The first meeting is always special. But many don't even give importance to it.
Masyadong naging mabilis ang takbo ng oras nitong mga nakaraang araw. Nakalipat na kami sa apartment.
Orientation namin ngayong umaga at sobrang gustong gusto ko ng umalis dito. Baket kung kelan naman gusto kong pabilisin ang oras tsaka sobrang bagal? ERR. Nakakainis.
Kung ano ano na pinaggagagawa ko dito. Grabe kung bakit ba kasi hindi kami magkakablock ng mga kabarkada ko. Edi sana ang saya saya ko ngayon. Jusme, meron naman kaming handbook kung bakit kelangan may ganto pa eh binabasa lang naman nung speaker yung nakasulat dito. AY NAKO. Okay ako na ubod ng reklamo.
"HMP! ><"
"uhh. Miss?"
ay pusang kalabaw!?! Sino naman tong lalaking to? Infairness kapogi. Shete otso nueve kainlab <3
"Hey miss, don't you know that staring is rude?" Antipatiko. Errr. Sayang ka kuya.
"Well, Kuya, Di mo rin ba alam na talking to stranger is bad?" HMP. oh ano ka ngayon? makalayas na nga.
Kung minamalas ka nga naman. Kakalipad ng isip ko. Naiwan na pala ko ng mga kablockmates ko. Takbuhan na!!!!
"Hoy babae! kanina ka pa tinatawag ni Kuya Toper." sigaw sakin ni Ayin.
"ha?"
"SABI KO TAWAG KA NG KUYA MO! KANINA PA!"
"Makasigaw wagas? Pwedeng hinaan?"
"Aba eh ikaw best eh. Kanina ka pa wala sa sarili mo. Mukha kang sira dyan, tama kawawa tong hawak mong panyo. Sobrang gusot na. Magkwento ka nga mamaya samin kung bakit ka nanggagalaiti dyan. Tsupi na!" Ayun pinagtabuyan na ko ni Ayin.
Jusmeyogarapon. tinawag lang pala ko para may ipabili sa tindahan. Napakasipag nga naman talaga ng kuya ko oh oh. Kahit kelan istorbo. Pagbigyan ang matanda.
"Hay nako Kuya kahit kelan ka talaga. Napaka mo!"
"May sinasabi ka OO?' yan nga pala kuya ko. Alexander Gabriel Encarnacion. OO tawag sakin niyan gawa nung palayaw ko na AYES. Siguro gets nyo na. Korni noh. Anyway milkyway, kung bakit Toper eh baka abutin pa tayo ng kinabukasan para lang malaman nyo. De joke lang. Di ko talaga alam. HAHA ayos kong kapatid noh. Basta nung nagkaisip ako eh Toper na tawag nila sa kumag na yan eh.
"Wala sabi ko pengeng pera. Nakakapagod kaya maglakad"
"Aba nahirit pa eh. Oh eto bente. Ipanload mo ng makatext mo na yung ugok na yun" Napangiti naman ako ng bahagya kahit ganto kami ni Kuya eh parang bestfriend ko na rin yan. Wala kaming secret nyan sa isat isa. Di nga kami mapaghiwalay eh. umiyak pa nga ko last year nung nagdorm siya. Buti ngayon magkasama kami dito sa apartment.
Dahil masunurin akong bata, lumabas na ko ng bahay. Sinamahan pa nga ako ni Jasper eh. Oha sabi ko sainyo eh close na ulit kami niyan. Nga pala kasama din namin siya sa apartment. NO HARD FEELINGS NA KAMI NYAN. *weh di nga?* tss. shatap. epal ka. hahahaha nababaliw na naman ako pati sarili ko kinakausap ko.
"Huy Ayes andito na tayo oh. YOHOOO" ay peste kanina pa ko nawawala sa ulirat ah.
"ayy sorry hahaha."
"Kanina ko pa napapansin nalipad utak mo. May problema ba?"
"ah. wala wala." Wow concern :DDDD
Nakabili na ko. Pabalik na kami nang biglang hilahin ni Per yung kamay ko. Nagulat ako pero pinabayaan ko na lang. Nakarating kami ng playground. Tapos pumwesto kami sa swing.
