"Pangako"
Nagsusumamo sa pagka-musmos,
Tinig ko iyong dinggin,
Pag-ibig mo lahat ay sa akin,
Dinggin ang simpleng hiling,
Giliw sa ilalim ng bituin.Ako sayo'y nakatingin,
Larawan mo sa'king paningin,
Irog ko ako'y iyong giliw,
Damdamin ko buo sa'yong paningin.
Kumupas, lumipas buo sa'king damdamin.Sa tuwing tatalikuran ng mundong, ginagalawan, dalawang daang beses kitang hahagkan.
Sa bawat pagulan ng luha ng nakaraan, tatlong daang beses kitang mamahalin.
Sa bawat pagdamdam ng panimula ng aking pagmamahal,
Anim na daang beses kitang iibigin.Sa aking paglisan,
Aking sisiyasatin ang iba't ibang libong daigdig at kung kinakailangan buong buhay ko'y ilalaan hanggang sa ikaw ay aking masumpungan....At ako'y maghihintay aking giliw.
Katha ni:
Jomito Casuga
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Mga Tula Na Katha Ni Jomito Casuga
PoetryTitik sa tunay na kaganapan ng buhay. #MalalimNaTaludturan #MalayangTaludturan