"Where do you want to go?" Kenneth asked me for the I don't know how many times. Nakaupo kami sa isang bench dito sa isang park na nadaanan namin. 12:30 na ng tanghali pero wala pa din akong nagagawang kahit isa sa bucket list ko. Kainis. Naka-schedule na lahat 'yun eh. Panira talaga 'to.
Kanina nga after magsink-in sa'kin lahat ng sinabi niya, ayun humagalpak ako ng tawa. Napatigil lang ako ng nilabas niya ang passport kasama ang wallet ko. Kinukuha ko nga kanina kaso ayaw niya talaga ibigay at consistent talaga siya na sasama siya sa'kin kaya ang ginawa ko pumunta ako sa CR ng babae nagtagal ako do'n ng mga dalawang oras kaso paglabas ko ando'n pa din siya kaya hala sige, tanghali na pero wala pa din kaming napupuntahan at 'di ko siya iniimik.
"Hey, Ven. I'm asking you where do you want to go?" muli akong napatingin sa kanya saka sumimangot.
"Gusto ko ng umuwi." poker-face na sabi ko.
"Okay. Tara na sa du'n sa hotel." aniya saka tumayo.
"No, Kenneth. Gusto kong umuwi na... sa bahay. Sa Manila." Sincere na sabi ko.
Aaminin ko, gusto ko siyang kasama. Ano pang sense ng pagde-deny 'di ba? Being with him makes my heartbeat so fast, I am happy with him. I really am.
Kaso naisip ko din na kung gusto ko na talaga magmove-on, ititigil ko na 'to. Ayoko na kasing masaktan na naman.
"Wait." Imbis na sumagot siya sa sinabi ko ay nagpaalam siya na aalis saglit. Hinayaan ko na nga lang siya dahil natatakot na 'ko. Natatakot na 'ko na baka 'pag pinigilan ko siyang umalis, at hindi siya pumayag, sasama na ako sa kanya. I will lose my own control, because of my super deep, inevitable fall. Lalim 'di ba? Ganyan talaga 'pag broken-hearted ka.
"Here." Napatingala ako then I saw Kenneth in front of me, holding a cone with ice cream and giving it to me.
Imbis na kunin ay tiningnan ko lang ang ice cream at nagulat ako ng idikit niya ang dulo no'n sa ilong ko! Ayan tuloy, may ice cream na 'ko sa ilong! Ang lagkit pa naman nito!
"Ay sorry, sadya ko 'yun." he said while grinning. Sinamaan ko siya ng tingin saka kinuha ang panyo ko at pinunasan ko na din ang ilong ko. Pagkatapos ay kinuha ko na ang ice cream sa kamay niya at natawa naman siya.
Tahimik kaming kumakain. Minsan magsasalita siya pero hindi ko siya pinapansin kaya siguro nanahimik na lang siya. Nang maubos na ang ice cream namin parehas ay tahimik lang kaming nakatingin sa mga tao sa paligid. Ayokong mapanisan ng laway kaya naman nagsalita na ako.
"Hey," sabay naming sabi kaya nagkatinginan kami.
"Ok. You go first," sabay na naman naming sabi kaya napaiwas naman kami ng tingin.
"I'm sorry." We said in unison for the third time kaya nagkatinginan ulit kami.
"I thought I'll go first?" sabay na naman kami kaya this time natawa na lang kami sa sarili namin.
Ang galing ah, parehas kami ng naiisip. Sana pati nararamdaman eh parehas 'no? Hay.
Magsasalita pa sana ako kaso nga lang tinakpan niya ang bibig ko saka siya nagsalita.
"I'm sorry for ruining your vacation. I just want to be ... Aish. Nevermind. Please, give it a try. Give me a chance. I'll prove myself that I'm worth it. Please, Ven? Please?" mariin akong napapikit dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang lakas na parang lalabas na 'to sa dibdib ko.
"Kenneth, stop this. Will you? Stop giving me those shitty signs to... fall for you even more." I said as I diverted my gaze avoiding his.
"I'm more than willing to catch you when you fall. I'm just asking you to take the risk and give me a chance, that's all."
BINABASA MO ANG
When I Was Her Boyfriend
General FictionLoving Kenneth Anderson was not Venice's will in the first place. Pero sino nga bang hindi mahuhulog sa isang Kenneth Anderson? Entering into a relationship should give you a reason to smile, but for Venice, entering into a relationship will just ma...