Chapter 19

81 1 0
                                    

Last day na namin ngayon dito sa Tagaytay. Ayoko pa sanang umuwe kaso syempre we need to spend our sembreak with our family din. Tsaka syempre kelangan rin namin bumisita sa sementeryo noh. Wew yung idea pa lang na pupunta ng sementeryo kinikilabutan na ko ewan ko ba. 

Maiba nga tayo. May kanya kanya na naman kaming pinagkakaabalahan dito. Si Nico seryosong seryoso sa panliligaw. Nung isang araw nga e kinunchaba pa sina kuya at may paharana haranang nalalaman. Malamang e kilig to the bones tong si Best inaasar asar pa nga siya ni Yvette. Ang daming stars ngayon natutuwa ako. Di ko namalayan napadpad na pala ko sa may ewan ko ba kung anong tawag dito. Basta sa bandang likod to nung bahay tapos hmmm, meron silang telescope dito. Sobrang peaceful. 

Napag isipan kong tumingin sa telescope. Natutuwa kasi ako sa mga stars ang liwa liwanag pa ng buwan. Naeenlighten lalo yung mood ko pag ganito eh. hayyy grabe. Nabobother pa din ako sa sinabi ni Yvette. Ano kayang meron yun si Kyle? Mahiga na nga muna.

"Gabi na ah nasa labas ka pa din." Biglang salita ni Kyle. Boses pa lang alam ko na eh

"Ay susmariajosepa." Napaupo ako ng wala sa oras eh.

"Ayy sorry nagulat kita. Bat andito ka pa?"

"Wala naman. Nakakatuwa kasi tumingin ng stars eh tapos ang ganda ganda pa ng moon. Nakakarelax." Humiga na rin ulit ako mas nakakarelax kase. Siya rin humiga may space naman kami na medyo maluwag tapos yung dalawang kamay niya eh ginawa niyang unan. Basta ganon. Nakita kong bumuntong hininga siya. Syempre gamit lang ang peripheral vision ko.

"Alam mo ba may nakapagsabi sakin noon na kapag may gusto ka daw sabihin sa isang tao. Pwede mong gamitin yung stars tapos makakarating sa kanya yung sasabihin mo. Tapos sabi pa kapag yung mga mahal natin sa buhay nasa kabilang buhay na nagiging stars sila kase sila yung gumagabay satin." Napaharap ako bigla sa kanya. I know that eyes. Nanlaki mata ko.

"Ba-bakit? May dumi ba ko sa mukha?"

"Eh kasi hmm Kyle, may tatanong ako sayo. Mamaya ako magrereact sa sinabi mo ahh"

"Hahaha. Okayy lang yun. Ano ba yun?" Yung tawa niya may halo pa ring lungkot.

"Dati ba bago magpasukan eh napadaan ka sa Toms World? I mean, ahm, naglaro kayo ng basketball. May kasama kang 3 kabarkada mo yata? Naka hmm, wait. black tshirt and black blazer na parang americana ewan kung anong tawag dun?"

"Pano mo nalaman? Sabi na nga ba eh. Stalker talaga kita Miss T."

"Nakita kita noon eh. Di ko lang agad ikaw namukhaan pero that same eyes. Yan yung nakita ko kaya bigla ko naalala."

"Ha?"

"Bakit parang ang lungkot lungkot mo? May problema ka ba?"

"Ahh, yun ba? Ewan ko ba? Sa totoo, di ko talaga alam. Siguro kasi dahil sa stars naaalala ko na naman siya."

"Sinong siya?" Nakaupo na kami ngayon. Ang lungkot lungkot niya di ako sanay.

"Yung kakambal ni Yvette."

"Ahhhhh"

"Si Ysabelle. Siya yung kakambal ni Yvette na naging girlfriend ko. Hanggang ngayon di ko matanggap na wala na siya sa tabi ko. Siya yung kababata ko. Bestfriend ko. Nanay. Ate. Kapatid. Lahat. Siya yung laging andyan sa lungkot at saya." Nakaramdam ako ng inggit. Di ko alam kung bakit. Pero di ako nagsasalita. Nakikinig lang ako. Yun naman ang kelangan niya sa ngayon.

"Akala ko okayy na lahat. Yung tipong kami na forever and ever. Sinisimulan na namin buuin yung tinatawag nilang forever eh. Lahat aprub parents ko, parents niya. Pero sabi nga nila akala lang yan. Maling akala. Sa bawat saya laging may kalungkutan. Nasa climax na kami ng kasiyahan pero eto wala eh. Lugmok ako ngayon sa lungkot."

Less Than ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon