• C h a p t e r 1 2 •

43 3 8
                                    

"Ano ba 'yan." inis na sambit ko habang nakatingin sa bintana habang nakasalalak kami dito sa traffic sa EDSA.

Kainis! Lahat na yata magbabago, pero 'yang bwisit na traffic, hindi na!

"Relax, Ms. Venice, nagugutom na po ba kayo?" natatawang saad ni —

"Ahm, Ms. Venice?" napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Para kasing may nakita akong uhm, black na nasa paligid niya? I don't know. Baka nahihilo lang ako.

Kanina pa kasi kami dito. 4:30 pa lang nandito na kami jusmiyo, 5:30 na! 1 oras na kaming nandito! Sabi ko kasi sa kanya ‘wag dito sa EDSA, du'n kami sa alternate route tutal hindi gano'n ka-traffic do'n pero hindi niya daw alam 'yun kaya um-okay na lang ako na dito dumaan.

"Ah, medyo eh. Ang tagal na kasi nating naiipit dito sa traffic. 5:30 na oh," ani ko at sumimangot. Nagugutom na talaga ako. Hay.

"Ganu'n po ba? Sige po, pupunta muna tayo sa isang restaurant pagkaalis natin dito." aniya saka ngumiti, nung ngumiti siya kinilabutan ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Nako, salamat ah." ngumiti din ako pabalik pero ewan, parang naging creepy 'yung atmosphere. Hay. Ano ba 'yan, weird ko na talaga.

"Welcome po. Bilin po sa'kin, ‘wag kayong gugutumin." saad niya kaya ngumiti na lang ulit ako at binalik ang tingin sa bintana. Hay. Ang tagal naman namin dito. Gusto ko na makita ulit si Kenneth eh. Gusto ko sabihin sa kanya na binibigyan ko na ulit siya ng chance.

Ilang sandali ay buryong-buryo na ako sa wala pa ding usad na kinalalagyan namin kaya naman kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa kaso 'yung earphone ko, nando'n pala sa gilid ng maleta. 'Yung maleta ko nasa backseat, du'n niya nilagay eh.

Kukunin ko na sana ang earphone sa gilid kaya nga lang, may nahulog bigla na parang matigas at kumikinang na bagay. Kukunin ko na sana kaso biglang umusad 'yung traffic kaya napaayos ako ng upo at tumingin sa unahan. Hmm… ano kaya 'yun?

Nakatingin lang ako sa mga dinadaanan namin ng may mapansin ako.

"Ahm, saan tayo papunta?" takang tanong ko dahil hindi ito ang way papunta sa bahay namin or papunta sa office ni Kenneth. And I don't know pero kinilabutan talaga ako ng makita siyang nakangisi pero agad ding nawala ng lingunin niya ako saglit saka tumingin muli sa daan.

"‘Di ba nagugutom ka po? May alam akong restaurant na malapit lang dito," aniya kaya hindi na ako sumagot. Oo nga, nagugutom ako pero bakit parang may kung anong nagwawala sa tiyan ko? At alam kong hindi dahil sa saya 'to... ano ba talagang nangyayari?

—•–•-•–•—

"Nako, Ms. Venice gutom na gutom ka po talaga 'no? Magagalit po sa'kin si Kenneth nito." sabi niya habang kumakain kami.

Nandito kami sa isang japanese restaurant at kasalukuyang kumakain. Maayos naman akong kumakain at malambot naman ang karne kaso, hindi ko maintindihan kung bakit parang gigil na gigil 'tong kasama ko habang hawak 'yung kutsilyo.

"Hayaan mo 'yung damuhong 'yun. 'Tsaka Venice na lang, masyado kang formal," natatawang sabi ko para kahit papano ay mabawasan ang weird na nararamdaman ko.

"Okay, Venice. So tell me, okay na ba kayo ni Kenneth?" nagulat ako at nasamid sa sinabi niya kaya dali-dali kong kinuha ang tubig at ininom iyon. Kanina lang sobrang formal niya na parang boss ako, tapos nung sinabi kong Venice na lang ang itawag sa akin ay naging err, feeling close? Wow.

"Sorry, nagulat ka ba? Curious lang ako," aniya at tinapik-tapik pa ang likod ko.

"Ah, hindi. Ayos lang. Ang laki kasi nung karne na nalunok ko kaya nasamid ako," tugon ko at nagulat ako ng hawakan niya bigla ang kutsilyo at kinuha ang karne na nasa plato.

When I Was Her BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon