"Hindi mo naman sinabi na ganoong ka-sosyal ang mga parents mo. Hindi tuloy ako nakapag-dinner ng matino dahil sa kahihiyan. Hindi mo ba napansin? The whole time na nandoon ako, wala silang ibang tinignan kundi ako."
Ibinalibag ko na lang ang mga sapatos ko nang makapasok kami sa unit ni Joachim. Sobrang kahihiyan na ang napala ko ngayong araw, hindi ko na yata kaya.
Alam mo yung feeling na gusto mo na lang kainin ka ng lupa dahil sa kahihiyan? 'Yon ang eksaktong naramdaman ko kanina. Ni isa sa kanila ay hindi naka-focus sa pagkain at puro sa akin nakatingin.
"Nagustuhan ka kaya nila," sabi niya. Hindi na ako nagulat dahil nasabi naman iyon ng parents niya kanina. Sana daw ay hindi ako magsawa sa anak nila.
Share ko lang: 'yung anak kaya nila ang nagsawa sa akin.
Pumasok nga sa isip ko na ilaglag si Joachim, e. Pero hindi ko rin naman nagawa. Imagine, paano ko naman sasabihin sa parents niya ng sex slave ako ng anak nila? Kaya ko naman kaya 'yon?
Sinuot ko ulit 'yong damit na hinubad ko kanina nung nag-mall kami. Wala naman akong choice, e.Hindi naman kasi ako nakapagdala ng extra. At hindi rin ako na-inform na dito na agad ako matutulog.
Actually, medyo nagugustuhan ko yung set-up namin ngayon. Gusto ko 'yong ganito lang kami, yung chill kami sa isa't isa. But after all, ang hirap pa rin isipin na sex slave ako ng ex ko.
I like the way we talk, I like everything. Hindi ko lang alam kung magugustuhan ko pa kapag nagawa na namin yung ano-'yong trabaho ko.
Hindi ko din naman kayang tanggihan iyon. Hello? It's almost half a million pesos at wala akong gano'n. Ito na 'yong point na kailangan ko na lang magpatangay at magpadala sa agos. Nagpaubaya na lang ako.
"Saan ako matutulog?" Inosenteng tanong ko nang makapagbihis na ako. Alam kong sa kwarto niya ako matutulog, nagtanong lang ako para atleast alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko.
Nakatayo pa ako sa pintuan ng kwarto habang naghihintay ng isasagot niya. Dumiretso na ako ng pasok nang sumagot siya ng "Dito ka na matulog." habang nakahiga, nakapikit, at nakapatong ang isang braso sa noo.
"So, how's your meeting with my parents? Anong feeling? Anong naramdaman mo? Ako, kinakabahan. Iniisip ko na baka ilaglag mo ako sa harapan ng mga magulang ko. Sa totoo lang, nagisip na ako ng plano kung paano ako magwo-walkout in case na sabihin mo kung ano talaga ang namamagitan sa atin." Dire-diretsong sabi niya.
"Salamat na lang at hindi mo ginawa. Kung sakaling natuloy iyon, baka isang taon akong hindi magpakita sa kanila. Ano kaya ang iisipin nila kapag nalaman nila na yung anak nila na inakala nilang bading ay may sex slave? That would be embarrassing." Paliwanag pa niya habang nakapikit lang at hindi makatingin sa akin.
Natawa ako habang nakatagilid ng higa at pinapanood ang paggalaw ng labi niya habang nagsasalita. Hindi niya alam na pinapanood ko siya kaya diretso oang siyang nagsasalita habang nakapikit pa rin.
"Actually, naisip ko nga na gawin iyon." Matawa-tawa kong sabi. "Nahihiya lang ako sa 'yo dahil baka hanapan mo na naman ako ng 350,000 pesos. Saka marunong naman akong mahiya kahit pa pa'no. And I'm pretty sure I'm not like the other girls you brought there before."
Bumuka ang bibik niya at lumagapak sa kakatawa. Oh, ano na namang nangyayari sa kaniya? Nakalimutan na naman ba niyang uminom ng gamot?
"Masyado kang focused sa pagtitig sa mukha ko the whole time na magkasama tayo kaya hindi mo narinig na sinabi ko na ikaw ang unang babaeng dadalhin ko sa bahay."
Natahimik na lang ako at hindi nakaimik. Tinalikuran ko siya at saka ako pumikit sabay sabi ko sa sarili ko na kumalma. Wala naman akong dapat ikagalit dahil totoo naman na tinititigan ko siya pero putangina.
Kanina, habang tinititigan ko ang mga labi niya, hindi ko alam kung nakangiti ako or naglalaway at sigurado akong nakita niya nga iyon.
"Huwag ka nang tumalikod diyan at mahiya. You're my sex slave. Exclusive sa 'yo 'tong labi at katawan ko kaya pwede mong titigan kahit kailan mo gusto. Saka Evie, tayong dalawa na lang dito. Ano pa bang hinihintay mo?"
Hindi pa rin ako humarap sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon dahil parang nangangatog na ang buong katawan ko dahil sa kaba.
"Huh?" Inosenteng tanong ko sa kanya. "Ano ba'ng gagawin ko?"
Tumawa naman siya. Nakakatakot yung pagtawa niya. Lalo lang tuloy nanaig ang kaba sa katawan ko. Feeling ko ay kahit anong oras ay maaari akong sumabog.
"What do you think sex slaves do?" Sabi niya habang tumatawa pa rin na nagpapula naman ng husto sa pisngi ko.
Fuck! Joachim! Alam kong nasabi ko na magpapaubaya na ako. Pero ayoko na ako ang mag-initiate ng sex. Like for the fuck's sake, hindi ko alam 'yon and I haven't even experienced one.
"Evie," binulong niya bago niya ako kalabitin at iharap sa kanya. Magtatanong pa sana ako ng 'bakit' pero hindi ko na nagawa dahil dali-dali niyang sinunggaban ang labi ko.
Hindi ako gumalaw habang siya naman ay abala sa pag-angkin sa labi ko. Nagisip ako at sinabi ko sa sarili na kailangan kong gawin ito dahil simula pa lang.
Three months namin gagawin ito, and we will do things, thing that will be much harder than this. Gagawin namin iyon gabi-gabi.
'Di ba? Ang hirap isipin na ako, isang babaeng iniwan ng nobyo, ngayon ay binalikan para gawing ganito.
Pumikit ako ng mariin at nagdesisyon. Walang mangyayari kung gaganito lang ako. Pagkadilat ko, tinitigan ko siya at siniil siya ng mas malalalim na halik.
"Joachim," paulit-ulit kong binabanggit ng pabulong ang pangalan niya na parang baliw na baliw ako dito.
"First time pa lang natin, h'wag mong masyadong galingan." sabi niya. "Baka maubusan ka ng kamandag."
Naramdaman ko na ang isang kamay niya na bumaba mula sa leeg ko patungo sa kaliwang dibdib ko. Hindi na ako kumilos dahil pinagbubuti ko ang paghalik ko sa kanya.
Well, magpapatangay na lang din ako sa alon, sasagarin ko na, sasabayan ko na ng masayang paglangoy.
Iyon yung unang gabi na ginawa namin iyon at akala ko kaya ko na, pero hindi pa pala. Akala ko talaga ay tuluyan na akong matatangay pero napabalikwas ako nang maramdaman ko ang kamay niya na gumagapang sa binti ko.
"Joachim!" Nangangatog kong sigaw.
Tumawa lang siya at tumayo sa kama. "I told you, girl. Mauubusan ka ng kamandag. We'll try it next time, but I swear, three months wouldn't be enough."
Kinuha niya ang sando niya na hindi ko man lang namalayan na hinubad niya pala. Sinuot niya iyon at naglakad palabas.
Nahinto siya sa paglalakad ng tanungin ko siya. "Saan ka pupunta?" Nilingon naman niya ako at nginisian.
"Sa labas na ako matutulog, hindi dito." Nginisian niya ulit ako. "Mahirap na at baka..."
"Okay, sige na, labas na."
That's how our first night went. Alam kong na-disappoint ko siya. At alam kong hindi ito ang hinahanap niyang kapalit ng tatlong daan at limampung libo niya.
But still, that night, nakahanap ako ng comfort sa kanya, yung comfort na dati nang meron siya nung panahon sa kanya pa ako at siya'y akin pa.
BINABASA MO ANG
Slavery In His Condo (COMPLETED)
General Fiction[RATED SPG] Reese Evie Mercado lost everything after her Mom's death. Mag-isa na lang siya dahil sanggol pa lang siya nang iwan sila ng ama niya. What's worse? Her boyfriend, Joachim Villamor, broke up with her kaya patong-patong na luha, lungkot, s...