• C h a p t e r 6 •

36 4 4
                                    

V e n i c e

♪ There are times when I just want to look at your face, with the stars on the night
There are times when I just want to feel your embrace, in the cold of the night ♪

Napapikit ako ng mariin ng marinig ang music na pinapatugtog ng batang katabi ko. Kainis, bakit kasi hindi na lang mag-headset?!

I just can't believe that you are mine now. . . ♪

I just can't believe that you were mine that time, Kenneth.

"♪ Ako'y alipin mo kahit hindi batid, aaminin ko minsan ako'y manhid. Sana ay iyong naririnig, sayong yakap ako'y nasasabik...♪"

"♪ ... 'pagkat ikaw lang ang nais makatabi, malamig man o mainit ang gabi... Nais ko sanang iparating, na ikaw lamang ang siyang aking... iibigin♪" nakangiting kanta ni Kenneth sa'kin.

Isang buwan na siyang nanliligaw. Nandito kami ngayon sa garden niya kung saan niya ako ginamot noon at nakaupo kami sa damuhan. Ang sarap sa feeling na kasama siya.

"Wow, ang galing mo naman. Lalo na maggitara, panigurado ang daming magkakagusto niyan sayo,"  pabirong sabi ko pero tumingin lang siya sa'kin ng seryoso at ngumiti.

"Wala naman akong pake kung magkagusto pa sila, eh. Ikaw lang naman ang gusto kong girlfriend... Ikaw lang naman may ayaw sa'kin eh," nagbiro din siya pero hindi nakatakas sa mata ko na lumungkot ang mata niya.


Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob. This is the day. Ayoko ng patagalin pa. I want him to be mine— officially.

"I want you to be my boyfriend, Kenneth." nahihiyang sabi ko. Shit. Nakakahiya pala 'pag sasagutin mo na ang manliligaw mo 'no?


"Y- You want me to be your boyfriend?!" gulat na tanong niya pero mahahalata mo ang saya.

"Y-yes." at ngumiti ako sa kanya. Nagulat na lang ako ng yakapin niya ako at magtatalon siya saka sumigaw.

"H-huy ano ka ba, easy lang." natatawang saad ko sa kanya.

"Wala ng bawian yan ah?! Boyfriend mo na 'ko at girlfriend na kita. Mawawala ka lang sa pagiging girlfriend ko, once na — "

"Once na nagbreak tayo?" tanong ko at umiwas ng tingin. Bakit naman kasi 'yun agad eh kakasagot ko pa lang sa kanya, syempre once na nagbreak kami, hindi na niya ko girlfriend, ouch.

"No. Patapusin mo muna kasi, nag-iisip ka kaagad ng kung anu-ano eh. What I'm saying is mawawala ka lang sa pagiging girlfriend ko once na maging asawa na kita. Always remember that, ok?" nakangiti pero seryosong sabi niya at tiningnan ako sa mata.

"Grabe, asawa agad?" natatawang tanong ko sa kanya kaya napasimangot siya.

"Eh bakit ba? Kung pwede nga lang kita pakasalan ngayon, ginawa ko na eh."  nakasimangot na sabi niya na parang pinagalitan na bata. Ang cute mo Kenneth. Bakit ganu'n?

"Oo na po."  nakangiting sabi ko at kinurot ang pisngi niya.

"I'm sorry." sabi niya kaya nagtaka ako.

"Ha? Bakit?"

"Sa isang relasyon, hindi n'yo maiiwasang magkasakitan kahit pa sobra ninyong iwasan. Ven, I'm sorry. Sorry kung may magagawa man ako soon na makakasakit sayo. I'm sorry. Ngayon pa lang, magsosorry na 'ko. Remember hindi ko gusto 'yon. I've never been inlove on anyone except on you. Hay. I'll try my best to be the best boyfriend for you. Maybe sooner or later, magkakaro'n tayo ng tampuhan and I want you to break up with me, and when that happen... I want you to block me and turn off your phone immediately. Because I can't control my own temper."

When I Was Her BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon