• C h a p t e r 5 •

47 6 9
                                    

V e n i c e

"‘Uy teh, bakit tulala ka dyan? Alam kong brokenhearted ka pa din pero iba ngayon ah." aniya Kaye saka sumubo ng sandwich.

Nandito kami ngayon sa office ko and pina-cancel ko lahat ng meeting ko for today. Why? Wala ako sa mood eh. Haynako. Nakakainis lang kasi tinawag akong malandi ni Kenneth and it hurts, pero ang mas nakakainis? 'Yun yung hindi ko kayang magalit sa kanya. Nakakainis talaga.

"Oy, Ven? Ano ba problema mo at buntong-hininga ka ng buntong-hininga? Mukhang ano 'to, ikinaganda mo?" nakangiwing tanong ni Kaye kaya napatingin ako sa kanya.

"Hay. Tama na siguro 'no, Kaye?" sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Anong tama na? 'Tsaka tigil-tigilan mo pag-ngiti, tatampalin na kita eh. Kanina pa 'ko tanong ng tanong kung anong problema," sabi niya sabay irap.

"Tama na siguro 'no? Tama na 'yung pagpapakatanga ko. Tama na 'yung tatlong taon na puro puso 'yung sinusunod ko. Tama na siguro. Nakakapagod pala. Hindi nga nakakapagod ang magmahal, nakakapagod 'yung taong mamahalin mo." nakangiting sabi ko at...

Wala. Walang luhang lumabas. Pagod na din kaya sila? Siguro. Hindi ko alam. Basta alam ko, ayoko na.

"I'm here for you, ok? Whatever happens, I don't care. Tama lang ang desisyon mo, dapat nga dati mo pa ginawa eh. Ano ba nangyari? Nauntog ka ba kanina kaya nagkaganyan ka?" 'Nung una ang sweet ni Kaye, 'nung sumunod nakakabwisit na. Panira moment.

"He..." sasabihin ko pa ba? Magagalit kasi si Kaye eh. Panigurado.

"He what?" taas-kilay na tanong ni Kaye. Shems. Ano gagawin ko? Yari ako nito kaso ito na eh, magagalit naman si Kaye 'pag hindi ko sinabi.

"Tinawag niya akong... slut," napaiwas ako ng tingin at hininaan ang huling salita.

"HE WHAT??!!!!" shet, nakasigaw na. Pa'no na 'to!?

"Wala, Kaye. Kain ka na lang —"

"No! Tara, puntahan natin 'yang tarantado na 'yan! Gago 'yan ah! Walanghiya!" galit na sigaw ni Kaye at hinatak ako palabas ng building saka sinakay sa kotse niya.

"Kaye, 'yung gamit ko nasa office! Saan ba tayo pupunta?!" kabadong sigaw ko sa kanya pero hindi siya sumagot at pinaharurot ang kotse.

Oh God. We're in a B I G trouble.

K e n n e t h

I'm here at my office and kakatapos lang namin mag-lunch ni Sophia. And damn, I'm spacing out earlier ago! I told Venice that she was a slut. Damn! I really want to apologize because, because I just want to! Hindi ko maintindihan, natatataranta ako kanina!

Shit shit shit. Ano bang ginawa ko?! I didn't mean to say those words to Venice! It's just that... Arghhh!! What the hell is happening to me?! Why I am like this?!

"Sir?" dinig kong sabi mula sa pintuan kaya inayos ko ang sarili ko saka kumalma. Shit. Mamaya na 'yung iniisip ko.

"Come in."

"Sir, mag-start na po ang Press Conference ninyo, kayo na lang po ang kulang." Sabi ng secretary ko kaya napatingin ako sa aking wrist watch.

2:00 PM na.

"Okay. I'll be there in 5 minutes." sabi ko at tumayo na. Lumabas si Chloe at inayos ko naman ang  sarili ko.

Tama na muna ang annoying thoughts. Dapat walang panggulo mamaya dahil ang press conference na ito ang mag-aangat sa kompanya.

Lumabas na ako ng office at dumiretso sa conference room. I felt nervous. Bakit? Bakit ako kinakabahan eh, ilang beses na nangyari 'to na nagkaroon ng PressCon dito and ako palagi ang fini-feature? I mean 'yung company pero ako palagi ang humaharap.

When I Was Her BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon