Nakatulala lang ako sa kawalan sabay buntong-hininga. Hay. Pang-ilan na bang buntong-hininga 'yon? 5:30 PM na pero wala pa din akong nagagawang kahit ano.
Tatlong araw na ang lumipas simula ng sabihin sa akin ni Kenneth ang lahat nung nasa park kami.
Pgkatapos namin mag-usap ay nagstay muna ako sa isang coffee shop. Wala na kasi akong maisip na gagawin eh. Ilang oras din ako doon at nag-iisip.
Pagkadating ko naman sa hotel ay wala, wala akong naabutan na Kenneth. Wala na din ang maliit niyang bag na pinaglagyan niya ng mga gamit niya.
Siguro nga umalis na siya, ano 'yun after ng makabagbag-damdamin niyang speech ay lalayasan na niya ako? Hay.
'‘Di ba 'eto naman gusto mo? Anong ineemote-emote mo dyan?' Sigaw ng isip ko pero wala eh. Oo nga, 'eto naman talaga ‘yung gusto ko, pero bakit parang ang lungkot ko? Hay.
"Aish! Ano bang dapat kong gawin!" Sigaw ko at nagpagulong-gulong sa kama. Bukas na ang flight ko pabalik sa Manila. Tinawagan ko na din si Kaye pati sila Mama at sinabing uuwi na 'ko bukas. Tinanong nga nila kung bakit parang ang bilis daw yata ng vacation keme ko, sinabi ko na lang na nabo-bored na 'ko dito, na masyadong plain and boring ang Cebu which is not true. Alam kong ang ganda talaga ng Cebu dahil nakikita 'yon ng dalawa kong mata, ‘di ko lang talaga ma-appreciate dahil wala na ako sa mood.
At dahil wala namang gagawin ay kinuha ko na lang ang laptop ko saka nag-browse ng internet. Pagbalik ko sa kama ay parang may nadaganan ako then I saw my phone kaya inilagay ko na lang iyon sa tabi ko. Kinuha ko ang gitara ko at nagsearch ng video sa youtube. Nang mahanap ay plinay ko din kaagad ang video. The video was When You Say Nothing At All.
I started strumming at sumabay sa video.
♪ It's amazing how you can speak right to my heart
Without saying a word, you can light up the dark ♪♪ Try as they may they could never explain
What I hear when you don't say a word♪♪The smile on your face lets me know that you need me
There's a look in your eyes saying you never leave me
The touch of your hand says you'll catch me, whenever I fall ♪♪You say it best, when you say nothing at all..♪
"Wow. Ang ganda talaga ng boses mo. I love you," napatalon ako ng bahagya at hinanap kung saan nanggagaling ang boses na 'yun. Hindi kaya... minumulto ako?! WAAAAAH!!! TAKOT AKO SA MULTO, SERYOSO! WAAAAAAAAH!!
"Hey, Ven. Still there?" Muling sambit ng boses kaya napatingin ako sa cellphone ko na nasa tabi ko at nakita kong may on-going na tawag mula sa isang unregistered number.
"Hello? Who's this?" tanong ko at parang nag-sigh ang nasa kabilang linya. Instead of answering my question he told me three words that made my heart fly and my butterflies or err uhm, animals on my stomach went wild.
"I love you." After nung huli naming pagkikita sa park, hindi ko na ulit nakita o nakausap pa si Kenneth.
"Kenneth?" Tanong ko kahit obvious naman na.
"Who else are you expecting?" He said with a little bit of irritation?
"Wala. Bakit ka tumawag?" I said, controlling myself not to scream the hell out of me dahil, yes! Kinikilig ako!
BINABASA MO ANG
When I Was Her Boyfriend
Ficción GeneralLoving Kenneth Anderson was not Venice's will in the first place. Pero sino nga bang hindi mahuhulog sa isang Kenneth Anderson? Entering into a relationship should give you a reason to smile, but for Venice, entering into a relationship will just ma...