F O U R Y E A R S L A T E R
“Jaxon, dito ka lang!” Sigaw ko kay Jaxon na masayang tumatakbo sa buhanginan. Nasa isang beach kami nung araw na iyon para mag-shoot ng aming prenuptial video.
Nagagalit man ako ay wala na akong nagawa. Sinundan ko na lang si Jaxon patungo sa tabi ng dagat. Hinahayaan ko na lang siya palagi dahil alam kong parte pa iyon ng pagkabata niya. Ayoko naman na masira ang childhood ng anak ko dahil sa pagiging kj ko.
“Babe, malapit na daw yung videographer.” Sabi ni Joachim habang naglalakad papalapit sa akin. “Sa hotel ka na muna, hinihintay ka ng mag-aayos sa ’yo. Ako na lang muna ang magbabantay kay Baby Jaxon,” dagdag pa niya.
Agad naman ako tumulak patungo sa hotel at iniwan ang mag-ama kong masayang naglalaro sa dalampasigan.
“Hi, Beks!” Bati ko sa make up artist na nadatnan ko sa kwarto ko. Kakilala ko siya dahil madalas akong magpaayos sa kanya dati. Sa kanya din ako laging nagpapaayos ng buhok ko.
“Patingin nga ng isusuot mong damit. Titignan ko lang ang kulay para maibagay ko sa make up mo,” sabi niya.
Agad ko naman kinuha yung damit na isusuot ko para ipakita sa kanya. Inilatag ko na lang iyon sa kama matapos niyang makita dahil mayamaya’y susuotin ko rin naman iyon.
He finished my hair and make up after almost an hour. I went down the hotel’s lobby immediately after getting a message from Joachim.Joachim:
Hindi ka pa ba tapos d’yan? The videographer has been waiting here for half an hour already.Hindi na ako nag-abala pang mag-reply. Binilisan ko na lang ang paglalakad para makarating doon nang mas mabilis. Palabas pa lang ako ay natanaw ko na yung videographer. May dalawa siyang kasama. Bumagal naman ang paglalakad ko dahil nahihiya ako.
“Hala, sorry po sa matagal na paghihintay,” hiyang-hiya akong nagsalita nang makalapit ako sa kanila.
“No, it’s okay. Kasama na ang paghihintay dito sa trabaho namin.” Mabait na sagot sa akin ni Ate. Her name is Anna. Nakita ko lang sa Id niya.
After our conversation, we started the filming already. The first scenes were shooted in the seashore and the rest of the footages were shooted in the big rock formations located at the end of the private beach resort. We even went beyond the resort’s property—the residential area—and there were also some scenes shooted there.
We finished the videos for our prenup footage after almost two long hours. Iyong last scene na lang ang kulang para matapos iyon and we will be shooting that in a few minutes. Hinihintay lang namin dumilim ng kaunti para ma-achieve ang silhouette kissing scene na kailangan naming kuhanan ng video.
“3 . . . 2 . . . 1 . . . and we’re done!” Pagputol ni Anna sa kissing scene namin. Nakahinga naman ako ng maluwag nang matapos na iyon. Nakakahingal kaya makipaghalikan sa loob ng dalawampung segundo tapos tatlong retake pa ang ginawa namin.
“Thank you,” halos sabay naming sinabi ni Joachim sa photographer at sa mga kasama niya.
“Ide-deposit ko na mamaya sa account mo yung complete payment namin,” sabi ko. “Kung kayang tapusin ang editing in two weeks or earlier pa ay paki-send sa amin kaagad.”
Matapos naming kumain ng early dinner sa hotel ay nagpaalam na sila kaagad na uuwi na sila dahil malayo-layo pa daw ang biyahe nila. I offered them a room kung saan sila p’wedeng mag-stay dahil nga malayo daw ang uuwian nila pero nagpumilit pa rin silang umuwi kaya pinayagan ko na rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/126736217-288-k392243.jpg)
BINABASA MO ANG
Slavery In His Condo (COMPLETED)
General Fiction[RATED SPG] Reese Evie Mercado lost everything after her Mom's death. Mag-isa na lang siya dahil sanggol pa lang siya nang iwan sila ng ama niya. What's worse? Her boyfriend, Joachim Villamor, broke up with her kaya patong-patong na luha, lungkot, s...