nandon ka dapat sa basketball court? O kaya naman di ba dapat kasama mo yong bestfriend mo?"

"Basketball court naman to ha." pamimilosopo niya kaya napairap nalang ako

"Tanga! Doon sa open court." 

"Linawin mo kasi..."

"Bakit ka ba nandito?" naiinis na tanong ko sa kanya at nginitian lang ako ng walang hiya. Napatitig ako sa dimples niyang pakong pako sa pisngi niya.

Reason to Believe [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon