Banda

12 0 0
                                    

Luzon, Visayas, at Mindanao.
Pinagbuklod buklod upang paghiwa-hiwalayin ng luntiang buhangin.

Muling binubuo upang haranahin ang mundong ginagalawan.

Muling pinagsama-sama sa iisang kadahilanan, upang patugtugin ang baon na instrumento ng bawat isa.

Banda rito, banda doon!
Iyan ang bansag sa amin, na para bang mapanlait na papuri,
Subalit ang hindi nila alam ito ang aming buhay.

Buhay na kailanman ay hindi matatakasan.
Buhay na minsan lang masusumpungan.
Buhay na kailanman ay hindi mananakaw nino man.

Ito ang aking dula,
Banda.

Katha ni:
Jomito E. Casuga

Koleksyon Ng Mga Tula Na Katha Ni Jomito CasugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon