Esperansa

20 1 0
                                    

Esperansa

Bakit kailangan lumuha ang isang dilag na katulad mo?
Bakit kailangan maranasan ang hapis ng kasiyahan?
Bakit kailangan maramdaman ang lamig ng damdamin ng pagbibigayan na nag-iisa?
Bakit kailangan magluksa sa lawiswis ng unos na dulot ng iyong pag-luha?

Ang mga pangarap na unting-unting binuo sa pamamagitan ng buhangin ng dalampasigan ay naglaho na parang laro lamang.
Ang pangako na mag-sasama ng pang habang buhay ay nagiisa na lamang.

Ang iyong kagandahan ay walang katulad;
Perlas ng silangan ang kagandahan.
Hindi mawari kung bakit iniwan ang himno ng pagmamahalan; itinapon sa rehas ng piitan.
Ang iyong mga ngiti ay kay sarap titigan, ngunit kailangan bang punitin sa saro ng hangin ang makukulay mong mga ngiti?

Sa ilalim ng karagatan na nauukol na buwan,
Malalim ang bawat gabi ng taludtod ng iyong pagtangis.
Sa ilalim ng karagatan ng kalawakan ay nagkukubli ang tunay na kaligayahan.

Masakit piliting ngumiti kahit alam mong paiyak ka na,
Masakit piliting umasa kahit na alam mong wala na siya.
Masakit para sa'yo ang lahat.
Iyan ang mga bagay na kailangan tanggapin; tanggapin ang pagkakamali ng pinaglaanan ng pag-ibig.

Tahan na sa iyong pag-luha,
Namumugto na ang iyong mga mata.
Bumangon at ayusin ang sarili;
H'wag sayangin ang marikit munting esperansa.

Sa panibagong yugto ng iyong buhay maging masaya sa kung anong mayroon ka.
Iwan ang masamang nakaraan at limutin ang lalaking tulad niya.
Huwag sayangin ang panibagong pahina ng bukas, dahil may magmamahal sayo ng wagas pang habang buhay.

Katha ni:
Jomito E. Casuga

Koleksyon Ng Mga Tula Na Katha Ni Jomito CasugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon