• C h a p t e r 4 •

42 5 4
                                    

V e n i c e

"I love you so much, my King." sabi ng isang babae sa ahm, boyfriend niya yata? 'Tsaka niya hinawakan ang kamay nito. Pero 'yung boyfriend niya parang wala lang pake. Parang wala lang sa kanya?

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop dahil dito kami nagmeet ng mga business clients ko at kakatapos lang ng appointment namin so I decided na dito muna ako and naabutan ko ang couple na nasa harap ng table ko. Hindi magkatabi 'yung lalaki at babae. Magkatapat sila. At ang seryoso ng usapan nila. Okay, ang bad ko dahil nakikinig ako ng usapan ng may usapan pero I can't stop. Parang may kung anong humahatak sa'kin na makinig ako.

"I love you so much. You know that right? I love you so much to the point na nasa reunion ako with my family that I haven't seen for 10 years of my life ng magtext ka and you were asking me to go into your place dahil nilalagnat ka. Your place was in Laguna and my place that time was in Bulacan. You told me to go there in 30 minutes. Pero ang layo ng Bulacan sa Laguna, kahit pa magpalipad ako ng sasakyan hindi ako aabot. Ginawa ko lahat makarating lang sa Laguna and luckily nakarating ako in one hour..." nakangiting sabi ng babae pero malungkot siya.

"Sinusumbat mo na sa'kin, gano'n? What the fuck, Krizelle! Ano? Sasabihin mo na naman na nakikipag-break ka na?! Sa two years na mag-on tayo ilang milyong beses mo ng sinabi 'yan! Fuck that!" singhal naman nung lalaki kay Krizelle daw. Buti nga konti lang ang tao dito at hindi sila masyadong agaw-eksena.

"Pero natatandaan mo din ba kung anong nadatnan ko nung nando'n na 'ko sa bahay mo? I saw you talking happily with Bianca... my bestfriend." tumingin si Krizelle sa kawalan samantalang bumuntong-hiningan naman 'yung guy.

"Tangina naman Krizelle. Ilang beses ko na bang sinabi sayo na kung bakit siya nando'n is just a coincidence —" naputol ang sasabihin ng lalaki ng biglang magsalita 'yung babae.

"Ilang beses... Ilang beses ko na din kayong nakikitang masaya. Sa t'wing kasama mo 'ko, kausap mo siya sa text or chat. ‘Di ba? Ako na mismo nag-aaya ng date pero tumatanggi ka. Bakit? Dahil kasama mo siya. 'Nung 20th monthsary natin, inaya kita sa seaside dahil gusto kong kasama kang manood ng sunset. Pero tumanggi ka, sabi mo busy ka. Pero I still decided na pupunta ako kahit mag-isa ako. And sobrang naging memorable 'yung araw at lugar na 'yon, kasi du'n ko nalaman na totoo pala lahat ng balita tungkol sayo and sa babae mo na bestfriend ko. Nakita ko kayo do'n nakangiti, masaya. Then you kissed her and greeted her 'Happy 1st Anniversary, Love'..." napaiwas ng tingin ang lalaki at napayuko naman ang babae. Umiiyak na siya.

"Tigilan mo na nga 'ko sa ganyan mo, Krizelle. Stop jumping into conclusions." malamig na tugon ng lalaki.

"I will stop. I'll get out of your life. Wala ng mang-iistorbo sayo, wala ng mangkokontrol sayo. Thank you for everything, Sean." nakangiting sabi ng babae at nagulat naman ang lalaki.

"Don't tell me nakikipagbreak ka na naman? Oh come on, Krizelle. We both know na it happened so many fuckin’ times ----"

"Aalis ako ng bansa. And papakasalan ko ang lalaki na naka-fixed marriage sa'kin. Good bye, Sean." sabi nung babae at tumayo na saka lumabas.

Naiwan naman 'yung lalaki na tulala at hindi yata makapaniwala sa narinig niya. Nagulat na lang ako pagkatingin ko ulit du'n sa Sean ay umiiyak na siya. Mukhang ‘di nga niya alam na umiiyak na siya kasi bigla siyang napahawak sa pisngi niya at nagulat din siya. Hay. Sana, wala kang pagsisihan kuya. Sana talaga.

Matapos ang eksena nila ay nagdesisyon na din akong lumabas ng coffee shop na 'yun. Palabas na sana ako ng biglang pumasok si Kenneth. And he's not alone... He's with Sophia.

"Oh. Hi Venice, right?" nakangiting sabi ni Sophia samantalang nakapoker face naman si Kenneth.

"Yes." simpleng sagot ko at akmang aalis na pero hinawakan ni Sophia ang braso ko.

"Wait, kumain ka na ba? Come and join us. We're about to have a lunch." nakangiting aya ni Sophia. Plastic ampupu.

Tatanggi na sana ako ng magsalita ulit siya.

"Oh my God, sorry. Sorry. You can't join us because it's a lunch DATE nga pala. Sorry, it's for the COUPLE only." sabi niya kaya ngumiti na lang din ako.

"Sorry din. I don't know na may pake pala ako sayo. Hay. Next time bago ka magsalita, pakihanap muna 'yung pake ko." sabi ko sa kanya kaya napairap siya at yumapos sa braso ni Kenneth. Si Kenneth naman ay nakatingin lang pero wala namang ginagawa.

"Hon, he's making war with me. I'm just inviting her eh," OA naman nito. War talaga? 'Pag ako nag-War talaga sa kanya, tingnan natin kung makakapag-english pa siya.

"Stop that, Venice. You're so desperate," sabi naman ni Kenneth kaya nawala ang pagkakunot ng noo ko at napatingin ako sa expressionless niyang mga mata.

Tangina, ako pa? Ako pa desperate?

Hindi ko na sila pinansin pa at dire-diretsong lumabas ng coffee shop na 'yun dahil anytime feeling ko tutulo na ang luha ko.

Shit.

Umurong ang mga nagbabadya kong luha ng kinapa ko ang cellphone ko pero the fuck, wala! Naiwan ko yata du'n sa table ko kanina! Aish! Babalik na naman ako!

Bumalik ako at pagkapasok na pagkapasok ko ay nakita ko si Kenneth na nakupo du'n mismo sa upuan na inupuan ko kanina! Shit! 'Yung phone ko!

Agad akong lumapit sa kanya at mukhang ineexpect na din naman niya dahil ‘di siya nagulat. Wala si Sophia. Baka nasa CR, buwisit na 'yon. I-tae niya sana pati mga intestines niya!

"Have you seen my phone?" kaswal na tanong ko kahit ang lakas-lakas na ng tibok ng puso ko dahil ang lapit niya sakin. Hindi siya sumagot instead ay inabot niya ang cellphone ko. Sakto namang nag-ring ito at pagkatingin ko sa caller's ID I saw the name of Clifford— pinsan ko din.

"Thank you." sabi ko na lang kay Kenneth at lumabas na.

"Hello Cliff—" sinagot ko ang tawag pero naputol din dahil may umagaw ng cellphone sa'kin pagtingin ko, I saw Kenneth. Glaring at me.

"Ide-delete ko lang number ko. Istorbo ka kasi sa'ken. Ang dami mo naman na palang nakakausap na lalaki, bakit nilalandi mo pa 'ko? What a whore. Slut." tiningnan ko siya ng maigi dahil sa sinabi niya. Binalik niya sa'kin ang cellphone ko at akmang aalis na pero pinigilan ko siya.

"W-Wait... what did you call me? S-Slut? For you, I am a slut?" nanginginig ang boses na tanong ko. Please. Please say no... please, sana mali lang ang dinig ko.

"Yes." walang emosyong sagot niya. And I don't know basta kusang lumipad ang palad ko papuntang pisngi niya.

"Enough. Thank you for your honesty anyway. Nice to meet you, Mr. Anderson." sabi ko habang tumutulo ang luha at umalis na sa lugar na 'yon. Malandi? Hindi naman ako ganu'n, alam ko sa sarili ko. Pero 'yung marinig ko 'yon mula sa taong mahal ko? Ang sakit-sakit. Parang kutsilyong diretsong tinusok sa'kin ng wala akong laban.

My heart still wants to fight, while my mind wants to give up.

Sabi nila, sundin mo daw ang puso mo dahil du'n mo daw mararanasan ang totoong saya. Eh, bakit ganito sa'kin? Bakit puro sakit?

"Ate Veronica, tingin mo ano dapat ang sinusunod ng tao? Ang isip o ang puso?"

"Du'n ka sa alam mong masasaktan ka nga, yet makakapagpalaya naman sayo. ‘Wag puro puso. Alin ba mas mataas ang dibdib o ang ulo? 'Di ba 'yung ulo? Kaya nga du'n nilagay 'yung utak kasi minsan may mga pagkakataon na mas dapat gamitin ang utak kaysa puso, mas mataas ang utak kaysa puso. But at the end of the day, na sayo pa din naman ang desisyon, wether to hold on and follow your heart or to let go and follow your mind."

This time, for the first time, I'm going to follow my mind. Tama na siguro ang tatlong taong pagpapakatanga.

When I Was Her BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon