"Ang liwanag ng liwayway at Ang kurtina ng pag-lalim ng gabi."

10 0 0
                                    

"Ang liwanag ng liwayway at Ang kurtina ng pag-lalim ng gabi."

Maging tapat 'yan ang nais ng puso.
Maging totoo 'yan ang gusto ng damdamin.
Ngunit paano ko malalaman at paano mararadaman kung tunay nga ba ang kanyang nararamdaman para sa akin?

Kailangan ko pa bang magpakatanga upang lubusang maunawaan na ako'y kanyang ginagawang kasangkapan lamang?
Kailangan ko pa bang hintayin na maubos ang mga ulap sa mga bituin at buwan, na ako'y kanyang panakip-butas lamang?
Kailangan ko pa bang tawirin ang mga nagbabagang uling para lamang maging manhid sa sakit ng pusong nagmamahal?

Lungad ng katotohanan ang nais kong makamtam ngunit paano malilimutan ang naranasan kung ang aking ninanais ay kulang?
Kasalanan ko bang magtagumpay sa roleta ng buhay at bakit iipitin ang pilak ng aking tagumpay?

Dinggin mo ang aking pagsusumamo, sabihin sa akin ang totoo?
Hindi naman tayo pero parang, dahil ang saya, saya, saya...
Ninanais mo ba talaga akong maging parte ng iyong buhay, Oh ninanais mo lamang akong maging bahagi ng munti mong pagtatanghal?
Isang pagtatanghal ang ating ginagawa,
Pagtatanghal ng ako'y iyong kasangkapan lamang,
Nagdurugo ng nagdurugo at mas nadudurog ng nadudurog ang aking puso ng ako'y iyong pinaglalaruan lamang.
Hindi ako isang kasangkapan lamang na gagamitin mo kung kinakailangan. May puso't damdamin akong nasasaktan.

Pinagtapat ko sayo at sa harapan ng langit at ng lupa ang aking nararamdaman, ngunit ito'y iyong binalewala lamang.
Nilahad kung saan nag-umpisa, sinalaysay kung saan nagsimula. Datap'wat bigo sa iyong pag-ibig.

Enero labing-isa dalawampu't libongwalong taon.
Bakit kailangan kong masaktan?
Bakit kailangan kong maranasan ang pagiging balewala?
Bakit kailangan kong maging isang kasangkapan lamang?
Bakit naging bulagbulangan sa katotohanan na pinaglalaruan lamang?
Bakit kailangan kong maramdaman ang pagtangis?
Nasasaktan sa nararamdaman.
Nalulungkot sa nararanasan.
Lumuluha sa sakit ng pinagdadaanan.

Oktubre labing-siyam dalawampu't libongwalong taon.
Panahon ng tag-ani.
Ako'y nagpasya sa aking sarili na ikaw kalimutan ng lubusan sa aking buhay, itatapon ang munting nararamdaman para sa'yo. Ito lamang ang tanging paraan upang tayong dalawa ay lumigaya.
Sa landas na aking tatahakin.
Nais kong maglakbay sa bawat sulok ng daigdig, upang hanapin ang tunay na inaasam sa buhay.
Ang dalangin ng puso ko'y iyong kasiyahan, maraming salamat sa lahat. Paalam matalik na kaibigan.

Katha ni:
Jomito Casuga

Koleksyon Ng Mga Tula Na Katha Ni Jomito CasugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon