Dekada

20 1 0
                                    

Dekada

Sa pagsiyasat sa walang kasiguraduhan, ikaw ang nasilayan.
Sa pagtahak sa makipot na daan ikaw ang tinititigan.

Mawalang galang sa iyo binibining dilag? Kung iyong mamarapatin nais kong hilingin ang iyong pangalan?

Napakasarap paringgan ng iyong pangalan, para bang ako' y dinuduyan sa lawiswis ng kawayan ng hilaga.

Ang iyong kagandahan ay walang katulad.
Ang iyong mga ngiti ay ihahambing sa bituin ng dakong timog.

Isa, dalawa, tatlo,
Siya na nga ba ang nasusulat sa propesiya?

Apat, lima, anim,
Nagdaan ang maraming taon..

Pito, walo, siyam,
Naantala na parang bang bula.

Ika-sampu,
Panaginip na namulat.

Muling ibinaling ang sarili sa panahon na kung saan kita na silayan,
Dekada sisenta.
Muling binalikan ang mundo na kung saan kumurap ang aking mga mata,
Dekada otsyenta.
Muling dinaanan, nilakaran ang mga pagkakataon na kung saan kita nakita,
Dekada nobenta.
Subalit sawi sa paghahanap sa dilag na nakilala.

Dalamput libong labingpitong taon ang aking panahon at hindi ko alam kung narito s'ya sa aking panahon..
Bumalik sa nakaraan upang hanapin ngunit bigo sa oras ng paglalakbay..

Saan kita hahanapin?
Anong panahon ang dapat lakbayin?
Anong oras ang iyong pagdating?

Katha ni:
Jomito E. Casuga

Koleksyon Ng Mga Tula Na Katha Ni Jomito CasugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon