V e n i c e
"Hahahaha. Tangina pre, ayaw mo pa ba hiwalayan ‘yun? Tang ina nagmumukha ‘yung yaya pag dumidikit sa'yo tapos sinasabing girlfriend mo siya eh hahahahaha," narinig ko ang pag-uusap ng barkada ni Kenneth sa kanya. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. Ilang beses na ba 'to? Ilang beses ko na bang narinig 'to?
"Hiniwalayan ko na ‘yun. Pero fuck, ayaw niya pumayag. Sabi niya pa “dalawang tao ang bumubuo ng isang relasyon, kaya kailangan dalawang tao din ang magdedesisyon” para namang may pake ako ‘di ba? Tangina lang talaga." du'n na ko napayuko. Naalala ko kasi na sinabi ko ‘yun sa kanya at pinagtawanan niya ako.
"Baka naman kasi gusto mo na din siya p're?" sabay halakhak ng mga kaibigan niya. Nandito sila sa office ni Kenneth habang ako nakatayo dito sa tapat ng pinto at nakikinig. Buti nga walang tao eh, mukha na kasi akong tanga dito eh. Ay hindi pala mukha, tanga nga pala talaga ako.
"Gago ka ba? Anong magugustuhan ko do'n? Yaya lang turing ko do'n. Yaya, katulong, chimay, P.A, assistant. ‘Wag ka nga magbiro ng ganyan. Nakakasuka eh." sagot ni Kenneth kaya napayuko ako at tumulo na ang luha ko. Ang sakit pala kahit ilang beses mo ng narinig.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Kenneth na hindi ako makakapunta sa office niya kahit nandito na ako sa tapat dahil gusto ko na lang umiyak. Narinig kong tumunog ang cellphone ni Kenneth sa loob, siguro narecieve niya na ‘yung message.
"Tss. Kapal talaga ng mukha, wala naman akong pake kahit pumunta pa siya eh. Si Sophia ang kasama kong magla-lunch at hindi siya kahit pa pumunta siya." rinig kong sabi ni Kenneth at napa-oooh naman ang kaibigan niya na parang nakakamangha ang sinabi ni Kenneth.
Umalis na ako ng marinig ang mga iyon at sumakay ng elevator. Ilang beses ko ng narinig 'yon pero ang sakit pa din. Oo, alam ko na dapat bumitaw na 'ko pero hindi ko kaya eh. Ang hirap eh. Kahit na niligawan lang naman niya ako noon dahil sa pustahan nila. Oo, dare lang 'yon. Dare lang nila na ligawan ako at pasagutin. Ang sakit. Kasi palabas lang pala lahat. Ang sakit. Sobra.
K e n n e t h
"Hahahahaha. Grabe talaga si Venice 'no? Potek tatlong taon ng pinanindigan ang pagiging girlfriend sayo!" sabi ni Mike kaya natawa na lang din ako.
Ewan ko ba, natatawa talaga ako na naaawa sa kanya. Ayaw pa kasi akong iwan parang tanga. Di ko naman siya kailangan. Martyr ang pota. Nagtext siya kanina sa'ken, sabi niya sorry daw dahil di siya makakapunta sa lunch namin together na siya lang naman ang nag-set dahil may emergency. Baka naman may pake ako, ‘di ba? Bwisit. Magpapalit na nga ako ng number.
"Oh? Bakit nakabusangot ka diyan?" tanong ni Mike nung mapansing nakasimangot ako.
"Tss. Nalaman na naman kasi ni Venice number ko. Ayoko na ngang manggugulo 'yon sa inbox ko eh." naiiritang sagot ko at tinawag si Chloe. 'Yung secretary ko.
"Yes sir?" tanong niya saka lumapit.
"Get me a new number. 'Yung hindi malalaman ni Venice." sabi ko at nakita kong kumunot ang noo niya.
"Eh Sir? Pumunta po kanina si Ma'm Venice dito." nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinahalata.
"Wala akong pake. Basta gawin mo 'yung inuutos ko. Now, leave." sabi ko sa kanya.
Hindi kaya narinig ni Venice 'yung pinag-usapan namin? Well, that's good to know. Para naman malaman niyang wala akong pake sa kanya. Na N E V E R akong nagkaro'n ng pakealam sa kanya.
Ilang minuto pa ang lumipas at bumukas ulit ang pinto ng office. Pagtingin ko, I saw Sophia Garcia. My girlfriend and 1st anniversary na namin ngayon. Yeah, one year na kami. About Venice? Yes. Three years kami sa pagkakaalam niya but for me it was just one month. Hindi ko din alam kung alam niya na girlfriend ko s Sophia pero the hell I care kahit malaman pa niya.
"Hello honey," aniya Sophia at hinalikan ako sa pisngi. Niyakap ko naman siya.
"Ehem." napalingon kaming dalawa ni Sophia at nakita si Mike na ang sama ng tingin sa'min.
"Oh? Bakit ka ganyan makatingin, Mike?" sita ni Sophia kaya natawa na lang ako.
"Nakakaasiwa kasi kayo. Ge, alis na ko." sagot naman ni Mike at lumabas na.
"So let's lunch together babe?" sabi ni Sophia sabay lingkis ng braso niya sa'kin. I looked at her angelic face. I really love this woman. I know that.
"Where do you want to have lunch?" tanong ko sa kanya.
"Uhm, I want some seafood." nakangiting sabi niya pa.
"Great. I know one restaurant with best seafood dishes," sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
Sa tatlong taon na palagi akong kinukulit ni Venice, wala akong maramdaman kundi irita. Hindi ko nga 'yun hinawakan kahit nung nililigawan ko pa siya eh. Niligawan ko lang naman siya dahil sa dare at pustahan naming magto-tropa. 'Nung nililigawan ko 'yun hanggang ngayon sa tuwing masasanggi ko siya or magkakadikit kami nakakaramdam ako ng kuryente kaya bwisit na bwisit ako sa kanya. Tangina lang kasi.
"Hon, are you listening?" napatingin ako kay Sophia na nakasimangot. Siguro nagkukwento siya.
"Sorry, hon. What's that again?" tanong ko pa sa kanya saka ngumiti.
"Wala. Iniisip mo siguro si Venice 'no?" tanong niya kaya napasimangot ako.
"Hon naman. Pinagseselosan mo ba 'yun? Wala naman akong pake do'n eh." sincere na sabi ko.
"Sorry Hon. Kailan ba kasi lalayo 'yun sayo? Nakakairita ang presence niya ah. Du'n pa talaga siya sa unit na katapat ng unit mo." Sabay irap ni Sophia kaya natawa ako then I gave her a quick kiss on the lips.
"Hmp! Pasalamat ka love kita!" sabi ni Sophia.
"I love you, too." sabi ko sa kanya at natawa na lang kami.
I really love this girl. Mabait siya, maganda, sweet, matalino, masipag. Full package na siya. Perfect na kumbaga.
Walang-wala si Venice sa kanya.
BINABASA MO ANG
When I Was Her Boyfriend
General FictionLoving Kenneth Anderson was not Venice's will in the first place. Pero sino nga bang hindi mahuhulog sa isang Kenneth Anderson? Entering into a relationship should give you a reason to smile, but for Venice, entering into a relationship will just ma...