"Nakakatuwa noh. Buti pa mga bata walang ibang iniisip kundi paglalaro. Parang tayo lang noon noh." Sabi bigla ni Jasper habang nakatingin sa mga batang naghahabulan.
"Oo nga eh. Nakakamiss maging bata."
"Sobra. sana nga wala nalang nagbago eh" Walang nagbago? Naguluhan ako dun pero pinabayaan ko na lang. Pinanood na lang ulit namin yung mga batang naglalaro.
Habang pinapanood namin, biglang nadapa yung batang babae. Pero tumayo rin siya kaagad na parang walang nangyari. Nakangiti pa nga eh. Nilapitan ko at tinanong kung okay lang ba siya. Okay lang naman daw siya. Napansin ko yung batang lalaki na kalaro niya. Biglang sabi "Ah nadapa."
Imbis na mainis ako eh natuwa ako. May naalala kasi ako eh. To namang si Per biglang sumulpot at nagsalita.
"Parang tayo lang noon noh. Nakakatuwa. Ang pinagkaiba lang sa puno ka nahulog." Sabay tawa eh. Ako rin natatawa na eh. Yun kasi ung naaalala ko kanina.
"HAHAHAAHAHAH. Oo nga noh. *sabay hampas ng unti sa braso nya* Yun din yung sinabi mo noon sakin eh. Lakas mo mang asar eh kahit grounded ka. Linaw pa ng mata. Pati yun nakita mo kahit nasa bahay ka."
"HAHAHAHA eh tinatanaw ko kasi yung puno eh alam kong andun ka. At ayun nga nakita kitang nahulog. HAHAAHA" What did he just say? tinatanaw niya puno kasi alam niyang andun ako? shete! kinikilig ako. di ko na lang pinansin bawal ng kiligin diba nga
"HAHAAHAHAHAH. Nakakahiya eh naaalala mo pa pala yun"
"Oo naman noh. gusto nga kitang tulungan nun di lang ako makalabas" ha? ano raw? di ko narinig yung huli.
"Ha? Ano? Di ko naintindihan"
"Ah wala. hahahaha. Tara na! Inaantay ka na ni Kuya Toper"
"Hala oo nga patay. Tara takbo. Mahuli panget"
Game naman ang loko. Nakitakbo nga. hahaha. Sarap talaga maging bata uli.
"Pano ba yan? Panget ka pala eh. HAHAHAHA BELAT!"
"Ang daya mo kasi wala pang GO tumakbo ka na" inirapan ko nga.
"EHEM" waaaaaaaa. bakit andito sila lahat?
"O ano meron?" Sabi ko naman habang nakatingin kay kuya, Ayin at Nico
"Sa inyo namin dapat itanong yan" Sabi naman ni Nico
"Ha? Bakit? Ano ginawa namin?" To naman Jasper na to ayaw ako tulungan sumagot. ERR
"Kaya naman pala ang tagal eh. Nagdate pa yata kayo" Sabay sabi ni Kuya. Pinandilatan ko nga.
"Ay nako kuya! Bahala ka nga dyan. WE'RE FRIENDS YOU KNOW" *eh bakit parang affected ka? parang labas sa ilong?* alam mo epal ka lagi.
"Friends nga ba talaga?" Hay nako Ayin naturingang bestfriend kita nilalaglag mo ko. Di ko na nga lang pinansin. Pumasok na lang ako sa bahay.
"Uyyyyy AYIIIIIIIEEEEEEEEEEEE!" Sabay sabay pa nilang sabi tapos tawa ng tawa. Aba't pati si Per eh nakikitawa. Bahala nga sila *asus pero deep inside kinikilig* Manahimik ka nga dyan nako.
Makatulog na nga lang mamaya pa naman 3pm yung Campus Tour. 11 am pa lang naman. gigisingin naman ako ng mga yun pagkakain na.
BINABASA MO ANG
Less Than Three
Fiksi RemajaInlove si Ayes sa kanyang kababatang si Jasper. Pero pinili niyang kalimutan ang kanyang nararamdaman sa loob ng mahabang panahon para masave yung friendship nila. Mananaig pa rin ba ang first love sa pagdating ni Kyle o mabubuo na sa kanyang isipan...