Chapter 20

89 1 2
                                    

A/N : Back to Ayesha's POV na ko. Gusto ko sana Third Person's POV kaso medyo nahihirapan ako. Ayun langs. Comments are highly appreciated :)) ciao :3

Sino gusto ng dedication? Taas paa! XDD loljk. Pm meee :))

***

Ayesha's POV

Andito kami ngayon nina kuya, mama, at papa sa ******* Memorial Park para bisitahin sina lolo at lola. Actually medyo natatakot ako dito sa sementeryo. Ewan ko ba. Simula bata ako feeling ko may biglang manghihila sakin o something kaya lagi ko sila pinipilit na maaga pumunta eh. Nagtirik lang kami ng kandila, nagdasal tapos magpapalipas muna ng ilang oras dito para makausap namin sila. Umupo muna ako sa tabi tapos ko na naman kausapin sina lolo at lola. Nagcheck ako ng cp ko ng saktong nagtext si Kyle.

From : Kyle :)

Ayes, kamusta? Pwede mo ba kong samahan mamaya? Bibisitahin ko kasi siya.

With that, alam ko ng kailangan niya ng makakasama. Malungkot na naman siguro yung antipatikong yun. Naging close na pala kami ni Kyle. Alam ko kasing kailangan niya ngayon ng kaibigang masasandalan. Pag masayahin nga namang tao talagang may tinatagong kalungkutan eh. Parang kahit papaano nakikita ko sa kanya yung sarili ko dati. Yung parang pag titingnan mo walang problema pero sa likod ng mga ngiti at tawa eh merong pusong unti unting dinudurog sa sakit na nararamdaman. Di ko kaya makita siya ganyan. Masyado na rin akong napalapit sa kanya simula nung huling gabi namin sa Tagaytay. Nagtataka na nga yata yung barkada kung bakit bigla super close kami. Natanong kasi ako ni Kuya nung isang beses. Ang sabi ko lang kailangan niya ngayon ng kaibigan at alam kong naunawaan na naman ni Kuya yun.

Anyway, napapalayo yung usapan. Nireplayan ko siya at pumayag na kong samahan siya mamaya. Magpapaalam na lang ako kina mama mamaya kapag pauwi na kami.

***

Nagkita kami sa labas ng subdivision namin. Pinayagan naman nila ko. Kilala naman nila si Kyle kaya may tiwala sila. Tahimik lang kami. Kahit nung nakasakay kami ng jeep sobrang tahimik. Ugh, di ako sanay ng ganito.

"Okayy ka lang ba?" Di ko na natiis magtanong. Ngumiti naman siya pero parang ngiti na malungkot pa rin.

"Ano bang tanong yan Miss T? Malamang okayy ako. hahahaha" Okayy tahimik na lang. Halata namang di siya okayy.

Mabilis naman kaming nakarating sa sementeryo. Hinawakan niya yung kamay ko na ikinagulat ko naman.

"Ahh sorry. Baka mawala ka kase. Madaming pasikot sikot dito." 

"Sige okayy lang." Mukha ngang madami talagang pasikot sikot. ni hindi ko na maalala yung mga dinaanan namin parang talagang tago.

Ysabelle Marie Ignacio

Died : May ** , 20**

Born : January ** , 19**

You are love and will always be.

Umupo ako sa may bench na maliit sa tapat habang hinayaan ko ng lumapit si Kyle. Ayoko naman guluhin ang pag uusap nila. Naalala ko bigla nung sinabi sakin ni Kyle na "I Like You" pati yung kwento nya tungkol kay Ayel at Kein na feeling ko eh parang tungkol samin yun. Ewan feeling ko lang naman. Natatawa tuloy ako sa isip ko.

"Ayes, halika. Papakilala kita." Edi lumapit naman ako.

"Ysa, si Ayes nga pala."

"uhhh, Hello Ysa." Sabi ko parang awkward naman.

"Siya yung kinukwento ko nung binibisita kita. O hindi ka huli sa balita ha." Mukhang ang saya saya niya grabe. Sobra siguro talagang magmahal si Kyle.

"Grabe Kyle ano namang chinichika mo sa kanya na tungkol sakin."

"Sabe ko ikaw yung nakita ko nung Campus Tour na nakatulala. HAHAHA"

"Ang sama mo haha. Ayy Ysa alam mo ba ang antipatiko nitong si Kyle."

"Antipatiko ka diyan. Ang bait bait ko kaya. Diba Ysa?"

Tawa kami ng tawa. haha Para kaming sirang dalawa grabe. Kaso biglang humangin ng malakas. Napayakap ako sa sarili ko.

"Yay." Sabi ko ng takot na takot yung tono.

"O bakit? Takot ka ba?"

"Oo." Nahihiya kong sabi. Medyo dumidilim na rin kase kaya mas natatakot ako.

"Ysa, sige ha next time ulit. Kukwentuhan na lang ulit kita. Miss na kita. Loveyou." 

"Bbye Ysa. Nice to meet you." 

Bakit ganon parang may naramdaman akong kirot. Yung konsensya ko sinasabi "Wala kang panama dyan. Patay na eh." Hindi okayy lang masaya na kong nakikitang okayy siya. Sabi ko sa sarili ko. "Martir lang teh?" Di ko alam. Siguro. Parang nafall na yata ako sa kanya. Hayyy.

Hinawakan niya ulit yung kamay ko. Nakaramdam ako ng parang electricity na ewan at nabuhayan ako. Basta di ko maexplain tapos parang bigla bigla napangiti na lang ako. Tapos ngumiti rin siya sakin.

"Thank you Ayes ha." Sabi niya sakin habang naglalakad kami pauwi samin or not. Kasi bigla diretso kami sa playground. 

"Wala yun. Basta ikaw."

Umupo kami sa swing. Serious mode yata siya.

"Thank you for coming into my life Ayes. Without you, it will never be the same again."

"Kelangan umienglish Kyle? hahahaha. Drama mo. Tama na aba."

"Hahahah. Eto minsan na nga lang eh kumokontra pa. Psh. Pasalamat ka gusto kita."

"Ano uli? ha? ha? hahahaha."

"Wala sabi ko ang ganda mo sana bingi ka lang. Belat!"

"Hahaha. Matagal na kaya akong maganda noh."

"WEH? San banda?"

"Sa talampakan"

At ayun tawa na kami ng tawa na parang wala ng bukas. Hayyy Kyle. Bat ka ganyan. Ayokong mafall ng bongga baka masaktan ako. Hindi mo pero ng sarili ko. Baka forever akong makaramdam ng selos kay Ysa. I think mahal na nga yata kita *buntong hininga*

Less Than ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon