V e n i c e
Nandito na ako ngayon sa Cebu at kinukuhanan ng litrato lahat ng makikita kong dapat kuhanan. Mapapanganga ka talaga sa sobrang pagkamangha sa Cebu. Dapat nga talagang Queen City.
Tapos na ang meeting ko sa Bohol at agad akong dumiretso dito sa Cebu. Hindi ko actually alam kung saan ko pupunta. Nagtatanong-tanong na lang ako kay pareng google at sa mga nakakasalubong ko, at ang bait naman nila dahil hindi nila ako sinusungitan.
"Wow." Hindi ko na naman mapigil ang sarili kong ngumanga sa nakita.
Kung hindi ako nagkakamali ay 'yan daw ang Taoist Temple? Aish. Basta shems, ang ganda. Feeling ko nasa ibang bansa na ako. Ang galing.
Napatigil ako sa pagkamangha ng maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko. At tumatawag si Mudra!
"Hello, Ma?"
"Hello Ven? Ano nakarating ka na ba?" Imbis na boses ni Mama ay boses ni ate Vero ang narinig ko.
"Oo, ate Vero. Grabe ang ganda dito. Super. Feeling ko nasa heaven na 'ko. Kung ganito kaganda ang heaven, pwede bang mamatay na 'ko?" biro ko sa kanya.
"‘Di pwede, tungek. Pasalubong namin ah. 'Tsaka mo na isipin 'yang pakamatay-pakamatay chuchu na 'yan," bwisit. 'Di man lang ako kamustahin. 'Yung pasalubong agad.
"Leche! 'Di mo nga ako kinamusta eh!" singhal ko at tinawanan lang niya ako.
"Bakit pa kita kakamustahin, eh alam ko namang hindi ka okay? Na alam ko namang pumunta ka diyan para malimutan 'yung nararamdaman mo. Duh. Taray ng pagmo-move on ah, kailangan lumayo talaga."
"Atleast dito hindi niya ako masusundan."
"‘Wag mo nga 'kong niloloko, Venice Ann Burgos. Alam naman natin na deep inside ay nag-e-expect ka na puntahan ka niya. Gaga," natigilan ako sa sinabi niya dahil... totoo.
Oo, simula ng dumating ako dito si Kenneth ang una kong naisip. Iniisip ko kung 'pinuntahan niya kaya ako sa office?' 'May balak kaya siyang mag-sorry?' At kung anu-ano pang bagay na magbibigay sa'kin ng katiting na pag-asa.
"Oh? Natahimik ka? Kasi totoo. Ven, kahit gigil na gigil ako sa katangahan mo ayaw ko pa ding may ibang mananakit sayo bukod sa'kin. ‘Wag na tanga."
"Leche. Napaka-sweet mo talaga," sarcastic na sabi ko sa kanya.
"Yeah right. Oh siya, i-e-end ko na 'yung call, tinatawag na 'ko ni Mama para kumain."
"Sige. Paki-kamusta na lang din ako kay Mama. Bye." End with that I ended the call.
'Bakit pa kita kakamustahin, eh alam ko namang hindi ka okay?' Naalala ko ang sinabi ni ate kanina. Si ate Vero kasi ay parang bestfriend ko na din. Kilalang-kilala na niya ako. Hindi rin naman kami nagkakailangan dahil hindi magkalayo ang edad namin. I am 24 at 27 naman siya.
"Ay sorry po." sabi ng babaeng nakabunggo sa'kin kaya naman nabitawan ko ang mga gamit ko. Tinulungan naman niya ako sa pagpulot ng gamit at mga bag ko. Tama, MGA bag. Eh hindi pa kasi ako nakakapagcheck-in sa isang hotel dahil naglibot ako kaagad dito sa Cebu.
Napansin kong nakayuko pa din ang babae at tila natataranta, nang lalapitan ko na sana siya ay bigla siyang tumakbo palayo. Weird.
At mas may ikaka-weird pa yata ang araw na 'to dahil I saw Kenneth. Tumatakbo palapit sa'kin habang nakangiti at tinatawag ako.
Oh God, lasing na naman ba ako? Hindi naman ako uminom kanina, ah.
~•~•~•~
BINABASA MO ANG
When I Was Her Boyfriend
General FictionLoving Kenneth Anderson was not Venice's will in the first place. Pero sino nga bang hindi mahuhulog sa isang Kenneth Anderson? Entering into a relationship should give you a reason to smile, but for Venice, entering into a relationship will just ma...