Chapter 10

105 3 4
                                    

Ang ganda ko. buwahahaha. Sa sobrang ganda ko nahihirapan akong mag update. Kasi sa totoo, baka di ko kasi mameet yung expectations ko. Gusto ko kasi pabonggahin tong storya na to. Para naman masabi ko sa sarili ko na "Yes! Sa wakas after ilang try. Nakatapos rin ako ng magandang storya."

Anyway, baka kung saan pa mapunta to. Eto na update. :))

Read/Vote/Comment

***

"Yes! Sa wakas natapos rin exams. Woot makakahinga na ng maluwag."

"Ang ingay mo naman Ayes. Kala mo naman nahirapan ka talaga. Eh minamani mo nga lang yun." Pang aasar sakin ni Per. Andito kasi kami ngayon sa may open field ng campus. Sa may isang puno to be specific. Nakapalibot kaming nakasandal apat sa puno. So di kami nagkakakitaan mag usap. Gets nyo? 

"Huy hindi ah baka ikaw yun. Di nga kita nakitang nagreview eh."

"So, inaalam mo na pala ngayon mga ginagawa ko. hahaha. Nagreview kaya ako."

"Inaalam ka diyan. Sadyang kita ko lang mga GINAGAWA NYONG LAHAT NOH. Malamang nasa iisang bahay tayo. Haller?"

"Eh bat defensive ka? hahahaha."

"Hay nako, oy best at Nic wag nga kayong tutulog tulog diyan. Tulungan nyo naman ako dito sa mokong na to"

"Bahala nga kayo diyan dalawa. hahaha. Babye!"

"Babye Best! Enjoy!"

Tamo tong dalawang to. Imbis na tulungan ako. Nang asar pa at eto iniwan kami.

"So? hahaha. Wala ka pala eh di ka kinampihan" pang aasar na naman ni Per. Binelatan ko na nga lang at chineck yung phone ko. Nagtext kasi si Ayin. Tong babaeng to talaga. Natututo ng lumandi. hahahah. Joke. Ang alam ko kasi may crush siya kay Nico at si Nico naman eto dakilang torps.

From Best Ayin:

Halu bestfriend! XDD haha. Sarreh naman. Enjoy kayo aah. Usap usap lang kayo basta wag nyong kakalimutan usapan natin ah. Mayang 4pm sa SM na tayo magkita kita. May 1 hour pa kayo. hahaha! Alabyu! :*

To Best Ayin:

Loka ka talaga best! Lagi mo ko nilalaglag. Iniwan mo na naman ako T_T Sige magdate na lang kayo dyan. haha :P alabyutoo! mwuahxx :**

"O ano Per? Tara umuwi na lang tayo. Wala man tayo gagawin dito.

"Teka lang Ayes. Pwede bang samahan mo ko sa Library? May hahanapin kasi ko dun eh. Okay lang ba?"

"Ah yun lang pala eh sige tara!"

***

"Ano nahanap mo na ba? Kanina pa tayo dito eh. Naiinip na ko. Tulungan na kaya kita hanapin. Ano bang title nun Per?"

"Mabuti pa nga. Alam ko andito lang yun eh. yung title nung book 5 minutes eh."

A/N: wahahah simpleng plug ako ng shortstory ko. Basahin nyo po :))

"Okay got it. Dito ko sa kabila maghahanap."

***

"O Per eto pala eh. Ano ba yun? Talagang di mo mahahanap diyan. Nalipat dito eh."

"Yown, palagay na lang muna sa bag mo. Wala kong dalang bag eh. hehe" Parang di malaman tong si Per eh. Kanina pa balisa. Gusto kong tumawa pero ang seryoso ng atmosphere eh.

Pag si Per talaga kasama ko lagi akong pigil. Andun pa rin yung ilang at medyo awkwardness eh. 

"hmm, Per patingin ako neto ha. Pabasa na rin"

"Sige lang" Tapos ngumiti ng ay grabe makalaglag panty. Shemay... Kinikiligs aketch.

Tumigil kami ng playground eh para daw makapagbasa ko ng ayos. Infairness hirap magbasa ng naglalakad habang natingin rin sa daan. Oha multi tasking yun.

"Grabe naman pala to Per. Nagbabasa ka pala ng ganto. Parang its now or never eh. Sayang di nasabi ni Andy kay Ash na mahal niya pala ito. In denial stage nga naman."

"Nakakainspire kasi siya Ayes. Kaya ako natauhan na ko gawa niyan. Ayokong mahuli ang lahat ng di ko nasasabi sa mahal ko na mahal ko na pala siya matagal na."

"Naks Per. Inlove ka pala eh. Sino naman yung malas na girl? hahaha! joke lang ah."

"Sa tamang panahon malalaman niya din. Ang hirap kasi eh. Natotorpe ako. Nung time na dapat sasabihin ko na may umepal. Dont worry ikaw naman una kong pagsasabihan pag okay na"

"Ayy grabe naman. Dapat wag kang padaig dun sa epal. Sige sabi mo yan."

"Kung alam mo lang Ayes. Kelan mo ba maririnig na ikaw ang sinisigaw nito?"

"Ha? ano Per? Di ko narinig. Badtrip tong kotse timing bumusina eh."

"Ah wala yun. Tara uwi na tayo. Para makapagpalit na at makapuntang SM."

"O sige sabi mo." Sabi ko na lang ng nakangiti. Weird niya. hahaha

***

"Eto na pala yung love birds" Biglang sabi ni Nico pagkakita samin.

"Eh sino kaya yung nang iwan para magdate." Sabi ko naman.

"Oo nga tol, kayo tong love birds dyan eh."

"Ay nako, tara na nga lang. Gutom na ko. Kuripot kasi nung isa dito. Di man lang ako pinakain." Sabi naman ni Ayin.

"Uyy best iniiba usapan. hahaha. Ikaw pa di pinakain nitong si Nic eh takot lang niyan gutumin ka baka siya kainin mo eh. hahahaha" Sabi ko naman.

"Oo nga Ayin, di ka gugutumin nitong bestfriend kong maalat. hahahaha" Dagdag ni Per.

"Hoy grabe kayo. Maalat ka diyan. Ayin di naman kita ginutom eh. Dami ko ngang pinakain sayo. Iniiba mo lang usapan eh." Sabay ngiting nakakaloko ni Nico. Pinandilatan naman siya ni Ayin. To talagang bestfriend ko oh.

"De joke lang tara na nga kain na tayo." Takot talaga tong si Nico ke Ayin kahit kelan eh. hahaha. Nakakatuwa lang. Lumalove life na bestfriend ko.

***

After namin kumain, as usual nagtom'sworld ulit kami. Naalala ko bigla yung guy na nakita ko habang nagbabasketball kami dito. Di ko malimutan yung mata niyang puno ng kalungkutan sa kabila ng mga tawa niya.

"hmm, Ayes, may bibigay pala ko sayo." biglang sulpot naman ni Per sa likuran ko.

"To biglang susulpot. O ano yun?"

"Akin na kamay mo" Edi ako si masunuring bata nilahad ang kamay. Nagulat ako sa binigay niya. My gosh ang cute. Isang keychain na Hello Kitty. Take note PINK pa siya. Grabe. Bigla ko tuloy siya nayakap.

"Ayy sorry Per. Pero thank you talaga grabe. Bat mo naman ako biglang binigyan nito?" Napabitaw agad ako sa yakap kasi nahiya ako. Eng eng ko eh bat ko ba kasi biglang niyakap. Pero grabe ang cute talaga <3

"Wala lang gift lang. Ito kasi yung date kung kelan kita unang nakita."

"HA? eh diba summer yung una tayong nagkita." Weird tanda ko talaga summer yun eh sure ako dun. Ang gulo na naman ng utak ko. Pinipilit kong alalahanin. August 22? Alam ko talaga April 15 yung una kaming nagkakilala.

"Wag mo ng piliting alalahanin Ayes. *bigla niya hinawakan kamay ko* Kasi di mo pa naman ako kilala nung mga time na yun. Pero ikaw. Kilala na kita. 6 years ago. Nasa may playground ka nun. Yun yung time na naglilibot kami sa subdivision natin dati. Bago pa kami makahanap at lumipat ng bahay doon. Habang naglalakad kami nina mama. Nakita kitang nagsuswing."

"Pero Per bat sinasabi mo sakin to ngayon?"

"Sa takdang panahon Ayes. Paghanda na ako at ikaw. Malalaman mo rin." Sabay ngumiti siya at bumalik na dun kina Nico at Ayin na kasalukuyang naglalaro nung baril barilan. Ako naiwang windang at tulala. Baka mamaya niyan kaya siya ganyan long lost brother ko pala siya. hahaha. Pinapatawa ko na lang sarili ko sa isip ko para naman di ko na pakaisipin. Pero sa totoo pwede yung mangyare. To think na ang gulo ng pamilya namin. Hamonanga sabi naman sa takdang panahon malalaman ko din. Edi antayin na lang. :) Makapaglaro na nga din. Daya sila lang nag eenjoy ng husto. hahaha

Less Than ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon