“Ano pa bang gusto mo?” Naiiyak na tanong ni Joachim. He has been like that for a few hours already. “Nag-sorry na ako sa ’yo. We’re already out of the slavery shit. Hindi ba pwedeng tayo na ulit?”
Naaawa ako sa kanya pero natatawa rin ako at the same time. Hindi ko alam basta nakakatawa lang para sa akin ang panoorin siya na nagmamakaawa.
“It’s a no, Joachim.” Paulit-ulit kong pag-reject sa panunuyo niya.
Nilapitan niya ako pero lumayo ako. Hindi na ako sanay na naglalambing siya after all that just happened inside his condo unit. Parang nakalimutan ko na yung feeling na sinusuyo niya ako palagi.
Nang angkang yayakapin niya ako ay napabulong ako sa sarili ko. “Seryoso na kayo ’tong lalaking ’to?” Nako-confuse pa rin ako.
“Ngayon, Evie, NO won’t be accepted anymore.” Matigas niyang sinabi iyon habang hawak ang dalawang kamay ko. Ang mga mata niya ay nakatitig lamang ng diretso sa akin. Ako naman, hangga’t maaari ay naghahanap ng kahit anong bagay na maaaring tingnan makaiwas lamang sa mga titig ni Joachim.
“Tigilan mo nga ’yan, Joachim. Alam mo kahit kailan talaga napaka-corny mo,” matawa-tawa kong sabi habang siya ay hindi pa rin nag-aalis ng tingin sa mga mata ko.
Seryoso lang siya. Tila ba walang kahit anong hindi totoo ang lalabas sa bibig niya kapag nagsalita siya.
Sa kalagitnaan ng aming seryosong titigan ay bigla siyang napangiti. Tila nababaliw na ngiti ang nakita ko sa kanya kagaya nung mga ngiti na lagi kong nakikita sa kanya nung hindi pa kaming dalawa.
“Mukha kang baliw, Joachim,” sabi ko na lang habang pinipigilan ang sarili kong magseryoso.
“This time I’m gonna be sure.” Panimula niya matapos ang mahaba-habang katahimikan. “Mahal kita at mahal mo ako,” sabi niya sabay huminto ng ilang sandali.
“Mahal kita at mahal mo ako. E ’di tayo na,” pagpapatuloy niya.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Hindi iyon ang unang beses na niyakap niya ako pero iba yung yakap niya na ’yon. Iba ang naramdaman ko.
I felt everything. Naramdaman ko lahat ng mga bagay na gusto niyang sabihin sa akin. Naramdaman ko na finally bumalik na kami sa dati.
“I love you, Joachim,” malambing at naiiyak na sabi ko sa kanya habang mahigpit kong siyang niyayakap.
“I love you, too, Evie,” sagot niya pabalik. Damang-dama ko yung feelings dahil sa pagkakasabi niya na ’yon.
There were so many realizations in my life that time. Marami akong natutunan. Marami akong bagay na pinagsisihan. Marami akong kamalian. Marami kaming mga pagkukulang.
Akala ko dati tamang effort lang at sweetness sa jowa ay okay na pero hindi pala. This is not in general pero base sa karanasan ko ay yung tunay na nararamdaman namin ang nagdala sa amin sa dulo. Be consistent. Dapat sigurado ka sa nararamdaman mo dahil kapag mahal mo ang isang tao, paninindigan mo ang feelings mo para sa kanya hanggang sa dulo.
Yes, nagkahiwalay kami ni Joachim pero yung break up na ’yon ay hindi dahilan para mapalayo ang loob namin sa isa’t isa bagkus iyon ang magpapabatid sa amin ng halaga ng bawat isa. Sa break up, doon mo makikita at malalaman na hindi mo pala kaya kapag wala siya.
_____________________
“Na-miss ko yung ganito. Yung dati na halos araw-araw nag-uusap tayong dalawa tungkol sa mga pangarap natin.” Malambing na sabi ko kay Joachim. “Alam mo yung kahit simpleng dinner lang pero kasama mo yung taong mahal mo tapos malalim na usapan.”
“Na-miss ko din ang sarili ko, e. I don’t know what just happened to my life.” Sabi naman ni Joachim habang nakatulala sa malayo.
Nasa rooftop kami ng isang hotel. Ito yung hotel kung saan ginanap ang homecoming party ni Dane kung saan pinaupo ako ni Dane sa pagitan nila ni Joachim sa isang monoblock chair.
Hinding-hindi ko makakalimutan yung araw na ’yon dahil sobra-sobrang kahihiyan ang dinanas ko noon.
“Uhm, Joachim, bakit nga pala dito mo ako naisipang dalhin? Alam mo naman na masama ang alaala ko sa lugar na ’to, ’di ba?”
“Yeah, I know. The last time you went here, you sat on a monoblock chair. Gusto kong baguhin yung alala mo na ’yon kaya dito ko ginawa ’tong date natin na ’to.”
Malamig doon sa rooftop na ’yon kaya pagkatapos naming kumain ay agad kaming umalis.
Habang nasa daan kami pabalik sa condo ni Joachim ay namangha akong muli sa mga nangyayari. Sa sobrang saya ko kasi ay hindi na pumapasok sa utak ko ang mga pangyayari. Hindi pa rin ako makapaniwala.
“Joachim, totoo ba ’to?”
“Alin?”
“Itong mga nangyayari sa atin. Kasi para lang akong nananaginip. Parang sa isang iglap lsng bumaliktad at umayos yung sitwasyon natin.”
Ngumiti na lang siya at hindi na sumagot.
Pagbalik namin sa condo ay nagyaya kaagad ako na matulog. Excited kasi akong gumising kinabukasan dahil ang bukas namin ay panibagong simula.
Habang nakahiga ako sa mga braso niya ay hindi ko na napigilang mangarap—mangarap ng mas marami pang magagandang pangyayari na p’wedeng dumating sa buhay namin.
BINABASA MO ANG
Slavery In His Condo (COMPLETED)
Ficción General[RATED SPG] Reese Evie Mercado lost everything after her Mom's death. Mag-isa na lang siya dahil sanggol pa lang siya nang iwan sila ng ama niya. What's worse? Her boyfriend, Joachim Villamor, broke up with her kaya patong-patong na luha, lungkot, s...