*Nasa multimedia ang isang picture ng sikat na resort in Cebu! Hihihihi. Sige. Enjoy reading!<3
-rianonymous♥
———————————
"Ven, wake up. Tumatawag si Kaye." narinig kong tawag sa'kin at inuga-uga pa 'ko kaya naman nagtakip ako ng mukha at sumimangot. Ilang saglit pa ay tumigil na ang pag-uga sa'kin at matutulog na sana ulit ako ng...
"HOY VENICE ANN BURGOS! Punyemas ka, nagpakalayo-layo ka lang isinuko mo na ang bataan?!!" Sigaw sa'kin ni Kaye kaya napabangon ako agad at hinanap ang pinanggagalingan ng boses then nakita ko ang phone ko sa tabi ko at agad ko itong dinampot.
"Hello, Kaye? Good morning!" nakangiting bati ko kahit 'di niya nakikita at humikab. Aish. Antok pa 'ko.
"Anong good sa morning ha?! Hoy babae, kanina pa kita tinatawagan at tapos ang sumagot ay si Kenneth pa! Hoy babae! Akala ko ba move-on ang drama mo?! Eh bakit nandyan 'yan?! Isinuko mo na ba ang bataan?!" Mahabang dada ni Kaye, I mean sigaw. Sa cellphone pa lang 'yan ah. Pa'no pa 'pag sa personal na? Naku po. Wasak ang eardrums. 'Tsaka anong isinuko ang bataan? Napaka-exaggerated talaga mag-isip.
"Anong isinuko ang bataan ka diyan? OA mo talaga kahit kailan." sabi ko sa kanya at napairap sa kawalan.
"Oh eh ano ba kasing ginagawa nyan diyan?! Sabi mo ikaw lang mag-isa, ayaw mo pa nga akong pasamahin eh!" pagta-tantrums niya na parang batang inagawan ng candy.
"Basta. I-e-explain ko na lang pag-uwi ko dyan." sabi ko naman at narinig kong napabuntong hininga siya.
"Hay. Ven, sana maging ayos ka lang dyan. Basta tawagan mo na lang ako kapag sinaktan ka na naman ng gagong 'yan," mahahalata mo ang inis sa boses niya habang nagsasalita kaya natawa na lang ako. Kung makapag-react siya 'kala mo naman siya ang niloko eh, daig pa 'ko.
"Oo. 'Tsaka wala akong plano magpaloko ang balak ko ngayong nandito ako ay magpakasaya at magbakasyon. Gusto ko ng malayo sa stress,"
"Ah, so stress kami ganu'n?" Hindi ko man makita ay paniguradong nakataas na ang kilay niya.
"Wala akong sinabing ganyan, ah. Sayo galing 'yan," inosente kong sagot.
"Tse! Kailangan ko na i-end. Tinatawag na 'ko ni Boss. Tatawagan na lang kita ulit mamaya."
"Oo na. Iintayin ko 'yung tawag mo. Sige, bye."
"‘Oy ‘wag mo isusuko ang bataan ah! Bye!" Bigla niyang in-end ang tawag kaya hinayaan ko na lang. Baliw talaga.
Tumayo na 'ko mula sa kama at naglakad papunta sa sala ng mapatingin ako sa sofa makita kong may kumot na tinupi doon na nakapatong sa unan.
Ah. Dito siya natulog.
"Good morning." napatalon ako ng bahagya ng may magsalita sa likod ko at pagtingin ko, I saw Kenneth, smiling at me.
"Good morning." I've said as I try to act casual in front of him. O-kay. What's with the english speaking, Venice?
"Gutom ka na? Nagpa-order na 'ko. Mag-intay ka lang ng limang minuto." He said at lumapit sa akin kaya napaatras ako.
"A-ano b-ba." saad ko at iniiwasan ang tingin niya pero parang may glue at hindi ko maialis ang paningin ko sa kanya. Sheeems.
"Bakit nauutal ka? Scared of me?" tanong niya gamit ang kanyang boses na ... husky.
What the fuck?! What's with the husky voice?!
Napaatras pa ako ng napaatras habang siya naman ay paabante ng paabante hanggang sa wala na 'kong masandalan. Shit. Corner na ako! What to do?!
BINABASA MO ANG
When I Was Her Boyfriend
Ficción GeneralLoving Kenneth Anderson was not Venice's will in the first place. Pero sino nga bang hindi mahuhulog sa isang Kenneth Anderson? Entering into a relationship should give you a reason to smile, but for Venice, entering into a relationship will just ma...