"Plorera"

18 0 0
                                    

"Plorera"

Ikinukumpas ang gulok ng oras sa dakong silangan ng kabilugan ng buwan.
Sa likod ng larawan ay nagkukubli ang katotohanan.
Sa likod ng silo ng mga ulap ay nagtatago ang kasiyahan.
Sa bawat himig at awit ng simoy ng hangin ay inilalarawan ang katotohanan.
Sa bawat sandali at segundo ay nagsisilbing himlayan.

Umaasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan.
Naghihintay sa kasalukuyang hindi puwedeng puntahan.
Nagmamahal sa sariling hindi kayang panindigan.

Plorera ang itawag mo sa akin, ako'y  bahagi ng bahaghari, ngunit isang basag na sisidlan.
Ako'y nagtatago at nagkukubli sa isang katotohanan.
Dalawang daang libong henerasyon kong ikinukubli ang katotohanan sa aking kalagayan.
Ako'y nababalisa at nangangamba sa ano man ang kalalabasan.

Katha ni:
Jomito Casuga

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Koleksyon Ng Mga Tula Na Katha Ni Jomito CasugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon