V e n i c e
"Thank you again, Kaye." pagpapasalamat ko kay Kaye dahil sa pagpapatuloy niya sa'kin. Uuwi na ko ngayon para magpahinga.
"Sure kang ayaw mo magpahatid?" tanong ni Kaye kaya napangiti ako.
"Yiiieeee, concern sa'kin ang bestfriend ko." tukso ko sa kanya kaya naman napangiwi siya at inirapan ako.
"Ew. Naaawa lang ako sa sasakyan mo pauwi dahil baka ma-flat, taba mo na kaya. Kain lang kasi, ‘wag lamon." sabay ngisi niya at sinara ang pinto ng unit niya dahil babatukan ko siya. Kabwisit eh! Lagi na lang niya akong sinasabihang mataba samantalang ang sexy ko kaya!
8:30 pm na ng makarating ako sa building kung nasaan ang condo unit ko at condo unit ni Kenneth. Yes, binili ko ang condo unit sa tapat niya. I don't know why. Basta gusto kong gawin.
Sumakay na 'ko ng elevator pero hindi ito sumara agad dahil may pumigil.
"Bryan?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Venice? Buti naman at nakita na kita. I was about to go into your unit." nakangiting sabi niya saka tumabi sa'kin.
"Err, why?" nagtatakang tanong ko..
"Because I missed you! And lilipad na din ako to Japan next week, and I'll stay there for good. Pwede ba 'ko dito mag-overnight?" masayang tanong niya kaya napatawa na lang ako at tumango.
Bryan is my cousin sa father side and kaedad ko lang din siya—24 years old. Nakwento niya sa'kin na sa Japan na siya magtatrabaho and du'n na din siya mag-stay. Masayahin si Bryan and close na kami ever since. He's my bestfriend, my kuya and a father for me.
Paglabas namin ng elevator ni Bryan ay sakto namang lumabas din sa unit niya si Kenneth na nakangiti. Nawala ang ngiti nito ng makita ako at nilagpasan kami. Hays.
Babatiin ko sana siya kaso biglang umakbay sa'kin si Bryan.
"Tara na. Where's your unit?" tanong ni Bryan at itinuro ko naman sa kanya ang unit ko. Nauna akong maglakad papuntang unit ko habang nakasunod naman si Bryan sa akin.
"Hay sa wakas. Nakapagpahinga rin. May beer ka ba diyan?" nakangising sabi ni Bryan kaya naman napakunot ang noo ko.
"Bakit? Iinom ka? Aalis din ako bukas ng maaga, kailangan ako sa kompanya. Walang mag-aasikaso sayo dito," sabi ko sa kanya at umupo sa sofa. Hay. Nakakapagod na araw.
"Dali na. Minsan lang naman ako dito, eh." Pangungulit pa ni Bryan.
"Ayoko."
"Please?"
"Ayoko nga sabi."
"Pleaseee?"
"Ang kulit mo. Papalayasin kita, eh." Banta ko sa kanya.
"Ano ba ‘yaaaaaan." pag-angal niya pa kaya natawa na lang ako. Parang bata eh.
—•–•-•–•—
“Oh ano? Kaya mo pa ba?! Taena, weak ka pala eh!” sabi ko kay Bryan at nilagyan ng alak ang shot glass niya.
"Anong weak?! Shinong weak! Ilabash ninyo ‘yung weak! *hik* " sagot naman ni Bryan sakin sabay tungga ng alak.
Kanina pa kami nag-iinuman ni Bryan dito at hindi ko alam kung nakakailang bote na ba kami. Basta ang alam ko, umiinom kami.
"Weak ka, Bryeeen! Ang dali *hik* mong malashing!" sabi ko at natawa sa kanya.
"Ikaw ang weak! Hindi mo *hik* magawang iwanan *hik* ‘yung taong wala namang *hik* pake sayo!" sabi niya pa at kinuha na ang isang bote ng alak at du'n na tumungga. Kinuha ko din ‘yung isa pang bote na wala pang bawas at binuksan saka tinungga.
BINABASA MO ANG
When I Was Her Boyfriend
General FictionLoving Kenneth Anderson was not Venice's will in the first place. Pero sino nga bang hindi mahuhulog sa isang Kenneth Anderson? Entering into a relationship should give you a reason to smile, but for Venice, entering into a relationship will just ma...