Libis ng panahon
Hindi mawari kung anong bagyo ang sasagupain.
Hindi maarok kung anong unos ang hahamakin.Mapulutan mo nawa ng aral ang sakit na naranasan.
Matutong maghintay sa lagda ng buhay.
Huwag mong pangunahan ang Diyos na may kapal.Mas mabuti pang mag-isa, kaysa ikaw naman ay masugatan.
Hindi ko alam kung anong taon ang lilipatan,
Anong panahon ang aking lalakaran.Lumakad sa Kanyang ngalan.
Umayon sa Kanyang kalooban.
Sambit ni Inay.Huwag mong madaliin ang lahat ng bagay dahil hindi nakukuha sa santong dasalan,
Tugon ni Itay.Sa iyong naranasan.
'wag mong pakaisipin na ika'y nagiisa.
Huwag mong ituktok sa iyong bunbunan ang pait ng buhay.
Bagkus, itapon sa agos ng panahon.Ako'y si ako tugon niya.
Hindi kita iiwan ni pababayaan.
Sagot kita, kaya tahan na aking kaibigan.Ako'y narito nag-aabang, nagmamasid, na nanatili sa paligid.
Sapagkat kung kailangan mo ako,
Ako'y hahakbang palabas ng paligid at proprotektahan ano man ay sa akin.Katha ni:
Jomito Casuga
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Mga Tula Na Katha Ni Jomito Casuga
PoetryTitik sa tunay na kaganapan ng buhay. #MalalimNaTaludturan #MalayangTaludturan