Chapter 24

73 0 0
                                    

Sa isang araw birthday ko na WEEEEEE. Ang kaso masyadong mga busy tong mga kabarkada ko di ko tuloy maaya na lumabas kami sa birthday ko. Si Kuya, Kyle, Per at Nico busy sa basketball kasi sa December na yung interschool. Tapos pag before naman magpractice si Kuya at Kyle gumagawa ng plates. Si Per ayun nadedevelop na ata kay Yvette or the other way around. Si Nico naman alam nyo na yun. Lagi kasama si Ayin kasi etong bestfriend kong to busy din sa drama club nila may event na naman ata bago Christmas break kaya bihira din silang magkita.

Ako eto wala lang. Pagala gala lagi mag isa. Minsan kasama sina Adrian at iba pa naming classmates. Minsan sadyang ako lang. Minsan naman nag aaral lang ako mag isa ng gitara. Unti na nga lang mapeperfect ko na yung You Belong With Me. Kagaya ngayon eto ko senti sa apartment lahat sila nasa school kahit wala kami lahat pasok. Busy eh. Ako lang ata hindi. Matigil na nga to at mag aaral na lang din ako.

"ARGH Wala na talaga kong magawa" Sabi ko nalang sa sarili ko. Tapos na ko mag aral eh. Makapag internet na nga lang.

Nag open ako ng Facebook, Twitter, Tumblr at kung ano ano pa. Una kong inatupag Facebook. Basa basa. Like like tapos stalk stalk. Tinignan ko profile ni Best. Aba ang susweet ng mga wall to wall nila ni Nic ha infairness. Araw araw yata eh magkawall to wall to think na jusme ilang meters away lang sila sa isa't isa pag andito. Nakita ko din mga photos nila nung first day. Grabe sino kaya nagpicture neto astig eh. Sweet talaga nitong dalawang to.

Sunod naman kay Yvette. Aba'y ang mga status mukhang mga patungkol kay Per katulad nalang ng  "Time will come and you'll find your happiness. And now I think I already found him - my happiness" "Love is not a game where you win or lose. Because the moment you began to love, you are already a winner." "I do love you even though you don't see it." "You mean so much to me, diyey"

Taray diba inlove na inlove kay bhez. Ewan ko ba sadyang manhid ata talaga tong si Per nasa harapan na eh di pa makita at maramdaman. Hay nako. Sa profile naman ni Per walang mapala. Tamad tamad din kasing magFB. Walang mga updates. Puro mga tag photos sa kanya nakikita ko eh. May mga pictures naming magbabarkada na inupload ni Ayin. Ganon ganon lang. May isang picture nga nila ni Yvette na parang inis na inis si Per, yung magkatabi sila sa van nung pauwi kami galing Tagaytay. HAHAHA ang cuteee.

Pagpunta ko sa profile ni Kyle. Para kong binuhusan ng tubig na sobrang lamig. Sobrang nagitla ako sa nabasa ko. "The first meeting is always special ;)"  WAAAAAAA. Is it possible na siya yung letter sender? Pero pwede din namang hindi. Malay mo nakuha niya lang yung quote na yun tapos nirepost. I prefer the latter nalang. Malalaman ko din naman kung sino yun. Sabi naman niya malapit na. Isa pang kinagitla ko nung nakita ko yung picture namin sa van. Nakapatong ulo ko sa balikat niya siya sa ulo ko. Okaaayyyy. Pano nangyari to. I have no idea at all. Mga loko talaga tong mga to. Di ko napansing nakatag din to sakin ahhh. Parang alam ko na. Ang ginawa ni Ayin eto una niyang tinag tas pinatungan ng ibang tags kaya di ko napansin. Nice ha. Infairness nangingiti ngiti ako dito. Wahahahaha. Anyare wahaha

Kay Tupe naman nung tinignan ko abay mukhang talaga nagkakausap sila ni Ate Luisa ha. may mga wall to wall din. At hahahaha natatawa ko sa isang post ni kuya. "miss ka na namin lalo ako. hehe" ang bakla ni kuya wahahaha. Parang eto din yun eh "miss ko na kayo lalo ikaw" na version naman ni Per sakin dati. Kulit lang eh, mga style ng mga to iisa.

Sunod naman nagtwitter ako. Wala masyado magawa retweet retweet lang. Sa Tumblr naman naglagay lang ako ng playlist. Onting ayos ng theme. Boooooring naman yamot. Ang ginawa ko sumunod eh inayos ko nalang yung mga sulat nung letter sender. Tinago ko sa box. Sobrang feeling ko ang special kasi ng mga to dahil bihira na nga ang nagawa ng mga to. Nakakatuwa pa din pag nakikita ko tong mga to eh.

***

Grabe lang talaga halos di na kami nagkakakitaan. Si Best kahit classmate ko eh tuwing break bigla nalang tatakbo pupunta daw ng meeting o kaya magkikita sila ni Nico. Ni isa sa kanila wala na ko mahagilap pati si Kuya. Ano ba naman to o. Nakakalungkot naman. Parang napakadull tuloy ng araw lagi. Pumunta nalang ako ng Library tutal maya maya pa naman klase ko napaaga lang ako ng pasok kase wala rin naman akong makausap. Medyo naaaliw nako sa binabasa ko ng mapatingin ako sa relo ko.

"HALA" Ayyyy napalakas pala. "hehe. Sorry po" Tapos nagpeace sign pa ko sa mga tao at sa Librarian. Grabe 20 pala ngayon as in NOVEMBER 20. AS IN BIRTHDAY KO. Tapos ni isa wala man lang pumansin sakin kanina sa apartment ano ba yun. Well, kung sabagay ako nga e dko namalayan. Ako na tong may birthday. Sila pa kaya. Nagcheck ako ng cellphone ko tapos may message galing kina mama. Ayun binati ako. Mga classmates nung highschool na kaclose ko binati din ako pero ni isa walang galing sa barkada. Mga gms lang nila. Sa isip isip ko kinakantahan ko nalang sarili ko ng Happy Birthday Song.

Ang boring ng araw malamang mga classmates ko ngayon pagkauwi palang nila malalaman na birthday ko yun pa e kung magbubukas sila ng FB. Ano ba naman yan nakakalungkot. Di ko feel ngayong araw. Grabe lang buhay ko o.

"Oy, bat nakabusangot ka dyan? Mapansin ka dyan ni Maam eh" Biglang bulong naman nitong si Adrian sakin. 

"Wala lang nakakalungkot na walang nakakaalala sakin."

"Ang drama mo naman. Sus."

"Di naman kase ganon yun eh. Birthday ko kaya."

"HALA! O siya ganto nalangpara di ka malungkot sasamahan nalang kita buong araw. Ikaw bahala san mo gusto pumunta." Medyo napalakas yung hala niya kaya napatingin buong klase samin. 

"Sorry po maam may kumagat lang na insekto kay Adrian." Sabi ko nalang. At tumango kay Adrian somehow atleast may makakasama ko. :D

Pag break time siya kasama ko. Yung mga kabarkada ko is nowhere to be found eh. Ayun enjoy naman kasama si Adrian. Ang kulit lang eh. Kahit papaano nakalimutan ko yung fact na nakalimutan nila birthday ko. Pero malay ko din baka may pakulo sila na ewan. We'll see. After nun nagpasama ako kay Adrian sa SM nung uwian na wala lang para mag enjoy. Pumunta kaming National Bookstore. Bumili ako ng pang scrapbook tapos inaya ko siya na magpapicture kami sa booth. Trip ko lang remembrance ba. Tapos nagtataka ko sa kanya patingin tingin siya sa relo nya kanina pa.

A/N: Picture ni Adrian at Ayes sa side.

"Oyy, kelangan mo na bang umuwi?" Sabi ko sa kanya nung naglalakad kami papunta sa Fruitas. Gusto ko kase may iniinom habang pauwi na.

"Di sige hahatid muna kita sa inyo para alam kong safe ka."

"Achuchu. Sige tara bili muna tayo shake ha."

"Uyyy thankyou talaga sa pagsama. Super naappreciate ko ng bonggang bongga. Ingats pag uwi ha." Nasa may pinto na ko nun pero nagtataka kong di pa siya naalis.

"Sige pasok ka muna." Edi ako si bukas naman ng pinto.

"HAPPY BIRTHDAY AYESHA!!!!" Nagulat ako as in pagbukas ko ng pinto ayun sumalubong sakin. May banner pa sila tapos pagtingin ko sa likod si Adrian nilagay nalang yung kamay sa likod ng ulo niya. So all this time planado nila lahat to. Infairness nasurprise ako. Di ko ineexpect n kasabwat pati si Adrian. Ayun kumanta sila ng happy birthday song nakisali na din si Adrian. Nakakaoverwhelm grabeee.

"Bat andito yan?" Narinig kong sabi ni Kyle kay Ayin ng mahina pero narinig ko.

"Syempre kasabwat ko yan eh diba Adrian?" Tumango naman si Adrian tapos ayun pumasok na kaming lahat sa loob.

Less Than ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon