Napangiti ako ng malanghap ang sariwang hangin. Ang ganda ng ambiance dito. Ang sarap pumasyal. Siguro ang daming pupunta dito kung hindi lang 'to naging —"‘Uy Ven. Kararating mo lang?" napatingin ako kay Mike at tumango.
"Oo eh, grabe traffic. Dapat kanina pa 'ko nandito eh," saka ako napatingin sa babaeng kasama niya.
"Ganu'n ba? Ay nga pala, Ven this is Mika my girlfriend and Mika this is Ven, a friend of mine." napansin niya sigurong nakatingin ako do'n kaya ipinakilala niya ako. Ngumiti naman si Mika sa'kin kaya nginitian ko na lang din sila.
"Aalis na ba kayo? Sayang naman, ‘di pa tayo nagkasabay." sabi ko sa kanila dahil napansin kong papaalis na sila.
"Ah, oo. Kanina pa kasi kami dito eh. 'Tsaka kailangan na sa work," napatango ako sa sagot ni Mike saka ngumiti.
"Sige. Ingat kayo. Bye Mike, bye Mika!" Ngumiti ako sa kanila at lalampasan na sana sila ng hawakan ako ni Mike sa braso at inilahad ang kamay niya na may hawak na err- Flash Drive at papel na parang lukot-lukot.
"May dala ka naman yatang laptop eh. Pakipanood na lang 'yung nag-iisang video. After mo panoodin, basahin mo 'yung sulat." nakangiti niyang sabi saka ibinigay sa'kin ang Flash Drive at papel at umalis na sila ni Mika.
Pagkaalis nila ay pumunta agad ako sa lugar na kinaroroonan ng lalaking pinakamamahal ko. And there I saw him. Smiling at me. Napakabright ng smile niya na parang masayang-masaya siya na nandito ako.
"Ang pogi mo, bwisit ka. Kainis 'to, naiinlove ako lalo sayo eh." sabi ko pero hindi siya sumagot at nanatiling nakangiti.
"‘Uy alam mo ba nasa mental hospital na si Chloe. Sabi ng mga psychologists, may mental disorder daw ‘yun. Gaga ka kasi eh kukuha ka na nga lang ng secretary ‘yung may topak pa...
"...nasabi din nila mama sa'kin na nung umalis ka pala ng Cebu ay pumunta ka daw sa bahay at inamin mo doon lahat ng kasalanan mo sa'kin. Ikaw ah, ang sweet mo. Ayiiieeeee..." Nakangiting pahayag ko pero kumirot ang puso ko.
"Nasabi din nila na nung araw na umuwi ako galing Cebu, naghahanda pala kayo ng surprise. Dinamay mo pa sila mama. Kaso sayang nga lang dahil hindi natuloy eh." ani ko at binasa ang nakasulat sa lapida.
Kenneth Anderson
April 7, 1989 — June 8, 2017
"Hehe. Isang buwan na pala 'no? Isang buwan na simula ng iwan mo ko... kami. Isang buwan na pala simula nung iligtas mo 'ko sa bruhildang secretary mo na takas pala sa mental 'no?" nakangiting pagka-usap ko sa litrato niyang nakangiti habang inaalala 'yung nangyari, one month ago.
"Akala ninyo matatakasan n'yo ako?! Magsasama-sama tayo sa impyerno! Hahahahaahahah!" sigaw ni Chloe at tinutukan kami ng baril.
"Tumigil ka na, Chloe! ‘Wag mong idamay si Venice sa kahibangan mo!" Sigaw naman ni Kenneth sa kanya at hinawakan pa ang kamay ko.
Sobra akong kinakabahan. Alam kong anytime ay ipuputok niya 'yan.
"Akala ko ba Kenneth wala kang pake sa kanya?! Kenneth, nakalimutan mo na ba?! You've kissed me! You told me you love me!" sigaw ni Chloe at nangilif ang luha niya saka binaba ang kamay na may hawak na baril.
"Pero nakalimutan mo na din ba? Lasing ako nung oras na 'yon! And kahit na lasing ako, tandang-tanda ko ang sinabi ko. That I love you..." sabi ni Kenneth at lumingon sa akin saka nagpatuloy "...Venice."
BINABASA MO ANG
When I Was Her Boyfriend
Aktuelle LiteraturLoving Kenneth Anderson was not Venice's will in the first place. Pero sino nga bang hindi mahuhulog sa isang Kenneth Anderson? Entering into a relationship should give you a reason to smile, but for Venice, entering into a relationship will just ma...