Chapter 1.5

113 3 12
                                    

A/N : Naexcite akong ipost agad yung chapter 1 kaya nalimutan ko to idagdag hahaha. Pasensya first time ko to eh :D 

Okayy Ako po ay nagdadrama na naman. By the way highway Ako nga pala ang nag iisang dyosa sa balat ng tinubuang lupa si Ayesha Gabrielle Encarnacion. (pronounced as Gab-ri-ye-li) HAHA. Siguro eh medyo na guguluhan kayo sa pinagsasasabi ko kanina este pinagttype ko. Mahilig ako magblog ng mga kadramahan ko sa buhay. Pero, subalit, dapatwat eh madalas akong tinatamaan ng katamaran kaya kinikimkim ko na lang. As a result, pag nagbablog ulit ako eh sobrang nagiging madrama gaya nung kanina.

Anyway milkyway, dami ko na namang satsat, yung taong tinutukoy ko eh ang aking oh so cute na crush since nalaman ko ang salitang LOVE at dahil yun sa kanya. Pero ang identity nya ay secret muna kasi baka sabihin nyo pa sa kanya at magkandagulo-gulo at windang windang na naman ang buhay ko.

Nitong mga nakaraang araw kasi eh naging okayy na kami. Nagkakausap na ulit na parang walang nangyari. At eto sobrang uber at umaapaw pa ang kaligayahang nadadama ko ngayon.

Katunayan, kinikilig ako ng bonggang bonggang major major pero lahat ng kilig na to kakalimutan ko na simula ngayon.

KASI KAKALIMUTAN KO NA ANG FIRST LOVE KO PARA MAGING OKAY NA ANG LAHAT. T_T

Less Than ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon