Naging normal na lang ang takbo ng buhay ko nitong mga nakaraang araw. Monotonous na lang. Siniseryoso ko na talaga yung sinulat ko sa notebook nung nakaraan. Oo nga pala, nakapasok ako sa Writer's Lounge so lagi ko nakakasama si Kyle. Si Ayin naman natanggap din sa drama club. Galing naman kasi niya talaga umarte kahit nung highschool kami lagi siya kasama sa stage play. Sina Jasper at Nico naman pasok sa Varsity. Aba maipagmamalaki naman talaga yang dalawang yan. Lagi nga kaming taga cheer ni Ayin kada may laban sila nung highschool. Pero syempre pasimple lang ako nun.
Ngayon nga pala abala ang faculty para sa gaganaping Acquaintance Party. Sinama kasi nila ngayong year lahat ng higher levels well, except sa mga graduating kasi sobrang busy na nila kahit halos kakastart lang ng first semester.
Kaya eto nagdidiwang ang BSA 1-1 wala kasing klase. Pupunta kami ngayon ni Ayin sa canteen. Andun kasi sina Per at Nico. Nagkayayaan kami na dun muna tumambay. O diba kahit magkakahiwalay kami loyal parin kami sa isat isa kami kami pa rin yung laging magkakasama.
"Andyan na pala kayo. Umupo muna kayo. Kami na ni Per bibili ng pagkain natin."
"Lilibre nyo kami?" Sabi naman ni Ayin. Wahahah. kapal eh.
"Eh may magagawa pa ba kami?" sabay kamot ni Nico sa batok
"Siya wag na. Damot." Nagtampururot naman tong bestfriend ko. If I know nag iinarte lang yan kay Nico. hahahaha. hmmmm
"to naman di na majoke"
"EHEM" Sabay naman naming sabi ni Per.
"Hello andito kami baka di nyo alam" Sabi ko with matching pakaway kaway pa.
"Ikaw Ayes, ano ba gusto mo kainin? Treat ko. Kami naman nag aya sa inyo eh."
"Nice ang galante mo dude. Sige ikaw na bahala kung ano." Sabi ko naman tapos pumila na sina Per at Nico dun sa counter.
"Oy best, sweet ni Per ha. Ayiiiee talagang siya pa nag alok manlibre. Samantalang si Nico parang napilitan lang. Hayy." Sabay pasimpleng sumimangot kala naman niya di ko nakita yun. hahahahah.
"Ikaw best ha. May gusto ka kay Nico noh. Ayieeee. Pasimple pa eh."
"Ssshhhh. Wag ka ngang maingay best. Ay nako. Quiet ka lang ah."
"HAHAHAHA. AYIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEE"
"AYIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEE KA DIN! Belat!" hahaha. ang kulit namin noh!
"O anong meron sa inyo?" Sabi ni Jasper. Napatahimik naman kaming bigla.
"Oo nga ang ingay nyo eh. Para kayong sirang dalawa" Dagdag ni Nico.
"Wala noh nagdidiwang lang kami at walang klase. Prof kasi dapat namin si Sir Roni" Sabi ko.
"Alam nyo na naman siguro diba kung bakit tuwang tuwa kaming walang klase." dagdag ni Ayin.
"Alam na alam syempre. hahahah! Grabe nakakatameme yun eh."
Ayun nagtawanan na lang kami. Ang saya talaga pag ganito lang walang iniisip na problema. Tapos eto wala na rin kaming ilangan ni Per.
"May gagawin ba kayo mamaya after uwian?" Tanong ni Ayin habang nakain kami.
"Wala naman. Bakit?" Sabi ni Per
"Tara mall tayo mamaya. Celebration na rin lahat tayo pasok sa sinalihan natin eh"
"O sige ba. Game. Ikaw Ayes? May meeting ba uli kayo?" Tanong ni Nico sakin
"Sa pagkakaalam ko eh wala naman. So game sama ko."
"Sa may gate na lang tayo magkita kita" Sabi ulit ni Ayin
"Sa wakas makakagala din tayo. Grabe tagal ng hindi ah." Sabi ko kay Ayin habang naglalakad kami papuntang gate. Tinext na namin sina Per papunta na rin daw sila eh.
"Oy, miss tulala, hindi ka ba aattend ng meeting?"
"Hoy mister, wala kaya tayong meeting." kainis talaga tong hinayupak na to. Pansin at epal lagi eh.
"Meron kaya sabi sakin ni Elise eh pag usapan raw natin yung about sa Acquaintance Party"

BINABASA MO ANG
Less Than Three
Teen FictionInlove si Ayes sa kanyang kababatang si Jasper. Pero pinili niyang kalimutan ang kanyang nararamdaman sa loob ng mahabang panahon para masave yung friendship nila. Mananaig pa rin ba ang first love sa pagdating ni Kyle o mabubuo na sa kanyang isipan...