Sagwan

28 0 0
                                    

Sagwan

Ang lahat ng mayroon sa mundong ito ay may katapusan.
Ang lahat ng bagay ay may hangganan,
Pero ang pag-ibig ko sayo'y walang hanggan,
Ngunit ito ay binigyan mo ng katapusan.

Ang sabi mo sa akin wala na tayo.
Hanggang dito na lamang tayo.
Hanggang dito na lamang sa puntong tapos na tayo.

Nang marinig ko ang mga talatang iyong binitawan,
Naramdaman ko na ako nalamang pala ang namamangka sa ilog ng ating pagmamahalanan.

Lumalagaspas ang mga luha,
At hindi alam kung paano babangon.
Papaanong babangon sa salitang "Tapos na tayo."

Sinubukan kong isagwan pabalik sa nakaraan ang ating pagmamahalanan, na para bang tanga na humihila ng isang pinto na dapat tinutulak pala.

Muling sumagi sa aking pandinig ang mga titik at letra na 'yong binitawan.
Ang katagang "Tapos na tayo."

Lulan ng isang balsa na walang kasiguraduhan ang kasiyahan,
Digmaan na walang katagumpayan.
Ito ang aking nararamdaman.

Hindi ikaw ang talunan sa pelikulang ito,
Tugon ni Bathala.
Ikaw 'yung tipong mandirigma nahandang suungin ang panganib maabot lang ang mga tala.

Sa panibagong yugto ng 'yong buhay,
Mamangka ka sa ilalim ng karagatan ng mga tala.
Kasabay ng pagsagwan ay paglisan sa poot ng nakaraan,
Patungo sa kalawakan ng kagalakan.

Katha ni:
Jomito Casuga

Koleksyon Ng Mga Tula Na Katha Ni Jomito CasugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon