Reason 8

270 7 0
                                    

"Gale, basa na yong balikat ko. Baka siningahan mo na ko ha hindi na luha yang nasa balikat ko." mahina siyang napatawa sa sinabi ko.

Maya-maya lang humiwalay na siya sa pagyakap sa akin. Halatang-halata sa mga mata niya na bagong iyak siya, Mugto at kulay pula na ito. Marahan niyang pinunasan yong pisngi niya at tsaka ako tinitigan ng seryoso. Pinulot ko muna sa sahig yong mga gamit ko tsaka ko nilagay ng madalian sa bag ko.

"Are you still mad at me?" maluha-luha na naman yong mga mata niya. Napailing nalang ako sa kanya.

"Bakit hindi mo ko pinapansin?" Napakunot yong noo ko sa sinabi niya.

"Because I thought you're mad at me."

"What!? What made you think that I am mad at you?"

"Ikaw din yong umiiwas sa akin. Di ba nga pinagtatanggol mo pa si Samantha nong nakaraan?" Napailing kaagad siya sa sinabi ko at bahagyang lumapit sa akin at hinawakan yong dalawang kamay ko.

"I'm not defending her. She isn't my bestfriend para ipagtanggol ko. Wala akong pakialam kung hanggang ngayon galit ka pa din sa kanya. Ang sa akin lang bigyan mo siya ng pagkakataon na ipakita at patunayan sayo na nagbago na siya pero hindi ibigsabihin non pinagtatanggol ko siya sayo. Hindi din ako galit sa iyo. Hindi lang kita maintindihan kung bakit galit na galit ka sa kanya"

"She deserved it, Gale. If you aren't mad at me. Bakit hindi mo ko pinapansin?" binalik ko sa kanya yong tanong ko at kaagad naman siyang napaluha sa tanong ko.

"Nagtatampo kasi ako sayo." Nagulat ako sa sinabi niya.  Sinabi niya yon habang nakatitig sa akin tapos umaagos sa mga mata niya yong luha niya

"Magalit ka na sa akin. Sigawan mo na ko sa harap ng madaming tao. Pero wag na wag mo kong iiwanan sa ere." sabi niya habang patuloy pa din sa pag-iyak.

"Isang buong taon mo na kong iniwanan noon. Ni wala akong idea noon na iiwanan mo ko. Ni wala akong alam kung nasaan ka. Walang wala akong alam tungkol sayo noon. Nawala ka nalang ng parang bula pero ngayon bumalik ka wala kang narinig sa akin na salita o pagsusumbat tungkol sa pag-iwan mo sa akin noon."

"So ngayon sinusumbatan mo na ko?" Pagbibiro ko sa kanya pero napahagulgol lang siya.

"Bestfriend mo ko di ba?" napatango-tango nalang ako sa kanya

"Nangako ka sa akin noon na walang iwanan. Di ba nga turingan na natin sa isa't isa parang magkapatid. Alam mo naman na ikaw nalang yong meron sa akin e. Wala na kong magulang na gagabay sa akin. Ikaw lang yong parating nandyan para itama yong mga pagkakamali ko. Ikaw yong palaging nandyan sa akin para bigyan ako ng maayos na payo tapos iiwanan mo ko basta-basta.

Nagtatampo ako sayo kasi bumalik ka na parang wala lang sayo na iniwan mo ko noon. Kaming mga kaibigan mo. Tapos nong nag-away kayo ni Samantha last week, iniwan mo na naman ako. Ni hindi mo pa sinagot yong mga tawag ko sayo. Pinatayan mo pa ko ng phone. Pakiramdam ko tuloy hindi ako importante sayo."

Kaagad ko siyang niyakap ng marinig ko sa kanya yon.

"Oh gosh. Hindi ganon yon Gale. Masyado lang komplikado noon kaya hindi kita nasabihan noon. I'm so sorry. Masyado din akong nakafocus kay Ate Brielle non kaya hindi ko kayo kaagad nasabihan tungkol sa akin."

Hindi ko naisip na ayon pala yong dahilan niya kaya hindi niya ko pinapansin. Ang akala ko pinagpalit na niya ko kay Samantha. Ayon pala ako etong may problema. Hindi ko man lang naisip yong kalagayan ng bestfriend ko.

"Kung pinagtataka mo kung bakit hindi kita pinapansin nong nakaraan. Kilala kasi kita bes. Kapag ayaw mong makausap yong isang tao ikaw yong iiwas parati. Kaya pinalamig muna kita kasi mamaya kapag kinausap kaagad kita bigla mo nalang akong masigawan tapos masabihan ng masasakit na salita.  Kaya hindi kita pinansin kahit na gustong gusto na kitang lapitan. Binigyan muna kita ng time para mag-isip. I'm not mad at you. I will never be mad at you. You are my bestfriend, my sister. Ikaw una kong kakampihan at ipagtatanggol bago iba."   

Reason to Believe [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon