Damdamin

15 1 0
                                    

Damdamin

Pagmulat ng aking mga mata,
Naramdaman ko ang damdaming hindi maunawaan,
Damdaming minsan lamang maramdaman o minsan ng naramdaman ngunit ito'y para bang lumisan.

Hanggang tingin nalang ba ito?
Ang damdaming hindi maunawaan?

Pagtatanto sa aking kaisipan.
Ang damdaming hindi maunawaan ay damdaming pag-ibig para sa iyo sinta.

Sa bawat minuto ng sandali ika'y aking naaalala,
Umaasa na sana tayo nalang dalawa.
Ngunit langit ka! Lupa ako!
At para bang hindi sang-ayon ang panahon na ito.

Sa bawat pagtitig sa iyong kagandahan, pakiramdam ko abot ko ang mga tala sa kalangitan.
Nagsusumamo na sana malaman ng araw at ng buwan ang damdamin ko para sa'yo aking sinta.

Katha ni:
Jomito Casuga

Koleksyon Ng Mga Tula Na Katha Ni Jomito CasugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon