Karagatan ng lumipas na alaala
Ang puso ko'y naka-posas sa karagatan ng ako'y iyong talikuran.
Sa bawat pagtatapos ng agos ng panahon, umaasa nasa bawat luha ng buhay ay may kaunting pag-asa na natitira.
Sa bawat alon ay may nilalaman na lihim, lihim na para bang hindi mo aakalain.
Lihim na paglisan sa piling ng sinta.Paano maipapamalas na karapat-dapat kung nakakulong sa pusod ng karagatan.
Pumalaot upang limutin ang lahat.
Lambat ng bukas ang hawak.
Dagatdagatang mga alaala.Tuning tuning tuning, dinggin ang simpleng hiling.
Binalak na ika'y lisanin ngunit sa animo ng bukang liwayway ay nabighani.
Pinilit muling ibalik ang pag-ibig.
Pinilit muling hagkan ang iyong bisig.
Pinilit muling hawakan ang iyong mga kamay.
Pinilit muling abutin ang mga tala.
Pinilit muling ayusin ang lahat.Ngunit tinapos na ang himig ng linya ng istorya.
Ako'y nilumot sa lugar ng ating tagpuan.
Hanggang kailan matatapos ang luha ng lawa ng karagatan na nararanasan sa mundong ginagalawan?
Hanggang saan nga ba dadalhin ang munting pangarap na natitira?
Hanggang kailan sasabay sa himig ng tubig ng taruktok ng buhay?
Hanggang saan,
Hanggang kailan mananatili ang tulad kong mandaragat?Hindi maabot ng aking mga kamay, datapuwa't subalit sa aking pagluhod umaasa na sana maabot ang mga tala ng kahilingan,
Kahilingan na nais makamtan.Katha ni:
Jomito Casuga
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Mga Tula Na Katha Ni Jomito Casuga
PoetryTitik sa tunay na kaganapan ng buhay. #MalalimNaTaludturan #MalayangTaludturan