• C h a p t e r 2 •

58 4 14
                                    

V e n i c e

"Ano ba naman kasing katangahan ‘yan Ven? Puro ka iyak! 'Di mo naman magawang iwan! Eh halata namang walang pake sa'yo yan 'di ba?! May bagong girlfriend pa yang bwisit na yan!" bulyaw sa'kin ni Kaye. Nandito ako ngayon sa condo niya at umiiyak ako for the nth time dahil kay Kenneth.

"I can't, Kaye. I love Kenneth so much that ----" naputol ang sasabihin ko dahil si Kaye ang nagtuloy nito.

"That you are letting him to hurt you emotionally. Hindi ‘yan pagmamahal, Ven! Katangahan ‘yan! Katangahan! Do you know what really love is? Love should make someone smile and it should be worth it of tears. If it's not? Then it's not love afterall. Love should make you feel complete, not the other way around!" sigaw niya pa kaya napaiwas ako ng tingin. Bakit nga ba? Bakit nga ba hindi ako makabitaw-bitaw kay Kenneth kahit three years ago na mula ng ligawan niya ako at pustahan pa ‘yung panliligaw na 'yon.

"But... I don't know Kaye. Alam mo ‘yon? Kahit nasasaktan ako, gusto ko pa din magtake ng risk na baka someday, someday makikita niya din ang halaga ko. Nasasaktan ako pero umaasa pa din ako. Siguro nga katangahan 'to, pero anong magagawa ko? Hindi mawala eh. Hindi mawala..." napayuko ako at tumulo ulit ang luha ko. "...Akala mo ba hindi ko sinubukan na alisin 'tong nararamdaman ko? Ilang beses kong sinubukan! Tatlong taon ko ng sinusubukan. Ang sakit makita siyang may kasamang iba. Ang sakit makita ng dalawa mong mata na masaya siya sa iba. Ang sakit marinig mula mismo sa kanya na wala siyang pake sayo. Pero alam mo ‘yung pinakamasakit? ‘Yun yung nararamdaman, nakikita at naririnig ng puso ko na kailanman, hindi niya ako mamahalin pabalik. ‘Yung kahit di siya magsalita, naririnig ng puso ko. Ang sakit, Kaye. Sobra..." sabi ko at muling tumulo ang luha ko. Niyakap ako ni Kaye at yumakap naman ako pabalik sa kanya. Gusto ko na sumuko kaso 'pag nakikita ko siya nagiging tanga na naman ako.

—•–•-•–•—

Nagising ako na namumugto ang mga mata. Anong oras na ba? 7:30 pm na pala. Hay. Nakatulog na naman ako kakaiyak. Ilang beses na ba 'tong nangyari?

Tapos ‘yung panaginip ko pa, sana talaga hindi na lang ako nagising. Sana talaga. Napangiti na lang ako ng mapakla dahil sa naisip ko at sa memories na bumalik sa isip ko.

"Ano ba 'yan Venice! Mukha kang manang! Bakit ba andito ka?! Bakit tinatanggap ‘yung panget mong mukha dito!?"

"Kaya nga! Tapos ang landi mo pa! Ang lakas ng loob mong lapitan si Kenneth Anderson eh ang panget mo naman!" sigaw pa ulit sa'kin ng isang babae at sinabunutan nila ako at sinampal. Ang sakit. Hindi ako makalaban dahil dalawa sila, isa lang ako.

"What the hell are you two doing with her?!" sigaw ng isang lalaki at kahit na nanglalabo ang mata ko nakita kong si Kenneth ito. Galit na galit ang mukha niya at nakayukom ang kamao habang nakatingin sa mga babaeng nananabunot at nananampal sa akin. Nang magtama ang paningin namin ay nawala ang galit sa mukha niya at napalitan iyon ng lungkot at awa.

"T-Tinuturuan lang namin siya ng leksyon niya, Kenneth!" sabi ng babae at binitawan ang buhok ko.

"Damn you! Bakit mo siya tuturuan, teacher ka ba?! 'Pag 'yan nagkaro'n ng pasa, ayoko ng makita ang pagmumukha ninyo dito!!" sigaw ni Kenneth at natakot naman ang dalawa kaya dali-dali itong umalis.

"Hey, hey. I'm here now. How's your feeling?" Punong-puno ng pag-aalala ang boses na tanong ni Kenneth sa akin. Hindi ako makasagot dahil feeling ko hinang-hina ako.

"Tss. Fuckin’ stupid me. I know you're not ok."  singhal niya sa sarili niya at binuhat ako ng pa-bridal style.

"What the fuck. Sarado nga pala ang clinic ngayon dahil may sakit si Nurse Joy. I'll just bring you into my garden." sabi niya pa ulit. Teka, garden? Garden NIYA?

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nakita na nga kami ng iba pang estudyante at professors pero wala yatang pakealam si Kenneth dahil diretso lang ang tingin niya.

Nang makarating kami sa garden ay dahan-dahan niya akong nilapag sa isang upuan na may unan sa loob ng kubo saka siya nagpaalam na aalis. Pagkabalik niya ay may dala naman na siyang first aid kit.

"Masakit pa ba?" tanong niya habang ginagamot ang mga sugat ko gawa ng  kalmot nung mga bruha. Bwisit sila.

"H-hindi na. S-salamat." mahina, nauutal at nahihiyang sabi ko saka nag-iwas ng tingin.

"No. Don't be thankful. It's my fault anyway. I'm sorry, dahil sa'kin nabully ka pa. Don't worry, ipapakick-out ko ‘yung mga babaeng nang-away sayo," malungkot na sabi niya saka biglang nagalit nung binanggit ang mga babaeng nang-away sa'kin.

"No. Don't do that. Okay naman na ako. It's not your fault, hindi naman ikaw ang nang-away sa'kin." sabi ko saka ngumiti.

"Ahm, Venice? Can I..." tanong niya na parang nahihiya na ewan. Anong Can I?

"Can you ano?" nagtataka kong tanong.

"Can I court you?" nakayukong sabi niya na tila kinakabahan. Shoot. Bakit biglang ang bilis ng tibok ng puso ko? Abnormal ba 'to?

Tsaka teka, seryoso ba siya? Baka naman laro lang 'to ah.

"H-ha?" muli kong tanong.

"C-Can I court you Venice Ann Burgos? I promise, I'll make you happy whenever you're with me. I'll make you smile. And even if you cry, those tears was because of joy. So much joy. Please, give me a chance. Nah. Scratch that. You have to give me a chance, I won't accept no as an answer." Mahabang speech niya at napatulala ako. What the . . . feeling ko namumula ako ngayon.

Nakita ko siyang titig na titig sakin kaya tumango ako sa kanya. Nanlaki ang mata niya at niyakap ako ng mahigpit saka hinalikan sa noo.

"Damn! Promise, hindi ka magsisisi. Thank you, my love." tuwang-tuwa na sabi niya habang nakayakap sa akin.

Akala ko ba Kenneth hindi ako magsisisi? Kenneth, nakalimutan mo na ba lahat ng pinangako mo sa'kin? Ako kasi, hindi eh. Tandang-tanda ko pa din. Sana pala hindi ka na lang nangako. Sabi mo hindi mo ko paiiyakin, eh bakit puro luha na lang ako ngayon?

‘Yung mata mo, bakit sabi nila mahal mo 'ko? Mahal mo ba talaga ako, o umaasa lang ako? Pero kahit ano sa dalawa, hindi ko pa din magawang sumuko. There's something that always pull me into you whenever I think about giving up on you. Why is that, Kenneth? Why?

When I Was Her BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon