Kapag talaga nagmidterms kami ang bilis ng araw. Jusko after ng play nina Ayin back to business na naman kami which is puro lessons and everything. Yung PE namin buti naman sasayaw lang. Yep hahaha. Aerobics kasi so iaaply lang naman mga pinag aralan namin. 1 down. 8 subjects to go. Subsob ako sa pag aaral ng accounting nitong weekend. Sinimulan na namin ni Best yung Practice Set eh. Para mapadali na buhay namin este mabawasan mga gagawin namin. So ayun. Masaya at nag eenjoy ako. Mahal ko na Accounting sana lang mahalin niya din ako hahaha.
Sina Kuya bihira ko makita. Actually sa apartment na nga lang kami nagkakakitaan kasi bukod sa busy sila sa schoolworks eh dumagdag pa yung sa game nila before nung gaganapin naming semestral break party. Maaga nga silang pinagfifinal exam eh para mas mafocus sila sa game. Hanga ako sa kanila. Sa time management nila grabe. *salutes*
Sa totoo lang excited na ko magfinals. XDD Kasi napag usapan namin nun na sabay sabay kami magspend ng sembreak namin. Bali 3 weeks kasi magiging bakasyon namin. Yung unang week eh pag aasikaso ng mga grades and enrolment so balak namin after enrolment na lang. 1 week kami sa tagaytay. May bahay kasi sina Nico dun so ayun.
***
*hikaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaab*
Hayyyyy. antok na antok pa ko ah. Anong oras na ba? Grabe nakatulog pala ko kakareview. o.O Nagready na ko pumasok. After that, kumain kasabay si Best. Then boom punta na kaming school.
Habang papalapit kami ng papalapit sa room namin kinakabahan ako finals na namin ngayon. Actually last subject na to na itatake namin which is yung major pa namin na accounting. Pero alam ko namang nagreview kami ng matino kaya papasa kami for sure.
Pagdating ng room inaantay na lang namin yung prof namin para makapagstart na woooo. Mala UPCAT na naman to sa tagal pero keri lang. Eto na talaga. Waaaaaaaaaaa. Number 1 pa lang napalaki mata ko at napanganga. Sa isip isip ko pano nga ba to. Wulanjo every exam na lang namemental ako sa number 1. Pero nasagutan ko naman lahat. hahahaha. After 2hrs, which I think is forever. De joke hahaha. Ayun tapos na exam. Apir apir kami ng mga classmates ko pagkapasa ng exams namin. Tapos nagkayayaan magmcdo. Bali si Best, Adrian, Anne at Carl ang mga kasama ko.
***
Yipeeee! ENROLLED NA FOR 2ND SEM. Bukas na pagpunta namin ng Tagaytay. Syempre nakauwi na kami sa kani kanila naming mga bahay. Hayy namiss ko tong kwarto ko.
"Ayes, ano ginagawa mo?"
"Haller, kuya di obvious na nakahiga ako e noh."
"Oo hindi, obvious na obvious lang." Talaga namang iniinis ang ng magaling kong Kuya eh.
"Hayy nako. Bat ka ba andito Tupe?"
"Abat wala ng kuya ah."
"Parang di na nasanay haha."
"Weh? eh sanay na sanay nga"
"Ayy nako kuya ano ba gang kelangan mo at nanggugulo ka dito. Sarap sarap ng pagkakahiga ko eh."
"Libre mo ko hahahah. De joke lang. Mag ayos ka na nga ng gamit mo para bukas."
"Makautos kuya bakit ikaw ba ayos na gamit mo?"
"Abay oo naman. Excited eh :P"
"O sya tsupi na kuya mag aayos ako ng gamit." Nagstart na ko kumuha ng mga damit na dadalhin ko.
"ayoko ng pahiga muna dito. Ang daya bakit mas malabot kama mo sakin."
"Mahal ako nina mama e belat!"
"Oo nalang Ayes. wateber."
"Yak kuya di bagay."
"May tanong ako OO" Napalunok ako ng wala sa oras at napatigil ng ilang segundo sa ginagawa ko. Sumeryoso kasi boses ni Kuya.
"O ge ano yun?"
"May gusto ka pa kay Per?"
"Kuya ano ba namang tanong yan. Bestfriend ko yung tao."
"Bestfriend mo nga pero patay na patay ka kaya dun dati."
"Oo na lang kuya pero wala bestfriend na lang talaga."
"Edi sige sabe mo eh. Eh kay Kyle?"
"A-anong kay Kyle?"
"Same na tanong ano ba naman yan"
"Ahh, uhh. Wala noh"
"WEH? Isang malaking weh kapatid. Bahala ka nga dyan. Sige lang ideny mo. Alam ko naman totoo. Makaalis na nga" Wooooooooo. Nakahinga rin. Buti at umalis na kumag kong kuya.
***
Aga kong nagising kinabukasan. Syempre malamang sa malamang e excited ako. Hahaha. 5am kasi kami aalis. Wala lang trip namin na maaga eh. Nagready na ko as usual. Tapos kumain kami ni Kuya kasabay sina mama.
"Mag ingat kayo dun mga anak ah" Sabi ni mama
"Opo." Sabi namin ni Kuya.
"Ikaw Tupe bantayan mo tong kapatid mo ah. Baka naman magpatimang timang kayong dalawa dun." Natawa kami sa sinabi ni papa.
"Ano ka ba naman Pa, matatanda na yang mga anak mo. Alam na nila tama sa mali. Basta behave ha. Wag gagawa ng kalokohan."
"Mama, makasabi ng matatanda e kayo kaya yun. Hahahaha" sabi ni Kuya.
"Aba't gusto mong di makasama Tupe"
"De joke lang mama papa. alabyuuu"
"Kuya ang bading mo. Hahaha. Ako pa yata magbabantay sayo eh."
"Asa ka naman OO. Gwapo kong to bading? Edi ang daming madidismaya pag nangyari yun"
"O manahimik na nga kayo nakain tayo dba" -papa
Nagpatuloy lang kami sa pagkain hanggang sa may bumisina sa labas ng bahay. Agad agad naming kinuha mga bitbit namin tapos nagpaalam kina mama at nagkiss.
WEEEEEEEEEEEEEE. First time to na magbabakasyon kami ng kami kami lang. Sa pinakalikod ng van ako umupo kasi baka makatulog ako sa byahe. Si Nico sa unahan. Ihahatid kami ng papa nya eh. Si Best dun sa likod ng papa ni Nico kase baka daw mahilo siya pag sa likod. Si Per katabi ko. Siya yung nasa may bintana. Nauna kasi siyang sunduin. Si Kuya solo sa gitna. Gets nyo naman siguro. Si Kyle naman dadaanan na lang namin sa kabilang subdivision.
Nung andun na kami sa tapat ng bahay nila. Parang bigla yatang uminit dugo ko. ERRRRRRRRRRRRR.
________
A/N: Ano kaya yung nakita ni Ayes? Buwahahaha. Hulaan nyo XP Comment naman kayo. Nadadagdagan reads nito pero di ko mga kilala mga nagbabasa. Salamat sa mga nagtitiyagang basahin ito munti kong storyang ewan kung may saysay. Pero siguro naman meron kahit papaano diba. Gusto ko makilala mga bumabasa nito para friends tayo :)))

BINABASA MO ANG
Less Than Three
Teen FictionInlove si Ayes sa kanyang kababatang si Jasper. Pero pinili niyang kalimutan ang kanyang nararamdaman sa loob ng mahabang panahon para masave yung friendship nila. Mananaig pa rin ba ang first love sa pagdating ni Kyle o mabubuo na sa kanyang isipan...