Bituin sa Takip-silim

6 0 0
                                    

Bituin sa Takip-silim

Ako ang takip-silim at ikaw ang bituin ito ang tutugunin.

Nais kong ikaw ang aking maging munting bituin sa madilim na nakaraan upang magning-ning ang aking kinabukasan.
Subalit sa digmaan ako'y nagpamalas, ngunit sa'yong harapan ako'y pinalayas.

Hanggang kailan magnanais ng ning-ning mula sa bituin?
Ito ang sigaw ng damdamin.

Malamig ang panahon katulad mo.
Ito ang sambit ng binibining bituin.

Kung iyong mamarapatin binibining bituin ang damdamin?
Malamig man ako sa'yong paningin, ang damdamin ko'y nagnining-ning.

Bituin, busilak ang iyong ning-ning!
'Yan ang tugon ng Ginoong dilim.

Katha ni:
Jomito Casuga

Koleksyon Ng Mga Tula Na Katha Ni Jomito CasugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon