Chapter 9

93 5 2
                                    

So far, yung chapter 8 ang pinakamahaba kong update. hahaha. Hanggang ngayon super effort ako para pahabain kaya sana suportahan nyo ha. :))

Comment naman kayo para mamotivate ako lalo. Salamat! :**

***

Lumipas na ang ilang araw kaya eto ako kukunin lahat ng libro ko sa locker para makapagsimula ng magreview. Kung tatanungin nyo ako kung anong nangyari nung nakaraan. Ayoko na lang munang pag usapan. Next time ko na ikukwento inis pa rin ako sa impaktitang nagtapon ng juice sakin eh. Buti nga di ko na uli nakikita yun eh. Natapos ko na rin pala yung article binigay ko na lang kay Kyle. Di ko muna siya masyado kinakausap. Malabo pa rin sakin yung  mga pangyayari. Di naman siya nagkukwento eh so wala kaming dapat pag usapan.

Anyway, eto na nga di ko mahanap yung susi ng locker ko eh kainis naman gusto ko na umuwe eh. Ang init ditto eh tirik na tirik yung araw. Nakatapat pa sakin. Kung bakit ba ditto pwesto ng locker ko. Argh dami kong reklamo pero sa wakas nakita ko na susi ko. Wulanjo nasa bulsa ko lang pala. Hahah. 

Pagbukas ko ng locker, sobrang nagtaka ko kasi may papel eh. Sino naman kayang naglagay nito dito? Mabasa na nga lang.

Huwag ka ng laging apurado. Mas maganda ka kung laging nakangiti.

                                                                                                            LessthanThree Ü

Kanino kaya to galing. Infairness napangiti ako pero nagtataka ko. Ano yung lessthanthree Ü? Errr. Jusmeyo math pa yata yun. Matanong nga kay bestfriend mamaya.

“Hayy nakauwe rin. Infairnes nakaya kong bitbitin lahat to.” Ako na nababaliw at kinakausap ang sarili. Haha belat. Makapasok na nga.

“IM HOMEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!” Sigaw ko bigla. Sabay patong na rin ng mga libro ko sa table. Hooo kapagod.

“Ano ba yan Ayesha! Ang ingay mo alam mo yun!” Sabi ni Nico na halatang kagigising lang at nagkukusot pa ng mata.

“Abay Mark Nicoli Asuncion so kasalanan ko pang nagising ka sa ingay ko? Eh alas diyes na kaya. Tong batang to.” Okayy ako na matanda. Haha de joke. Ganyan lang talaga ko.

“Alas diyes na pala. Hahaha sorry naman. Makakain nga muna ng makuha ko na rin mga libro ko. Aga mo pumuntang school ah”

“Syempre marami ng tao mamaya. Asan ba sina Kuya, Ayin at Per?”

“Ahm, sa pagkakaalam ko eh yung dalawa magbabasketball daw. Di ko lang sure kung tinuloy nila usapan naming kahapon kase tignan mo naman di nga ako nakasama sa mga yun. Si Ayin? Aba malay ko ikaw bestfriend tapos sakin mo tinatanong.”

“Taray mo naman. Siya kumain ka na nga itetext ko na lang sila”

***

“Eto na pala si Ayin eh. Best san ka galing?”

“Dyan lang sa mall bumili ng ingredients. Type ko lang magbake. Tara bake tayo. Pang motivate magreview”

“Suuuurrrrreeee! Di ako hihindi diyan.”

“Game tara ayusin na natin to”

***

“WE”RE HOOOOMEEEEEEE!”

“Ano ba yan Ayes parehong pareho kayo ng Kuya mo” pagrereklamo ni Nico. Hahaha kanina pa naiistorbo eh.

“O tol, gising ka na pala. Hahaha” Sabi ni Kuya kay Nico

“Hay nako ang ingay mo tol. Di man lang ako ginising eh.”

“Sarap kaya ng tulog mo Nic tulo laway pa eh hahaha” Sabi naman ni Per eto na naman sila nagkakaasaran. Ang kukulit.

“Ayes at Ayin ano ginagawa nyo diyan sa kusina?” Sabi ulit ni Per samin

“Yang dalwang yan magbabake daw” Sagot naman ni Nico

“Ayos pala yan OO at HINDI eh.” Umiral na naman pang aasar ni Kuya. HINDI yung tawag niya kay Ayin kasi lagi raw kami magkasama parang kapair ng OO yung HINDI.

“Tamang tama may bisita tayo.” Dagdag pa ni Kuya.

“Sino naming bwisita natin Kuya?” Sigaw ko. NAsa kusina nga kasi kami. Bali kanina pa sila nagsisigawan.

“Si Kyle!” Sabi naman ni Per.

Okay awkward. Di na ko nagsalita. Inis pa rin ako.

“O  sige kuya Tupe malapit na rin kami matapos magbake.” Sabi na lang ni Ayin

“Tulungan ko na kayo dyan” Sabi ni Per. Sasagot pa lang sana ko ng

“Ano bang pwede kong maitulong?” Biglang dating ni Kyle na sinundan nina Kuya at Nico.

“Oo nga. Kami na magluluto ng tanghalian natin” Sabi ni Nico

Edi eto lahat kami nasa kusina. Kung kami ni Ayin eh nagbabake. Sina Kuya at Per naman ayun naghihiwa na ng gulay tapos si Kyle nagsasaing. Si Nico ba tinatanong nyo? Eto oh

“Sige lang guys kaya nyo yan! Chicheer ko kayo hahaha.” Lokong Nico kala ko naman talagang tutulong. Ayy tumulong naman pala. Hinanda na niya yung mesa haha. Grabe noh napagod siya sa ginawa niya.

***

“Kainan na!” talaga tong si Nico basta pagkain eh. Hahaha. Natatawa tuloy kaming lahat. Parang nasapian kasi.

“Hep. Teka lang pray muna tayo.” Sabi ni Ayin.

Ayun nagpray na kami. Kahit naman ganto kami kaloko loko eh madasalin naman kami.

“Oo nga pala. Ano naisipan mo Kyle at andito ka? Well, hindi sa di ka welcome ha. Curious lang” Sabi ni Ayin.

“Ang totoo niyan Ayin nakasabay lang namin si Kyle kanina sa court. Tapos napag isipan naming yayain ni Kuya Tupe” Sabi ni Per.

“Ayun tapos di na rin ako tumanggi. Gusto rin sana kitang kausapin Ayes” Sabay tingin sakin. Bat parang ang awkward sakin? Ewan, ang gulo ko. Kumain na lang ulit ako pagkatingin at tango ko sa kanya

“Ahh eh yun naman pala.” Sabi ni Nico.

“Ayyyiiiiieeeee” Sabi ni Ayin.

“Uy manahimik ka nga best. Nakakahiya.”

“Oo nga Ayin wag mo na asarin si Ayes.” Sabay sabi ni Per na medyo parang seryoso.

“Ayun oh pinagtatanggol.” Hirit naman ni Kuya

“Kumain na nga lang tayo.” Ayun na lang nasabi ko.  

Umalis na rin si Kyle. After kasi kumain umakyat na ko sa kwarto. Di ko pa feel na kausapin siya. Nagreview na lang ako ng nagreview. Kailangan ko makakuha ng magandang grade sa midterm. Hanggang sa di ko namalayan nakatulog na din pala ko.

Less Than ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon