Chapter 6.5

87 3 2
                                    

Peste naman talaga tong antipatikong to oh. Kainis lang laging panira eh. Pinauna ko na si Ayin at sinabing susunod na lang ako.

"Hoy Mr. Antipatiko! Wala namang inannounce na meeting eh. Sumagot ka nga ng matino! AKO BA EH PINAGTITRIPAN MO! PANIRA KA LAGI! NAKAKAIRITA NA!"

"Woah easy lang Miss Tulala. Hinay hinay. Inhale Exhale. Chilax lang aba. Oo nga walang inannounce na meeting *sabay ngiting nakakaloko*"

"Abat! Argh nakakainis ka talaga!" Sabay walk out kaso napigilan nya ko. Nahablot nya yung kamay ko.

"Sabi ng hinay hinay lang Miss T. Kung pinapatapos mo kaya ako noh. As if I can stand you noh." The nerve of this guy. Siya pa talaga may ganang magsabi ng ganon noh. Kapal talaga.

"Kfine. whatever. bilisan mo may lakad pa kami."

"Atat lang eh noh. Baka najejebs ka lang kaya ka aburido." *sabay tawa* mukha niya najejebs. hayy, di ko na nga lang pinansin para iexplain na niya niya dire diretso.

"Okay kasi po Miss tulala na laging apurado. Inutusan lang naman ako ni Elise na pag usapan natin yung about sa Aquaintance para maganda kalabasan sa paper since tayong dalawa lang naman ang nakatoka dun baka nakakalimutan mo. so, sa ayaw at sa gusto mo you have to deal with me or else."

"Okay fine. Sige na ng matapos na to."

Mga 20 minutes lang naman eh napag usapan na namin yung gagawin namin. Since kami nga yung nakatokang gumawa ng article eh ang gagawin ko lang ay magjot down ng important happenings sa Acquaintance para maenjoy ko daw. Siya na raw mag eenhance. Akalain mo yun may kabaitan din  naman pala to.

Papunta na ko ng mall para kitain sila. Nang iinggit pa nga yung tatlo at sabay sabay pang nagtext sakin. Pang inis lang. Ang reply ko sa kanila? "Antayen nyo ko may tig iisa kayong batok. Makapang inggit eh" O diba haha. Siga eh pero syempre lambing lang yan. 

Ang nakakainis eh ang dalang dumaan ng jeep. Puro puno na kainis eh. Andito ko ngayon sa waiting shed. Cross finger pa habang sinasabi sa isip ko na sana may masakyan nako.

"Huy napopossess ka na ba dyan?" 

"Ay palaka!" Kahit kelan talaga tong antipatikong Kyle na to laging epal. Parang kabuteng bigla bigla susulpot.

"Anong palaka ka dyan. Ehem pang prince kaya tong pagmumukhang to." Sabay pogi sign na with maching kindat pa.

"ewww, Kapal lang ha. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Baka tamaan ka ng kidlat kahit di naulan"

"Asus kunware ka pa alam ko namang crush mo ko."

"Kahit kelan na pakakapal talaga ng pagmumukha mo noh. Hmmpt!" sakto may jeep. Makasakay na nga. Pero napansin ko kasunod ko siya.

"Sinusundan mo ba ko?" Sabi ko naman pagkaupong pagkaupo ko. Kainis talaga to. ARGH!

"Kapal mo noh. Sadyang papunta lang akong SM. Wag kang feeling." Tapos parang biglang nag iisip kuno. As if may isip.

"Aha! Sabi na nga ba may crush ka talaga sakin eh." 

Nako, tumahimik na nga lang ako.

Sa wakas nakarating na rin ako ng SM. Nakita ko agad sa may bandang entrance sina Kuya, Ayin, Per at Nico kaya kinawayan ko. Nagulat na lang ako nung pagpasok ko eh mas sinalubong pa nila tong nasa likuran ko. Aba'y dinedma lang ang beauty ko.

"Oh bro, magkakilala kayo ni Ayes?" Sabi ni Nico with matching hand shake pa sila na di ko magets. Pati nga rin si Per at kuya nakiganon.

"Ah yun ba? Oo, pareho kaming nasa lounge. Nakasabay ko lang yan sa jeep."

"Ah o eh san punta mo niyan? Sama ka na samin! :)" Aya naman sa kanya ni Kuya. Nako kuya alam mo namang inis ako dyan eh. Binigyan ko nga si Tupe ng nakakainis-ka-look.

Is it just me or talaga biglang medyo sumimangot si Per pagkasabi ni Kuya. Ay ewan. Magkavarsity naman sila pero bakit ganon? Ayun nga kasama na namin siya. Pinakilala na nga rin siya kay Ayin. Nakakainis lang kasi parang naeechapwera ako dito kasi sila lagi magkakausap. Si Per pansin kong parang di mapakali. Ewan ko ba di ko na lang pinansin.

Wala naman kami masyadong ginawa eh. Nagmovie lang kami, nagtom's world tapos kumain. Unting ikot para magwindow shopping tapos umuwi na. Enjoy naman kasi nagkabonding kaming lahat. 

Less Than ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon