Chapter 17

77 2 4
                                    

The nerve!?! Bat nasa labas ng bahay nina Kyle tong impaktang to? Wag mo sabihing sasama siya samin. Subukan lang nya ayy nako. Pagkaganda ganda ng mood ko. Nawala tuloy antok ko.

Ayun nga kasama nga talaga tong si Yvette. Okayy ayoko masira ang bakasyon namin kaya di ko na lang siya papansinin. Natulog na lang uli ako kinakausap pa naman ni Kuya at Nico si Kyle. Mukhang nagpapaliwanagan pa kung bakit kasama yung impakta. Si Jasper di ako iniwan dito sa likod. XD

A/N : Jasper and Ayes on the side

"Sige matulog ka na bhez. Kami bahala sayo pag inaway ka nung ex ni Kyle."

"Oo nga best. tulog ka lang dyan." 

Naalimpungatan ako, ang ingay kasi ng nasa unahan namin. Jusko po. Puro ganto naririnig ko

"Babe, gusto mo nitong sandwich? Pinagbaon kita kase baka magutom ka sa byahe."

"No thanks."

"Eh eto babe."

"Tss" Kuya

"How about this one?"

"Hayy" Nico

"Okayy Yvette can you just please shut up? Tignan mo nga nagising na mga nasa likod natin." Napatingin naman ng matalim samin si Yvette. Tinignan ko nga rin ng masama. Bumulong na lang si Per sakin ng yaan mo na tapos si Kyle nagmouth ng sorry.

"Kuyaaaaaaaaaaaaa. Paabot naman nung food sa bag ko." Sabi ko na lang. Ayoko makipagtingin ng masama forever sa kanya noh. Kumain na lang ako tapos inalok ko rin silang lahat syempre. Yung isa tuloy pa rin sa pangungulit sa isa. Gets nyo naman na kung sino hahaha. Im so mean. 

Sa wakas after 10 long years, nakarating na rin kami sa bahay nina Nico dito. Jusme kala ko e stuck forever na kami dito sa van buti na lang. Syempre kanya kanya kami ng bitbit ng mga gamit namin pero dahil mabait ang kuya ko eh dinala na niya yung gamit kong iba. Sinapian yata to eh kabait sakin which is good naman. Iniwan na rin kami ng papa ni Nico and nagbilin lang na magtext or tumawag pag may emergency at wag gagawa ng kalokohan.

Apat yung rooms na pwede naming gamitin. Si Yvette na nagprisintang magsolo ng room. Buti naman haha at ayoko makasama yun. Bali kami ni Ayin, Si kuya at Kyle tapos sina Nico at Per magkakasama sa room. Agad agad kami pumunta sa aasigned rooms para makapag ayos ng gamit. Tapos pahinga muna ng unti.

Lumabas na din kami ni Best para makapagluto kami ng kakainin namin at gutom na kaming lahat. Nagreready na kami ng mga ingredients na gagamitin namin sa pagluluto nang biglang dumating si Yvette. Pero syempre di namin pinansin tuloy pa din kami sa ginagawa namin ni Ayin. Sinangag, ham at egg lang naman lulutuin namin.

"Need help?" Tanong ni Yvette.

"Hindi na kaya na namin." Sabi naman ni Best.

"I insist. Ano bang lulutuin nyo?" Kow kunware mabait pero deep inside ang maldita.

"Sinangag, ham and egg." Casual na sabi ko sa kanya habang sinisimulan ng lutuin yung sinangag si Best nagstart na din magluto ng ham.

"If you don't mind, pwede bang ako na magluto ng egg?" Ang plastik nya nako. Di pa nga nahingi ng despensa sa ginawa nya sakin e.

"Okayy sige after namin." Sabi ko nalang. Si Ayin may binubulong bulong nga sakin na bat ko daw pinayagan sabi ko na lang yaan na natin. Edi after namin magluto iniwan na namin sya at tinawag sina Kuya. Tapos sila na naghanda ng mesa.

***

pabitin bitin muna ako ngayon wahahahaha XDD whatchasay?

@yattsu08 hahahaha halatang halata yata na siya XDDD

Less Than ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon