Napapikit ako ng marating ko yong tapat ng building kung nasaan yong classroom ko. Ilang sandali lang parang biglang bumalik yong mga alaala ko sa lugar na to.
Yong saya, inis, hinanakit, tuwa, galit at kung anu-ano pang mga pakiramdam na mahirap ipaliwanag. Napailing nalang ako at dinalian ko maglakad papunta sa classroom.
At habang palapit ako ng palapit, palakas naman ng palakas yong pintig ng puso ko. Yong pulso malapit sa utak ko pakiramdam ko sasabog na hindi dahil sa kaba kundi dahil sa mga naririnig kong bulung-bulungan at pati yong paraan ng pagtitig nila sa akin na akala mo mga nakakakita ng multo.
Nong time na nakarating na ko sa floor namin nawindang ako ng biglang magsitakbuhan yong mga estudyante papasok ng classroom nila. Hindi ko alam kung dahil natatakot sila o sadyang iniinis lang nila ako. At hindi pa sila natuwa dahil padabog nilang sinarado yong pintuan.
Mga bwisit talaga sila. Mga walang magawa sa buhay. Nang sa wakas nakarating na ko sa tapat ng room namin hindi ko alam kung papasok ba ako o uuwi nalang ako. Sana pala pinasama ko na si Gale kanina.
Ilang minuto din ata akong nakatingin sa hawakan ng pinto ng sa wakas ay may nagsalita sa likuran ko dahilan para mapatalon ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat. Ang lalim ng boses niya.
Shit baka prof ko to? Pero impossible kasi nagmura siya e. He’s not a fucking professor. He’s just another god damn bullshit. Maybe he is just like my bullshit classmate.
“Are you going inside or not? You better fuck off if-----”
Napaharap ako sa kanya at kitang-kita ko yong nakakunot niyang noo. Kitang kita ko din kung paano mabilis na nagbago yong expression ng mukha niya. Hindi ko alam kung nagulat ba siya sa pagharap ko o ano.
Napatitig din ako sa kanya gaya niya na napatulala ata sa akin. Hindi ko alam kung anong expression ng mukha ko basta ang alam ko nabubwisit ako sa kanya dahil sa inasta niya sa akin.
Bullshit siya akala niya gwapo siya. Pero gwapo naman talaga siya. Hindi ko mapigilan yong sarili ko na mapatitig sa mga mata niyang kulay asul pero kung tititigan ng husto ay kulay berde.
Ang ganda ng hugis ng mukha niya. Para bang minaniobra ng isang sculptor. Hubog na hubog at lalaking lalaki yong features niya lalo pang nagpadagdag sa sex appeal niya yong perpektong hubog ng panga niya.
Tangna nakakapanlaway yong jawline niya. ang sarap hawakan kaya lang baka masampulan ako kapag ginawa ko yon.
“Enjoying the view?” sabi niya habang nakataas yong isang kilay niya. Napabuga nalang ako ng hangin ng makita kong kumurba yong labi niya.
“Nuh. It’s actually boring. There’s nothing to enjoy.” sabi ko at napailing nalang siya
Sinimangutan ko siya tsaka ko tinaas yong isang kilay ko. Yabang ng isang to. Patalikod na sana ako pero nagulat nalang ako ng bigla niyang inilapit yong mukha niya sa mukha ko.
Ilang dipa nalang yong pagitan naming dalawa. Napaatras ako hanggang sa dumikit na yong likod ko sa pintuan pero siya nanatiling malapit pa din yong mukha niya sa akin.
Halos malagutan na din ako ng hininga dahil pinipigilan kong huminga. Dahil mas matangkad siya sa akin medyo nakatingala na ako sa kanya.
I’m also aware na parang kwago na yong mga mata ko dahil sa gulat. Nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nalulunod ako sa pagtitig niya sa akin.
Iginala ko pa yong mga mata ko sa buong mukha niya. Ayokong tumitig sa mga mata niya. Naghihigop ng lakas e. Napatitig ako sa ilong niyang napakatangos. At higit sa lahat hindi ko pinalampas yong pagkakataon na mapatitig sa mapupula at manipis niyang labi.

BINABASA MO ANG
Reason to Believe [ON-HOLD]
Teen FictionDarating yong araw na may: Isang tao na magiging dahilan kung bakit babaguhin mo yong sarili mo... Isang tao na magpapaintindi sayo kung anong saya meron ang mundo... Isang tao na dadamayan ka kahit na anong pagdaanan mo, saya man o lungkot... Isang...